"Dzaii, 3am challenge tayo sa sementeryo!" masiglang saad ni Zeki sa akin.
Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"My goodness Zeks! Did you know na undas ngayon?"
"Yes of course, kaya nga tayo pupunta dun diba."
"Ayoko!"
"OMG! Don't tell me na natatakot ka?"
"Isn't obvious?"
Naglalambing naman siyang lumambitin sa'ken.
"Please."
"Fine!"
Pumatak ang 2:55am at tamang-tama naman kase nandito na kami sa labas ng sementeryo.
Agad namang nanindig ang balahibo, feel ko pati ang mga buhok sa gitna ng hita ko ay tumatayo rin! Gosh this is insane!
"Zeks, parang ayoko na."
"'Wag kang KJ Sas, tsaka nagla-live tayo oh,"
Inirapan ko na lang siya at inilibot ang paningin sa bukana ng sementeryo.
"3am na Sas! This is it!"
Hindi pa nga ako nakapagsang-ayon ay hinila na niya ako.
Napailing na lang ako.
Lumakad kami at hawak-hawak lang ang tig-isang flashlight at si Zeki naman ay busy sa kakabasa ng comments sa kanyang fb live.
Nasa kalagitnaan na kami nang may narinig akong hagulhol ng isang bata.
"Narinig mo ba 'yun Zek?"
"C'mon Sas, wala 'yon."
Takte! Binalewala niya lang!?
Habang papalayo kami sa bukana ng sementeryo ay para ring lumalakas ang hagulhol ng isang batang babae.
Tiningan ko ang reaksyon ni Zeki ngunit parang wala lang 'yun sa kanya!
Pinagsawalang-bahala ko na lang ang narinig ko.
Hanggang sa sinundan na ng isang malakas na sigaw ang hagulhol ng bata kaya napasigaw na rin ako!
"WHAAAAAA ZEEEEEEKKKIIIIIIII!!"
"Shh Sas, I think I saw something."
"What the hell? Saw something what?"
"A silhouette of a girl, a little girl." pabulong na sabi niya.
I stiffened. Parang gusto ko nang tumakbo!
Biglang natuon ang flashlight niya sa daan na dadaanan pa sana namin pero—
"WHAAAAAAAA SASSY MAY BATA!"
At dahil kanina pa ako takot ay sumigaw na rin ako!
Nakatayo ang batang babae na nakatalikod at nakaputing bestida!
Ramdam kong hinawakan ako ni Zeki at nanginginig na ang kamay niyang nanlalamig.
"I can't take this anymore, Sassy! Takbo na!"
Nagkakandarapa kaming kumaripas ng takbo pabalik na walang pakialam kung pati mga lapida ay maaapakan namin.
Takbo lang ang ginawa namin hanggang sa labas ng sementeryo and we arrived at our car, catching our breaths.
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2020
YOU ARE READING
elevated: my journey
De Todo: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...