KAHIT tila may sumasaksak sa dibdib niya sa sobrang sakit ay tigmak sa luhang nilingon pa rin ni Kathleen ang bahay ni David habang papalayo ang sinasakyan niyang taxi. She doesn't want to leave him. Kung maari nga lang ay manatili lang siya sa tabi nito sa habang panahon.
Oo at nawarningan niya ang sarili na sa katapusan ng lahat ng ito ay babalikan nito si Sophie, pero napakahirap tanggapin niyon lalo na ang makita mismo kung paanong masuyong buhat buhat ni David ang babaeng mahal nito at yakapin at halikan pa nito iyon. Hindi pala niya kayang makita na magkasama itong muli at si Sophie, it's as if her heart is being ripped apart from severe pain. Kaya pala hindi ito sumasagot sa mga text at tawag niya..kaya hindi na ito umuuwi..binalikan na nito ang babaeng totoong nag mamay ari dito.
At siya na nabuntis lang nito ay kinalimutan na nito. Lalo siyang napahagulgol ng iyak na ang driver ng taxi na Austrian ay napapasulyap sa kanya sa rearview mirror.
"Miss? Please stop crying it's not good for your baby" ang may pag aalalang sabi ng driver na medyo may edad na.
Napatingin lang siya sa rearview mirror at lalo nang napaiyak, nahaplos niya ang tiyan niya.
It's not only one, but two babies will grow up without a father..
At tama ang driver, hindi siya dapat umiyak ng umiyak at baka mapaano ang mga dinadala niya. Higit kailanman ay ngayon niya kailangang magpakatatag. With trembling hands, she wiped her tears. She has to be strong for her kids.
Nagpasalamat siya matapos magbayad sa driver. Nagpababa siya sa isang apartelle na medyo mura ang renta. May pera siya at may savings din naman, pero kailangan niyang magtipid dahil baka maubos iyon sa panganganak niya at sa gastusin nila habang wala pa siyang trabaho.
Desidido na siyang maghanap ng matutuluyan pero ng makausap naman niya ang landlady ay tila may pumipigil sa kanya na ituloy ang gagawin. Hindi niya maimagine na magigising araw araw na wala siyang makikitang David na umuuwi kada weekend. Inilibot niya ang tingin sa apartment, it felt empty just like her heart. How can she live each day in this empty room kung hindi na niya makikita pa ang source of happiness niya? Ang lalaking palagi niyang hinihintay magreply sa mga text niya at sumagot sa mga tawag niya. Ang lalaki na lagi niyang gustong magweekend na para umuwi na ito at makasama niya. Ang lalaking gabi gabi niyang hinihiling na sanay mahalin din siya.
Oh David..without you how can I go on? Her eyes got blurry again with tears.
"Miss are you alright?" tanong naman ng landlady na nagulat ng bigla na lang siyang umiyak.
Pinahid naman niya ang mga luha. "Yeah, thanks, I was just inquiring anyway"aniya at agad na umalis. Nagpahinga muna siya sandali sa may malapit na park hila hila ang dalawang maleta. Nang masigurong kalmado na siya ay naglakad na siya ulit to look for another apartment.
Nakailang apartment pa siya, pero sa bawat puntahan niya ay hindi naman niya maituloy tuloy na kunin ni isa sa mga iyon. Hanggang sa ginabi na siya sa paghahanap ng matutuluyan. At dahil ilang oras na siyang nasa daan sa paghahanap ay nakaramdam na siya ng pagod at nagugutom na rin siya. Kanina ay bumili lang siya ng burger at coffee sa isang convenience store. Pero dahil sa ginawang paghahanap, makailang sakay ng taxi, at paglalakad ay talagang napapagod na siya at nagugutom na rin ulit. Nananakit na ang mga binti niya at ang tiyan niya ay naninigas kung minsan. Siguro ay napapagod na din ang kambal sa kanya.
Hindi naman siya maarte, kahit saan ay puwede siyang mag istay, pero nakailang apartment na siyang napuntahan pero umabot na siya ng gabi ay hindi niya nagawang makapili ng matutuluyan. At alam niya kung bakit. She couldn't bring herself to totally leave David. And she silently prayed the whole time na sana ay hinahanap siya nito ngayon pero parang imposible, baka nga nakahinga iyon ng maluwag at wala na itong poproblemahin sa pakikipagbalikan nito sa first love nito.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
RomanceKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...