"KARLEEN anong oras ka uuwi?"tanong ni David na abala sa pagpapatulog sa kambal. Hindi siya magkandaugaga sapagkat sabay pang umiiyak ang dalawa. Alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa ito nakakauwi mula sa trabaho. At kanina pa niya ito tinatawagan at tinetext. Napudpod na yata ang daliri niya ng sa wakas ay sagutin nito ang tawag niya. Normally dapat ay nandito na ito bago mag alas siyete.
"Mamaya pa siguro. Maraming trabaho sa opisina. Ikaw muna ang bahala sa kambal"matabang nitong sabi at may sasabihin pa sana siya pero tinapos na nito ang tawag. Naikuyom niya ang mga kamao.
Isang linggo ng ganoon si Karleen. Noong una ay ayos lang. Baka nga maraming trabaho sa opisina. Pero ng maging tatlong araw na iyon at ngayon ay naka isang linggo na itong ganoon ay nababahala na siya. Totoo bang nag oovertime ito o iniiwasan ba siya ni Karleen?
Noong una at ikalawang linggo niya dito ay ayos pa sila. Maayos siya nitong pinakikitunguhan, though ramdam niya ang pader na pilit na inilalagay ni Karleen sa pagitan nilang dalawa. At lalo na kapag sinusubukan niyang maging malapit dito, layo naman ito ng layo sa kanya na akala mo ay may nakakahawa siyang sakit. At kahit idinadaan niya sa biro ang mga pasimpleng pagsisikap niyang maging malambing dito at mapalapit dito ay may hatid na hapdi sa puso niya kapag sinusungitan o sinusupalpal siya nito.
Tatlong linggo na siya doon pero wala pa ring nabago sa pakikitungo ni Karleen sa kanya. Hindi pa rin niya matibag tibag ang puso nitong pinatigas ng galit at pagkamuhi sa kanya. At gusto na niyang panghinaan ng loob lalo na ng lumagpas ang dalawang linggo at tanungin siya nito kung hindi pa raw ba siya aalis.
"Akala ko ba dalawang linggo ka lang dito? It's been three weeks already"sabi ni Karleen habang nag aalmusal sila ng umagang iyon ng araw ng Sabado na wala itong pasok. Naibaba niya ang tasa ng kapeng iniinom niya at tinitigan ito ng matiim. But Karleen seem to care less na patuloy sa pagpapahid ng strawberry jam sa loaf bread sabay nguya niyon at hindi man lang siya sinulyapan.
Tila may sumuntok sa dibdib niya sa sakit na nadama. Ang pagtatanong nito kasi ay tila ba ito inip na inip na sa pag alis niya at kulang na lang ay diretsahang sabihin sa kanya na umalis na siya. And not only her tone, but her actions na halos hindi siya sulyapan sa tuwing nag uusap sila. Anong nangyari? For the past two weeks ay hindi naman ito ganoon. Tumitingin naman ito sa kanya kapag kinakausap siya at hindi siya nito ginagamitan ng ganitong tono na parang gusto na siyang palayasin.
Kaya paano niya sasabihin dito na hindi siya aalis ng hindi ito kasama at ang mga anak nila? Knowing Karleen kapag sinabi niya iyon ngayon, baka ora mismo ay ipagtabuyan siya nito. Ang plano niya ay paamuin ito sa loob ng pananatili niya dito pero nawawalan na yata siya ng tiwala sa sarili niya dahil ikatlong linggo na niya pero ni isang ngiti ay hindi pa siya nginitian ni Karleen.
Okay pa sana noong una at ikalawang linggo, medyo civil pa ito kung kausapin siya. Tila sa isang bisita sa bahay nito ang turing sa kanya. At kahit paano ay nabibiro biro pa niya ito kung minsan. Lalo na ng unang beses na dumalaw ang mommy nitong si Carmela doon at matuwa na makita siya na naroon siya. Siguro ay wala itong choice kundi pakitaan siya ng maganda dahil nandoon ang mommy nito. At napansin niya iyon, sa ilang beses na nakakadalaw si Carmela ay okay naman ang pakikitungo ni Karleen sa kanya.
Pero nitong lumagpas na sa sinabi niyang dalawang linggo lang na ipag iistay niya doon, ay napansin niyang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Lagi nang malamig o matabang ito kung kausapin siya. Siguro ay dahil hindi niya tinupad ang sinabi niya na dalawang linggo lang siya doon.
At nitong mag ikatlong linggo na ay mag iisang linggo na itong laging nag oovertime at obvious na iniiwasan siya nito dahil tulog na siya kapag dumarating ito, iyon ang alam nito dahil hindi siya makatulog hanggat hindi ito nakakauwi. Sa tuwing matapos niyang mapatulog ang mga anak ay sa salas siya matiyagang naghihintay, silip pa siya ng silip sa bintana kung nariyan na ba ang kotse ni Karleen.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
Любовные романыKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...