UNTOLD STORY of Alice in the Wonderland

94 4 0
                                    

Marami ang naniniwalang nahulog si Alice sa isang balon dahil may sinusundan na kuneho at natagpuan niya na lang ang sarili sa hindi maipagkailang magandang mundo, ang Wonderland. Sa kanyang paglalakbay ay marami siyang nakasalamuhang mga malalaking hayop na nagsasalita, merong mahikero at sa kada kain niya ay lumalaki at lumiliit. May kaaway na Pulang Reyna at ang mga sundalo ay makikita mo sa mga baraha. Pagkabalik niya sa kanyang totoong mundo ay panaginip lang ang lahat at ang sabi ng kanyang ate ay siya'y natutulog lamang.

Pero paano na lang kung hindi iyon ang tunay na kwento.

Halika't sabay-sabay nating basahin ang istorya sa likod ng pelikula.

"Binibining Alice! Ako'y iyong sundan!"

Napamulat ako nang marinig ang maliit na boses na iyon at nang aking hanapin ay nakita ko ang isang kuneho sa paanan ng puno na nakatingala sa akin.

"Sundan mo ako, binibining Alice!"

Nanlaki ang mga mata ko at sa pagkagulat ay nataranta at nahulog sa punong tinutulugan ko!

"A-aray!" daing ko.

"Pasensya kung nagulat kita, binibini ngunit kailangan ko ang iyong tulong!" saad ng kuneho nang ako'y nilapitan.

"Bakit ka nagsasalita? Ano ka? Sino ka? Saan ka nanggaling? Bakit alam mo ang pangalan ko?" natatarantang tanong ko habang hawak-hawak ang likod.

"Basta't ako'y iyong sundan!" ani nito at tumalikod na nagtatakbo.

"T-teka! S-sandali lang!"

Tumayo ako at hindi na ininda ang sakit ng likod habang sinusundan siya.

"Hintayin mo ak—AAAAAAAAHHHH!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang naramdaman kong nahulog ako sa isang patibong!

"A-aah!" daing ko ulit!

Ano ba 'yan! Kanina likod ko ang tumama sa lupa at ngayon naman ay paharap naman! Ang sakit tuloy ng dibdib ko!

"Saan na ba kase 'yu—ayun! Teka lang, hintayin mo ako!"

Dali-dali akong tumayo nang nakita ko ang kuneho.

Hindi ba siya nasaktan sa pagkakahulog? Hindi ko naman nakita na nahulog siyang una sa akin!

T-teka! N-nasaan ako? Bakit napakaganda ng lugar na ito!

"Binibining Alice!"

Muntik na akong mapatalon nang narinig ko ang tawag ng kuneho sa akin!

"Bakit ka nanggugulat!?"

"Dali na't sundan mo ako habang maaga pa!"

Agad ko naman siyang hinabol. Napakabilis namang tumakbo ng kuneho na iyon!

Puro takbo lang ang ginawa namin hanggang sa nakarating kami sa isang napakagandang palasyo! Napakaganda! Dahil sa sobrang ganda ay napanganga na lang ako!

"Kuneho! Nasaan tayo at anong lugar ito?"

"Wala nang maraming tanong dahil tayo'y nagmamadali!"

'Ikaw lang kaya! Wala naman akong alam sa lugar na ito!'

Pumasok kami sa palasyo at agad kaming hinarangan ng mga barahang sundalo!

Ang astig nila!

"Kasama ko siya!"

"Ngunit ngayon lang namin siya nakita dito!"

"Siya ang ipinahahanap ng reyna!"

Pagkatapos sabihin ng kunehong iyon ay sumenyas silang papasukin na kami.

elevated: my journeyWhere stories live. Discover now