Chapter Twenty Three

80 3 0
                                    

NANLALAKI ang mata ni Kathleen ng pagmulat niya ay mabungaran ang guwapong mukha ni David. Pero hindi lang iyon ang dahilan ng panlalaki ng mata niya, talaga namang napakagandang tanawin sa umaga ang guwapo nitong mukha. At hindi lang nanlalaki ang mata niya kundi nag iinit din ang pisngi niya at iyon ay dahil nakayakap ito ngayon sa kanya habang mahimbing na natutulog, at ramdam niya ang hubad nitong katawan na nadikit sa hubad din niyang katawan. 

They were on a spooning position at nararamdaman niyang may matigas na tumutusok sa likuran niya! Is it really like that? Why is it still hard kahit tulog ito? Lalo na siyang namula.

Takte Kathleen, ganyan yata talaga yan kapag morning! Kaya pala ang sakit ng katawan ko ngayon..goodness ang laki naman kasi!

Dahan dahan siyang gumalaw upang hindi ito magising at humarap siya dito. It was one of the best moments of her life. To wake up every morning and see his handsome face next to her pillow. Muli niyang hinaplos ng tingin ang guwapo nitong mukha. Binusog niya ang mga mata. Napangiti siya, napakasaya niya, mahal niya ito at mahal din siya nito, kapagkuwan ay agad ding nagkalambong ng lungkot ang mga mata niya. Kung sana'y ito na nga ang kaforever niya.

Hindi niya kasi tiyak kung sila ang magkakatuluyan nito kahit na mahal nila ang isa't isa. Oo ramdam niya, sa bawat haplos, yakap, halik, sa pag aalaga at pag aalala nito sa kambal ,na mahal siya nito, pero pitong buwan silang magkasama at kahit alam niyang wala na ito at si Sophie, ay hindi pa rin siya mapalagay kung kanyang kanya na nga si David. 

 Hindi kasi ito bumabanggit ng kasal. Iyon na lang ang hinihintay niya mula dito. Dahil kung tatanungin siya nito ng will you marry me ay yes agad ang sagot niya. Pero wala. Baka ang balak nito ay pagkapanganak niya at baka doon siya tanungin, kahit paano ay nagka pag asa siyang muli. Baka nga ganoon ang gagawin ni David. At hihintayin niya iyon.

Napabuntung hininga siya, she will just have to wait for that time. At alam niya mangyayari iyon dahil ramdam naman niyang mahal siyang talaga nito, siguro ay marami lang itong inaasikaso ngayon, saka mas maganda nga naman na ikasal sila ng nakapanganak na siya para kasama na ang kambal sa kasal nila.

Ibinaba niya ang tingin sa mapulang mga labi ng binata. Gusto niya sana itong halikan bago siya tumayo. Ilang saglit na tinitigan niya ang mga labi nito kapagkuwan ay nagpasyang huwag na lang at baka magising pa ito. Nahihiya nga siya dito sa mga pinagsaluhan nila kagabi kaya natutuwa nga siya at nauna siyang nagising dito. Hindi niya ito kayang harapin ngayon ng ganito ang hitsura walang saplot. Ayaw man niya ay inalis niya ang tingin sa mga labi nito at ng mag angat siya ng tingin ay marahas siyang napasinghap dahil sinalubong siya ng nanunudyong mga mata ng binata!

Jusko gising na pala ito! Gaano na katagal itong gising? Nakita kaya nito na kanina pa ako nakatitig sa mga labi niya?

Umiwas siya ng tingin dito. "Ahm..good morning"bahagya siyang ngumiting bati niya dito. Bigla niyang nahila ang kumot pero dahil iisa lang pala iyon ay nahantad sa kanya ang kahubdan ng binata na may nakakalokong ngiti sa mga labi habang siya'y hindi magkandaugaga kung paano iyon ipupulupot sa sarili. At ng mapatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan nito ay nanlaki ang mata niya sapagkat ang hudyo hindi man lang pinagkaabalahang takpan iyon. And he was huge and aroused!

Agad siyang tumagilid upang hindi iyon makita. "Magtakip ka nga!" ang may inis niyang sabi dito upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman at ang muling pamumula ng mukha niya. Narinig naman niyang malakas itong tumawa. Muling nanumbalik sa kanya ang mga pinaggagawa nito sa kanya kagabi. Imagine hindi nito pinatay ang ilaw! They made love under a very bright light at hindi na niya mabilang kung ilang beses siya nitong inangkin, wala itong kapaguran.

Tinotoo nito ang sinabi nito dati na hindi lang isang rounds kundi maraming rounds iyon! At siya naman ay ganoon din, hindi naging hadlang ang malaki niyang tiyan para maipadama nila sa isa't isa ang walang kapaguran at walang sawang pangangailangan nila sa isa't isa. He needed her just as much as she needed him. 

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon