Chapter Twelve

52 2 0
                                    

TINATAMAD na inikot ni Kathleen ang tingin niya sa malawak na front lawn ng mansion. It was a party organized by her father Don Menandro para pormal na siyang ipakilala sa business world at family friends ng pamilya bilang ang legal nitong tagapagmana.

Kung siya ang masusunod ay ayaw niya. Para sa kanya, sapat ng natagpuan siya nito at natagpuan niya ito. Though nalulungkot pa rin siya kapag naalala niya ang nanay at mga kapatid niya. Wala na siyang naging balita sa mga ito ng may dalawang taon na. Ilang beses na niyang minessage ng pangungumusta ang kapatid niyang si Benjo sa facebook pero hindi ito sumasagot. Siguro ay pinagbawalan ang mga ito na makipagcommunicate pa sa kanya.

Napakagarbo ng pagkakadisenyo ng party niya, at siyempre ang namahala ng lahat kahit yata ayaw nitong gawin alam niya dahil para sa kanya ang party ay ang stepmother niya. Mula sa mga round tables and chairs, cutleries, food, drinks, lightings, designs, sounds at sa makeshift stage, mga servers, at waiters,   everything screams of class and wealth.

Feeling niya ay nasa isang formal event siya na dinadaluhan ng mga celebrity. Why every female wears long evening gowns with their stilletos of course while the men wears tuxedos if not three piece suits with their expensive leather shoes. Maging ang suot niya ay napaka glamorosa pero nagdalawang isip pa siya kanina kung susuotin ba niya, napakadaring din kasi niyon. Hindi siya ang pumili niyon kundi ang stepmother niya.

Hindi na siya nakahuma ng ibigay iyon kahapon sa kanya ng stepmother. May dapat na siyang susuotin, pero ayaw naman niya itong ipahiya dahil ipinagmalaki pa nito iyon sa lahat noong gabing kumakain sila. Pero kaninang suotin niya ay parang gusto niyang hubarin na iyon. It was a red evening gown, very revealing and daring. Plunging neckline exposing her creamy white cleavage, backless all throughout na sisipunin yata siya, nag alala tuloy siya sa baby niya kapag nahamugan siya at long gown nga pero may napakataas namang slit sa kanang hita niya na sa tuwing lumalakad siya ay hantad na hantad ang legs niya lalo na siguro kung uupo siya.

May baon siyang shawl sa mini purse niya na tinupi niya, mamaya kapag hindi nakatingin ang stepmother niya ay ibabalabal niya iyon para kahit paano ay matakpan ang dibdib at likod niya. Pero ng magprisinta itong make up an siya ay tumutol na siya. Sinabi niyang marunong naman siyang magmake up kahit hindi gaano. Baka anupang gawin nito sa mukha niya.

Almost ninety percent sa mga bisita ay hindi niya kilala and mostly are foreigners, ilan lang silang mga purong Pilipino, ang iba ay mga half and mixed nationalities. Ang mga kakilala lang niya ay ang mga katrabaho niya sa opisina, ilang mga kaibigan at naging kaklase niya sa university at halos lahat ng mga bosses ng Zapanta Telco ay naroon, except for the President and CEO, David Zapanta.

Speaking of which, ay hindi pa niya ito nakita mula pa kaninang umaga. Pero sabi ng papa niya ay hahabol daw ito, siguro ay kasama ng fiancee nito. Maybe they are busy sa mga last minute details ng kasal. Sa makalawa na kasi ang kasal ng mga ito. It will be a beach wedding in the southern part of Vienna.

Nakita na rin niya ang wedding invitation ng mga ito. Binigyan kasi siya ni Spence ng kopya ng invitation. At ilang beses na ring napatakan ng luha niya ang invitation na iyon sa tuwing tititigan niya. At kahit gusto niyang hindi dumalo ay hindi naman puwede dahil ano ang idadahilan niya? Na ayaw niyang saksihan ang tagpong magpapawasak ng puso niya ng tuluyan?

Napahugot siya ng malalim na buntunghininga kasabay ng hapding umahon sa dibdib niya. Hinaplos niya ang medyo impis pa niyang tiyan. Magdadalawang buwan na iyon, pero dahil balingkinitan siya at medyo namayat din sanhi ng morning sickness niya ay hindi pa halata iyon.

"Oh my baby..kaya ni mommy ito, kaya natin ito..lumalakas si mommy dahil sayo anak, kaya hang in there my baby..everything will be allright..." nanunubig ang matang sabi niya habang nakayuko at haplos ang tiyan.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon