Chapter Three

81 3 0
                                    

SA eroplano dahil first time niya nang magtake off iyon ay medyo natakot siya, nanlalamig ang mga kamay niya at tila siya ninenerbiyos. Akala pa naman niya kanina ay magkatabi sila ni David, pero dahil nasa first class seat sila, ay nasa kabilang side ang binata at mukhang busy sa ginagawa sa laptop nito, samantalang siya ay pinagpapawisan ng malamig.

Ipinikit na lamang niya ang mga mata para palipasin ang takot.

"Hey are you allright?" napamulat siya ng mata at ang guwapong mukha ni David ang nabungaran niya. Nakatayo ito sa tabi niya, nakatunghay sa kanya.

"First time ko kasing sumakay ng eroplano..natakot ako kaninang mag take off" nahihiyang amin niya sa binata. Akala niya ay hindi siya nito napapansin dahil busy ito sa ginagawa.

Napangiti naman ito. Ang puso naman yata niya ngayon ang biglang nagkaproblema sa pagtibok sa ngiting iyon ng binata.

"It will be okay, just relax, inhale and then exhale" hinawakan pa nito ang mga kamay niya at hinaplos haplos iyon at umupo ito ng pasquat sa harapan niya. He was so near na kitang kita niya kung gaano kaganda ang mga mata nitong kulay brown, kung gaano katangos ang ilong nito, kung gaano kanipis at kapula ang mga labi nito..kung gaano ito kagandang lalaki! Nagdalawang isip pa siya kung makakapag relax siya na nakatunghay ito sa kanya!

Hindi niya alam kung ano ang nakapagparelax sa kanya, ang paghaplos haplos ba nito sa kamay niya o ang masuyo at tila nag aalalang tingin nito? Pero alinman duon sa dalawang iyon ang dahilan ay narelax siya ng tuluyan. Siguro ay dahil sa nginingitian siya ngayon ng binata. Hindi katulad noong gabing magkakilala sila at kahapon, kundi galit ay laging nakaangil sa kanya. And he looks even more good looking with his smile! Kung sana'y lagi siya nitong ngingitian.

Ilang taon na kaya ito? Sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya ng mga pitong taon o baka higit pa. May asawa na kaya ito? Napatingin siya sa kamay nitong humahaplos sa kamay niya. Wala naman itong singsing, ibig sabihin ay single pa ito! Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa mga labi niya.

"I guess you're okay now, nakakangiti ka na" nawala na ang ngiti nito. Muling bumalik ang pormal na anyo.

"A..e oo" sagot na lang niya, bahagya siyang yumuko upang itago ang sa tingin niya ay namumulang pisngi niya. Mabuti at iyon ang naisip ng binata na dahilan ng pagngiti niya, na hindi nito napansin na napangiti siya dahil nakita niyang wala itong wedding ring!

Pero bakit ganoon? Bakit kaya naging pormal na naman ito sa kanya?

Nakadama siya ng kahungkagan ng tumayo na ang binata at bumalik na sa upuan nito. Napanatag naman na siya pagkatapos. Sa una lang talaga siguro yung takot niya. At napakakumportable ng upuan niya at well served sila ng mga flight attendants, ikaw ba naman ang nasa first class! At napakaluwag, feeling tuloy niya ay nasa salas lang siya ng isang magandang bahay. Ilan lang silang nasa first class, aalug alog sila doon. Pinangarap niya noon na makapagtravel, ilang beses na silang nagplano ni Madel, na hindi matuloy tuloy dahil sa kanya. Lagi na ay nagagalaw niya kapag may pera siyang naiipon na pang travel sana. Pero ito, first time niyang sumakay ng eroplano at hindi niya maimagine na sa first class pa ang unang experience niya sa pagsakay!

Pero sa panghihinayang niya, sa buong durasyon ng flight nila ay hindi na siya muling nilapitan ng binata. Siguro ay dahil hindi na siya natatakot gaya noong nagtake off ang eroplano, kaya siguro hindi na siya nito nilapitan. Kahit ng mag stop over sa Dubai ang flight ay hindi na ito lumapit sa kanya. Inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa ng mga magazine na naroon at ng magsawa ay nagmusic na lang siya sa kanyang cellphone and wear her earphones.

Naka ilang serve na rin ng meals ang mga flight attendants. Inip na inip na rin siya. Ang layo naman pala ng Vienna. Pakiramdam niya kasi ay beinte kuwatro oras na siyang nakaupo doon!

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon