Chapter Eleven

56 2 0
                                    

NAGPAPARUSANG mga halik ang iginawad ni David sa kanya. He was kissing her roughly na halos kagatin na nito ang labi niya at halos magdugo na iyon. Tila siya nito pinaparusahan dahil nakita siya nitong hinalikan ni Levin. Pero wala itong karapatang parusahan siya ng ganito dahil wala silang relasyon. Halos isampal ni David sa mukha niya na walang halaga dito ang nangyari sa kanila.

Kaya naman kahit alam niyang malakas ito ay inipon niya ang lakas niya at itinuon sa pagtulak sa dibdib nito. Pero dahil sadyang malakas ito ay ni hindi man lang ito natinag, pero kahit hindi niya ito natinag ay sige pa rin ang mga kamay niya sa pagtulak sa malapad nitong dibdib.

Pero bigla itong nag iba ng paraan ng paghalik. Naging marahan iyon at maingat, his lips over hers are like featherlight and now sweetly and gently claiming her lips. At ang mga kamay niyang kanina ay tumutulak sa dibdib nito ngayon ay humahaplos na doon. While David's one hand is smoothly caressing her back and his other hand found its way upward to her breasts, sweetly fondling and massaging them.

Nang saglit na pakawalan nito ang mga labi niya ay pareho silang humihingal hingal at pagkatapos ay tinitigan siya nito ng buong init sa mga mata.

"Oh babe..I want you..let's make it to my room.." he said huskily ng puno ng pagnanasa.

Natilihan naman si Kathleen sa sinabi nito. She wants him too. God knows how much she wants him, but she wants all of him, not just his body but most importantly, his heart. But David only wants one thing from her, her body. Because she will never have his heart. He had already given that to Sophie.

At ano ang kalalabasan niya kapag pumayag siya sa gusto nito? Keptwoman? Mistress? She suddenly felt suffocated by the pain that stabbed her heart. At nasaan ang delicadeza nilang dalawa kung gagawin nila iyon sa silid ng binata? Alam ng lahat na ikakasal na ito, ganoon na ba sila kawalang delicadeza na magagawa nila iyon sa mismong bahay nila kung saan sila ay naninirahan na para na ring magkapatid because they were stepsiblings?

At gusto niyang sampalin ang sarili sa katangahan na namang ito na ginawa niya. Muntik na siyang matangay sa matamis nitong mga halik. Hindi ba't sinisimulan na niyang mag move on? Bakit isang halik, yakap at haplos lang nito ay muntik na siyang bumigay?

Nang muli na namang yumuko ito upang angkinin ang mga labi niya ay nagawa na niya itong itulak.

"Babe?" takang tanong naman nito sa ginawa niya.

"Isa lang ang itatanong ko sayo David, ginagawa mo ba ito dahil mahal ako?"lakas loob niyang tanong pero ang puso niya ay halos dumagundong na sa kaba at takot. Dahil alam naman niya ang isasagot nito. Hindi siya nito mahal..pero itinanong pa rin niya dahil umaasa pa rin siya sa napakaliit na tsansa na bakasakali ay mahal din siya nito. Maliit man ang tsansa ay tsansa pa din iyon hindi ba?

"I...n-no.. I mean...no" tila nalilitong sagot nito.

May sakit na nagdaan sa mga mata niya sa naging sagot nito at ang kirot sa dibdib niya ay sumisigid. At may isa pa siyang gustong itanong. At itatanong na rin niya para isang bagsakan na lang ang sakit. Though parang alam na niya ang magiging sagot nito ay umaasa pa rin siya kahit napakaliit na ng pag asa niya.

"Kung sasama ako ngayon sa silid mo at ibibigay kong muli ang sarili ko sayo...kaya mo bang iwan si Sophie para sa akin?"hindi niya napigilan ang nginig sa boses niya. Nagbabara na ang lalamunan niya at alam niya any moment ay bibigay ang mga luha niya.

"I-i.. I can't.. I can't..."mahinang sabi ng binata na tila natitigilan.

Humugot siya ng malalim na hininga as tears started pooling at her eyes. Alam naman niya iyon, na hindi nito kayang iwan si Sophie para sa kanya, at alam din niyang hindi siya nito mahal. Pero bakit sobrang sakit na marinig iyon mismo dito? Dapat ay ready na siya sa sagot nito, pero hindi pa pala, because she feels like she's going to have a breakdown any moment kung hindi pa siya aalis sa harap nito ngayon. Baka maipahiya lang niya ang sarili niya.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon