Chapter Seventeen

79 3 0
                                    

DAVID's heart was pumping so fast as he stop his car on the driveway. Tila ba siya makikipagkita sa nililigawan niya at magtatapat dito, ganoon ang pakiramdam niya, nervous. Tumingin pa siya sa rearview mirror kung ayos lang ba ang buhok at hitsura niya. Inayos ayos pa niya ang buhok niya maging ang suot na sportshirt. Sinulyapan pa niya ang boquet of pink carnation flowers at box of swiss chocolates na nasa passenger seat niya.

Gusto niyang matawa. Parang sa isang manliligaw ang datingan niya ngayon. Where in fact he have never courted in his life. Hindi sa nagyayabang siya, in his teenage and younger years, women do the chasing for him. At hindi na kailangan ng mahabang usapan, kung gusto niya ay napapasakanya. With his good looks and wealth, no one could resist, the tall, handsome and wealthy David Zapanta.

Iisang babae lang ang niligawan niya noon, si Sophie. Ilang taon niya itong sinuyo, pero ngayon ay nawala itong muli sa kanya. Bigla siyang nalungkot. Kasalanan naman niya kung bakit. Pero nakausap na niya ito at palilipasin lang niyang makapanganak si Kathleen. Kapag naiayos na niya ang lagay nito at ng baby nila ay babalikan niya si Sophie.

With that ay muling bumalik ang sigla niya. No need for him to feel nervous. It's not like he's going to court Kathleen. He just bought chocolates and flowers for her para pambawi sa mga linggong hindi siya umuwi. And he missed her also somehow katulad ng sinabi niya dito noong kausap niya ito sa cellphone, maybe because she is the mother of his baby kaya siguro.

At naguguilty siya dahil umiiyak ito kanina habang kausap niya sa phone, iniisip nitong nagagalit siya dahil sa pagsusuot nito ng string bikini. Well hindi siya nagagalit dito, mas sa sarili niya siya nagagalit dahil nawalan siya ng kontrol sa sarili niya ng araw na iyon.

He is just a man, a weak man, and Kathleen is a very desirable and attractive woman na nadala siya at hindi na nakapag isip ng tama. Now he has to be more careful with his actions towards her. He has to keep safe distance from Kathleen for Sophie.

With that in mind, inalis niya ang kabang nararamdaman, this is just Kathleen so no need to feel nervous. Pagbaba niya, dala ang bulaklak at tsokolate na inilagay niya sa backbag niyang abaca style para hindi kaagad makita ng dalaga.  Gusto niya kasing huwag muna iyong makita agad ni Kathleen para masorpresa ito kaya nagbackbag pa siya.  Unang umagaw ng atensyon niya ang nakangiting si Kathleen na mukhang aliw na aliw habang naglalakad ito sa may hardin.

She was so beautiful that David couldn't take his eyes off of her. Hindi pa siya nito nakikita kaya malaya niyang napagmamasdan ang napakagandang dalaga na siyang lalong nagpaganda sa buong hardin niya. Ang mga bulaklak sa paligid nito at iba't ibang mga naggagandahang halaman and most of all, her beauty is a sight to behold.

She's wearing a loose floral yellow dress that hung beautifully in her sexy curves and David's chest constricted when he noticed the little bump in her tummy, his baby. Kasalukuyan niyang pinagsasawa ang sarili sa pagtitig sa napakagandang tanawin sa harap niya nang mapatingin ang dalaga sa kanya. And in that instant, his heart leapt from its confinement dahil buong tamis siyang nginitian nito at tila batang excited na humahangos itong papalapit sa kanya. At ang puso niya ay biglang nataranta, sa bugso ng damdamin na kanyang nadama. He too was excited na ikinagulat niya sa kanyang sarili, at bigla siyang nag alala dahil pandalas ito sa mabilis na paglapit sa kanya na halos tumakbo na.

Sa pag aalala na baka madapa pa ito, ay tinakbo na niya ang pagitan nila at sa gulat niya ng makalapit siya dito ay yumakap ito sa kanya. And without hesitation, he envelope her in his arms as his heartbeats became wilder lalo na ng tumingala ito at tumingin sa mga mata niya, with happiness twinkling in her gorgeous eyes.

"Oh David! You're here! Akala ko hindi ka na naman darating. Kanina pa nga ako dito sa hardin, hinihintay kita" medyo humihingal pa nitong sabi habang nakatitig sa kanya.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon