Chapter Two

94 2 0
                                    

"YOU heard me!"matiim nitong sabi. Anger and impatience across his handsome face.

"B-bakit? Paanong..." hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Bakit mukha naman itong nagsasabi ng totoo?

"It's a long story, for now I need to take you home"hinila na nito ang kamay niya at iniupo siya sa passenger seat, at ito na rin ang naglagay ng seatbelt niya at dahil tulala pa siya sa sinabi nito ay nagulat na lamang siya ng pinaandar na nito ang kotse nito.

"Wait! Saan mo ako dadalhin?" nagpapanic niyang sabi, lasing siya at medyo nahihilo din, pero alam pa niya ang nangyayari at isasama siya nito sa kung saan? Sinasabi nitong stepbrother niya ito pero hindi siya sasama dito, hindi niya ito kilala.

Nang hindi ito sumagot ay sumigaw na siya.

"Hindi ako sasama sayo! Ibaba mo ako!"nagsisigaw na siya at tinangkang buksan ang pinto ng kotse sa tabi niya kahit alam niyang nakalock iyon.

"Shut up!" singhal nito sa kanya at iyong saglit na iyon na sinulyapan siya nito habang nagmamaneho ay napasiksik siya sa dulo ng kotse sa galit na inilalabas ng mga mata nito.

"Look, hindi ako masamang tao! Kanina pa ako naghihintay sa bahay ninyo, pero wala ka yatang balak umuwi kaya pinuntahan na kita dito sa bar na sinabi mo sa kapatid mo!" hindi tumitinging sabi nito.

Ito ba ang bisita nilang dumating na sinasabi ni Benjo? Pero bakit? At paano siyang nagkaroon ng stepbrother? Kung totoo ang sinasabi nito ay ibig bang sabihin noon ay hindi siya totoong anak ng nanay at tatay niya? Sukat doon ay napahikbi siya ng malakas.

"Damn! Anong iniiyak mo diyan!" marahas na baling sa kanya ng binata.

"E kasi kung stepbrother kita ibig sabihin ampon nga ako nina nanay at tatay!" sabi niya habang nagngangawang umiiyak. Dala siguro ng kalasingan kaya hindi na siya nahiyang magpalahaw sa pag iyak na tila bata sa harap ng estrangherong ito na nagsasabing stepbrother niya!

Si David na tila maririndi sa lakas ng palahaw niya ay napalakas ng preno at padaskol na inihinto ang kotse. Na kung hindi siya nakaseatbelt ay baka sumubsob na siya sa windshield. Pero hindi nga siya sumubsob ay dahilan naman iyon para mas lalong tumindi ang nararamdaman niyang hilo kanina pa at parang masusuka siya!

"Oh no you don't throw up at me!" ang nababaghang sabi ng binata ng makita na parang maduduwal siya sa harapan nito. Natatarantang tinanggal nito ang seatbelt niya at mabilis na nabuksan ang pinto sa side niya at eksakto lang na bumukas iyon ay nailabas niya doon ang lahat ng nainom.

At nagulat pa siya ng habang sumusuka siya ay hinahagod hagod ng lalaki ang likod niya upang guminhawa siguro ang pakiramdam niya. Inabutan pa siya nito ng tissue para pamunas. Pero dahil hindi siya sanay uminom ay hinang hina siya pagkatapos sumuka. Napapikit na napasandal siya.

Hinayaan lang siya ni David. Makalipas ang ilang saglit ay binuhay na nito ang makina.

"Wear your seatbelt Kathleen" utos niya sa dalaga habang minamaniobra ang kotse. Nang hindi ito kumikilos ay naiinis na binalingan niya ito.

"I said wear your..." nahinto ang sinasabi niya dahil ang kausap niya ay nakalungayngay na nakatulog na sa kalasingan. At halos kita na niya ang kaluluwa nito sa suot na palda na nalilis na at napataas na at nakabukaka pa ang pagkakaupo at ng tumaas pa ang tingin niya sa sleeveless blouse nito ay bukas na ang dalawang butones doon at halos lumuwa na ang dibdib nito! Napamura siya.

Agad niyang kinuha ang jacket niya at itinakip sa palda ng dalaga at inayos ang pagkakasandal nito at siya na ang naglagay ng seatbelt nito. At ewan ba niya bakit hirap na hirap siyang maikabit ang seatbelt nito kahit hindi naman gumagalaw ang dalaga dahil tulog nga ito.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon