"Nasa'n ka na?" tanong agad ni Mama nang sagutin ko ang tawag niya.
"Pauwi na'ko 'Ma."
"Kanina mo pang sinabi na pauwi ka na hanggang ngayon pauwi ka pa rin?!"
Nilayo ko agad ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng boses ni Mama. Shett nasa kabila na 'ata ang eardrum ko, nabingi na'ko masyado. Tsk.
"Kasalanan ko bang puno palagi ang jeep 'Ma?"
"Oo na! Bilisan mo na at nagdidilim na! Suskong bata ka oo!" saad nito tsaka pinatay ang tawag. Napailing na lang ako.
Pinasok ko na ang cellphone ko sa bag nang may natanaw akong jeep na iilan lang ang pasahero. Dali-dali naman akong sumakay baka maunahan pa ako. Pinili ko ang upuan sa pinakalikod para madali lang na makababa.
Nang makalarga na ang jeep ay umayos na ako ng upo nang napansin ko ang lalaki sa harap ko na nakabuka ang binti at nakayuko. Tulog ba 'to?
Dumako ang tingin ko sa gitnang bahagi ng hita niya! Kingina! Bakat na bakat! Daks! Oo! Bibe! Ahas! Sawa! Anaconda! Agilang may lawit!
"Ay bakat!" sigaw ko nang biglang napahinto ang jeep kaya ang ibang pasahero ay napatingin sa akin. Ang lalaking nasa harap ko naman ay nagising at napatingin sa'kin.
Kinginamo satanas! Gawin mo na akong anghel ngayon at baka madakma ko ang sawa ng lalaking 'to sa harap ko!
Umandar na ulit ang jeep at natanggal naman sa'kin ang tingin ng mga pasahero! Gosh! Nakaka-distract naman kase 'yong bakat ni kuya!
Sinulyapan ko siya ulit at hanggang ngayon ay nakabuka pa rin! Ginagawa niya 'atang makasalanan ang mga mata ko!
Pasimple kong kinuha ang phone ko at kinuhanan siya ng larawan at bago ko mapindot ang button ay tumngin siya sa'ken at nag-waki na dalawang kamay! Sa sobrang kaba ko ay napindot ko ito at kasabay nito ay pagdila niya sa camera.
Hala! Mama save me!
Dali-dali ko namang tinago ang cellphone ko at pumara.
"Manong para po!"
Iniabot ko ang bayad at halos lundagin ko na ang jeep sa sobrang kaba.
"Psst! Miss!"
Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa'ken at nakita kong si kuyang bakat ito! Hindi pa pala umalis ang jeep at mukhang may hinihintay pa.
"A-ako?"
Tumango siya. "Baka nagtaka ka kung bakit nakabuka ako? Pinapahanginan ko lang 'yung junjun ko dzai dahil naiinitan na daw siya! Kinuhanan mo pa ako ng picture! Kaderder ka!"
Nanlaki naman ang mata ko nang napagtanto ang tono ng boses niya!
"Baklesh ako sis! 'Wag ka!"
Kingina!
'Di ko na kinaya ang hiya at tumalikod na sabay takbo! Napahinto na lang ako nang hindi pamilyar sa'ken ang lugar.
"Teka. Asan ako?"
Nilibot ko ang tingin at nakita kong malawak na mga taniman ang nasa paligid ko!
WALA PA AKO SA BAHAY!!!
WORK. OF. FICTION.
All Rights Reserved ©2021
YOU ARE READING
elevated: my journey
De Todo: one-shot anthologies written from rpw : hello! just a quick reminder. most stories that you may read here are written way back 2020, so my style of writing isn't the same as today. i really want to unpub this but this is how i started and grow as...