WALANG nagawa si David ng piliin ni Kathleen na sa mansion umuwi. Kaya doon na rin siya umuwi muna para makausap ito at mapaliwanagan. Subalit sa bawat pagtatangka niya ay bigo siya. Pero sa kabila ng kinakaharap niyang suliranin ay natuwa siya at tinanggap siya at si Kathleen ng papa niya. It means napatawad na sila nito kahit hindi man diretsahang sabihin ang mga salita. Maging si Carmela ay doon na rin pinatuloy ni Don Menandro bilang bisita kahit tutol si Adelfa. At gusto niyang matawa sa mama niya, ang tatanda na ay nagseselos pa rin ito kay Carmela kahit may kani kanya ng asawa ang mga ito.
Sa isang buwan na naroon sila ay walang pinatunguhan ang paghingi niya ng tawad kay Kathleen. Hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Kagaya ng mga nakalipas na araw na sinusuyo niya ito, ayaw niyang mawalan ng pag asa.
Sa pag aalaga ng kambal ay sinisiguro niyang may partisipasyon siya. Nag indefinite leave siya sa trabaho, pumupunta lang siya ng opisina once a week kapag may kailangan siyang pirmahan o daluhang mahalagang meeting. Other than that ay nasa mansion lang siya, inaalagaan ang mga anak niya at sinusuyo si Kathleen.
Sa isang linggo na ang flight nito pauwi ng Pilipinas kasama ng kambal at si Carmela. At hindi niya mapapayagan iyon kahit na magmakaawa o lumuhod pa siya ay gagawin niya. At ayaw na nitong magpatawag ng Kathleen, gusto nito ay tawagin ito sa tunay nitong pangalan na Karleen para daw masanay ito.
Kumabog ang dibdib niya ng matanaw niya si Karleen. Nasa main veranda ito ng mansion, nakaupo ito doon while having late afternoon coffee with Spence. Weekend kaya nandito ang kapatid niya. Tuwing weekdays madalas ay nasa condo unit ito nito. At gusto niyang batukan ang kapatid dahil kanina pa ito doon at hindi tuloy siya makasingit. At kung hindi lang niya alam na may kinababaliwang babae ang kapatid niya, iyon yatang Natasha Reed ang pangalan, ay baka nabugbog na niya ito sa selos na nararamdaman niya sa tuwing nakikita itong kasama ni Karleen.
Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya maiwasang magselos kung minsan at kapag nakikita siya ni Spence na madilim ang mukha o nakabusangot ay lalo pa siya nitong iinisin at aakbayan pa si Karleen. At ngayon naman ay alam naman nitong gusto niyang masolo si Karleen ay tila walang kabalak balak umalis, ang sarap pa ng pagkakaupo at tawa pa ng tawa. Ang sarap talagang mambugbog ng kapatid kung minsan!
Pinagmasdan niya si Karleen. Nakakapanibago pa rin itong tawaging Karleen, nasanay na siya sa Kathleen, but somehow he likes her real name now. She looks so beautiful, her beauty is radiating as she smiles and he could even hear her laughter. Sana kapag kaharap siya nito ay makita niyang muli ang mga ngiti at marinig ang mga tawa nito. Dahil sigurado siya sa sandaling makita siya nito ay maglalaho ang mga ngiti at tawa nito. At kahit gusto na niyang panghinaan ng loob kung magagawa niyang pigilan itong umalis, ay ayaw niyang sumuko. He still has one week. At hinding hindi siya papayag na iwan siya nito kasama ng mga anak nila because she and the twins are his life. At kung aalis ang mga ito ay hindi niya alam kung kakayanin niya.
At iyon ang nagpapalakas ng loob niya. Happiness with her and the twins is worth the suffering he is facing right now. Kahit mahirapan siya ay kakayanin niya kung ang kapalit ay ang kapatawaran ni Karleen at ang bigyan siya nito ng isa pang pagkakataon na mahalin ito at lumigaya sa piling nito at ng mga anak nila. With that ay lumakas ang loob niya as he took his steps to approach her. At tulad ng inaasahan niya ay dagling napalis ang ngiti nito ng makita siya. Pero napaghandaan na niya ito kaya alam niya kaya niya ito.
"Kuya!" si Spence na agad na tumayo at mukhang nakahalata yata sa tingin na ibinigay niya dito. Alam din kasi nito na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos ni Karleen. At noong isang gabi nga ay pinuntahan niya ito sa condo nito at nag inuman sila nito, actually siya lang ang nalasing dahil halos siya ang umubos ng beer na binili nito dahil gusto niyang makalimot sa sakit na nararamdaman, hindi daw ito gaanong iinom dahil magkikita daw ito bukas at si Nathasa. Nagtataka na talaga siya sa kapatid niya. Hiniwalayan nito ang mayaman at seksing girlfriend para sa babaeng maituturing na hanapbuhay ang panloloko ng tao. Well maybe the woman has a story to tell kung bakit nito nagagawa iyon.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
RomantizmKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...