"OH David! Don't cry please!" umiiyak niyang sabi habang yakap yakap ang binata. Wala siyang pakialam kahit mabigat ito, nakaupo siya sa sahig at ito naman ay kinabig niya sa dibdib niya. Kaya ang bigat nito ay nasa kanya. Medyo iniiwas lang niya ang tiyan niya at baka maipit, though maliit pa naman iyon.
Nang tila matauhan si David sa nangyayari ay bigla itong kumalas sa kanya.
"What are you doing?! Bakit mo ako dinadala sa dibdib mo, paano kung maipit ko si baby?"angil nito sa kanya. Pareho silang nakaupo sa sahig at parehong may luha sa mga mata.
"I'm sorry..kasalanan ko kung bakit hindi na matutuloy ang kasal mo, it's all my fault David..I'm sorry! At saka hindi naman naiipit si baby, iniwas ko siya.." garalgal ang boses na sabi niya sanhi ng pag iyak.
Tumayo ito at inabot ang kamay niya upang makatayo din siya. Nang makatayo siya ay tumalikod naman ito sa kanya at nakita niya kahit nakatalikod ito na pinunas nito ang mga luha nito sa mata. At may pumipitik na sakit sa dibdib niya, alam niya, ayaw nitong makita niyang umiiyak ito dahil sa pagkasira ng kasal nito. Alam niya, hindi siya nito sinisisi sa nangyari, nararamdaman niya. She could even feel na ang sarili lang nito ang sinisisi nito sa lahat ng nangyari. At nararamdaman niya ang sakit na iniinda nito.
Nang matapos nitong mapunasan ang mga luha nito ay humarap ito sa kanya.
"At anong nangyari sayo? Napano ka at umiiyak ka ng ganyan? At ano yang pinagsasabi mong yan?" malamig nitong tanong. Patuloy lang kasi ang agos ng mga luha niya.
"David, please, huwag mong solohin ang sisi, alam natin pareho na dahil sa akin, dahil sa dinadala ko kaya umurong sa kasal si Sophie, I'm sorry but I overheard your conversation and I can't bear to see you hurting like this..please let me do anything I could to ease your pain" napahawak pa siya sa braso nito pero ng tingnan iyon ng malamig nitong mga mata ay naiatras niya bigla ang mga kamay.
"Dinala kita dito para sa bata, hindi para pakialaman ako Kathleen. At lalong ayaw ko sa lahat ang may nakikinig sa usapan ng may usapan at pumapasok sa silid ko basta basta! Huwag na huwag mo akong pakikialaman kahit umiyak man ako ng dugo! I don't need your symphaty! Carrying my child doesn't give you any right over me Kathleen so leave me alone!" halos sumisigaw na ito sa galit na bahagya siyang natakot. Surely hindi siya nito sasaktan physically, but his dark face tells her na kailangan na niyang sundin ang sinabi nito or else she'll be sorry.
Nakayukong lumabas na lang siya ng silid nito at dumiretso siya sa silid niya at umiiyak na humiga sa kama niya sa kung papaano na lang. Oo nga naman, wala siyang karapatan dito. Their baby is his only concern. Siya, wala, wala siyang kahit anong karapatang gawin sa bahay na ito, because she's just the bearer of his child! At kahit hindi siya sinisisi ni David sa nangyari, mas masakit naman na tratuhin siya nitong tila walang halaga ang damdamin, na naroon lang siya para ipagbuntis ang anak nito at pagkatapos noon ay wala na.
NAGISING siyang may mahinang tumatapik sa pisngi niya. Pagmulat niya ay namulatan niya ang isang may edad na babaeng mukhang mayordoma na nakangiti sa kanya. Nakatulugan pala niya ang pag iyak kanina. Napaupo siya sa kama at bahagya itong nginitian. Siguro ay Austrian ito, kulay gray ang buhok nito at maging ang mga mata nito.
"Fraulein.. dinner is ready, David is waiting for you at the dining. My name is Emilia" magalang na sabi ng mayordoma. Nanibago siya dahil may tumawag na Fraulein sa kanya, which means Miss in English.
"Danke" she answered in Austrian which means thanks. "I am Kathleen" pakilala rin niya dito. Iyon lang muna ang sinabi niya, hindi pa niya kasi alam kung dapat ba niyang sabihin na stepsister siya ni David, baka wala pang alam ang mga tao dito. At siyempre kakadating lang nila doon kaya sigurado siya wala pang may alam na buntis siya. Si David na lang ang hahayaan niyang magpaliwanag sa mga ito. Baka magalit na naman ito kapag pinangunahan niya ito.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
RomansaKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...