I worked in a bar kaya normal lang sa akin na magpapalit-palit ng wig dahil isa ako sa mga mananayaw.
Isang gabi napagpasyahan kong bumili ng bago at ang napili ko ay short pure black wig with bangs.
Pagkarating sa bahay ay tinago ko muna pansamantala sa bakanteng cabinet.
One day, it's my day off kaya buong araw akong nasa bahay.
Habang nag-aayos ako ng kwarto ay pumasok si Mama.
"May kailangan ka?" sabi ni Mama.
"Po?"
"Sabi ko, may kailangan ka? Tinawag mo ako ng tatlong beses."
Nagkasalubong ang kilay ko.
"Hindi po talaga kita tinawag, Ma,"
Napabuntong-hininga na lang siya tanda ng pagkainis.
"May ginagawa ako sa baba, Wen ha."
"Eh hindi nga kita tinawag, Ma."
Lumabas na lang siya ng silid ko.
Napailing na lang ako. Baka kase kung anu-ano na ang naiisip ni Mama eh.
Pagtapak ng ala y sais ng gabi ay kumain na ako sa baba at natulog pagkatapos.
Pero sa kalagitnaan ng tulog ay nanaginip ako.
Limang babae na naglalaro at parang mga estudyante pa.
"Hey!" tawag ko pero hindi nila ako nilingon at tuloy pa rin sa paglalaro.
Hindi lang isang beses kong napaginipan iyon kundi nagsunod-sunod pa.
Isang araw at day off ko ulit, habang kumakain ako ng almusal sa baba kasama si Mama ay biglang may boses kaming narinig ni Mama.
"Mama!"
Nagkatinginan kami.
"Mama!"
Tinigil namin ang pagkain at tumayo at naglakad papuntang kwarto.
"Mama!"
Dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan at sabay naming tinahak ang daan papuntang kwarto.
"Iyang boses 'ata ang narinig ko nung nakaraan, nak." saad ni Mama habang nakahawak sa braso ko.
Tuloy pa rin ang pagtawag ng boses na iyon at nasundan namin ito sa cabinet.
"Dito nanggaling ang boses Ma, pero wig lang ang nandito."
"Aba, itapon mo 'yang wig na 'yan, Wen."
"Ma naman, alam mong gagamitin ko 'yan diba."
Kinagabihan, habang natutulog ako ay ganun pa rin ang panaginip ko ngunit parang may kakaiba.
Tinawag ko sila ulit at huminto agad.
Hinarap nila ako ng sabay pero ang nakakagulat ay...
Natatakpan rin ng buhok ang mukha nila katulad ng nasa likod! At parang napamilyaran ko ang buhok nilang lahat.
Katulad iyon ng binili kong wig!
Mama! Pakigising ako please!
Naglahad ng kamay ang isa sa kanila.
"Halika Wena, laro tayo."
Kung katulad rin nila ang wig na binili ko ay parang ganun rin ng boses ko!
Takot akong umatras habang tahimik na nananalangin na sana ay magising ako.
Pero sabay rin silang pumunta saken at lahat na sila ngayon ay nakalahad na ng kamay at sinasabing maglalaro kami.
Tumalikod ako sa kanila at tumakbo pero hindi ko nakita ang batong nakaharang kaya nadapa ako.
Buti na lang at bigla akong nagising.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Mama ang kinwento sa kanya ang nangyari.
Gulat na gulat siya kaya wala siyang pinalampas na oras at agad niyang kinuha ang wig at tinapon sa garbage bin sa labas.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at mga taon ay hindi na ulit nagpakita ang mga babaeng iyon sa panaginip ko at hindi na ako bumibili ng wig at kalauna'y umalis ako sa bar na pinagtatrabahuan ko.
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020ps: related rin siya sa isa sa mga story ng Wansee ~

YOU ARE READING
elevated: my journey
Random: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...