Chapter Twenty Nine

86 2 0
                                    

"Karleen..ano bang nangyayari sayo? Tumahan kana please, tignan mo nga pati mga anak mo nahawa na sayo"natatarantang sabi ni Kathleen dahil hindi nito alam kung sino ang uunahing patahanin dahil sabay sabay na umiiyak ang tatlo. Three versus one! Mag isa lang siya na pinapatahan ang mag iina.

"Ate..mahal ko si David!"bulalas niya habang umiiyak.

"Alam ko. Pero kailangang sa kanya mo iyan sabihin at hindi iyang nag iiyak ka dito pati mga anak mo gumaya na sayo eh"tila nakukunsumi pero naaawang sabi ni Kathleen.

"P-pero sabi niya wala na siyang pakialam sa akin. At ni ayaw niyang sumama ako sa mga bata sa pagpunta sa hacienda. And that woman..she is his bride!" lalong lumakas ang mga hikbi niya.

"Maniwala ka don! Baka sinasabi lang niya iyon para pasakitan ka. Kung ako sayo ay sasama ako sa hacienda at babawiin ko si David at kahit ipagtabuyan ka niya ay huwag na huwag kang susuko dahil ganoon ang nagmamahal Karleen.." matigas na sabi ni Kathleen.

Napahinto siya sa pag iyak. Tama ito. Ang nagmamahal ay hindi sumusuko. Pinahid niya ang mga luha at huminto na sa pag iyak. At ng huminto na siya ay tumigil na rin sa paghikbi ang kambal. Napatawa naman si Kathleen.

"O sabi ko sayo eh ginagaya ka ng kambal sa pag iyak mo diyan"nanunuksong sabi ni Kathleen. Napangiti na rin siya at pinaghahalikan niya ang kambal.

Nang mapatingin siya kay Kathleen ay nagtaka siya dahil parang bigla itong natense. "Ate? Okay ka lang?"sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Kaya pala, dahil papalapit sa kanila ngayon ang napakaguwapong si Xian Zapanta! At madilim ang mukha nito na nakatuon kay Kathleen. Aba at sumunod din pala ito at mukhang may LQ pa yata ang dalawa at may tensiyon agad sa paligid.

Pero ng makalapit ito ay siya ang una nitong binati. Napatayo siya. "Hey Kath- I mean Karleen! How are you and the twins?"masuyong sabi ni Xian giving her a wide smile. He hugged her at pagkatapos ay hinalikan nito si Kristine na karga niya at ng bumaling ito kay Kathleen na nakatayo na rin at tila natulala na pagkakita kay Xian, para halikan ang karga nitong si Daniel ay biglang nawala ang ngiti nito. Pero ng halikan nito ang pamangkin ay bumalik ang ngiti nito.

Napangiti si Karleen. Confirmed may LQ nga ang dalawa. Parang sila lang ni David. Though ang kanila ni David ay mas mahirap, because it was more than a quarrel. Dahil kung wala siyang gagawin ay mawawala na ito ng tuluyan sa kanya.

"I'm okay. Ikaw akala ko hindi ka susunod? Wala ka bang modelling ngayon?" nakangiting sagot niya kay Xian.

"Actually marami, pero may isa kasi diyan na hindi makaintindi, pasaway eh"muling dumilim ang guwapo nitong mukha ng muling tumingin kay Kathleen na napakurap kurap naman.

Nang matanaw niyang papalapit ang mommy nila ay agad ng tumayo si Karleen para bigyan ng pagkakataong magkasolo ang dalawa.

"Heto na pala si mommy, doon muna kami sa party."

Humalik si Xian sa pisngi ni Carmela ng makalapit ito at nangumusta. Sinenyasan niya ang mommy niya na bigyan ng privacy ang dalawa. Agad naman iyong nagets ni Carmela. Kinuha nito si Daniel mula kay Kathleen at bumalik na sila sa party. Nang lingunin niya ang dalawa ay nagulat siya dahil nakita niyang sinampal ni Kathleen si Xian! Napailing iling siya. Mukhang mahihirapan si Xian na suyuin ang kapatid niya.


PAGBALIK sa party ay nalimutan niya ang pinoproblema kahit paano dahil sa masasayang mga batang naghahagikhikan sa mga parlor games. Tapos ng iserve ang lunch at ngayon ay abala ang lahat sa mga games na nakahanda. Ang mga kapatid niyang sina Benjo, Ana at Ella ang punong abala. Ang kambal ay panay din ang hagikhik na natutuwa sa maraming batang nagkakasayahan. Katabi niya ngayon ang nanay niyang si Carmen na nanonood sa mga batang naglalaro. Karga nito si Kristine at siya naman ay karga si Daniel.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon