Chapter Twenty Four

71 2 0
                                    

RING lang ng ring ang cellphone ni David pero hindi nito iyon sinasagot. Nag aalala na si Kathleen at baka napaano na ito. Napaka unusual kasi na hindi nito iyon sinasagot. She inhaled exhaled para itaboy ang kabang umahon sa dibdib niya. Ayaw niyang magpadala sa takot. Baka nakasilent lang ang phone nito or naiwan sa kung saan kaya hindi nito iyon sinasagot.

Pero ng may kalahating oras na hindi pa rin nito iyon sinasagot ay nag alala na siyang talaga. Gabi na rin kasi, mag aalas siyete na. Ang sabi nito kaninang umalis ito ng umaga ay uuwi ito bago gumabi. Nagpaluto pa nga siya ng masarap na putahe sa mayordoma dahil sabay daw silang magdidinner at may sasabihin daw ito sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa at ni hindi nagtetext mula pa kanina.

She was pacing back and forth sa loob ng silid niya. Nang hindi makatiis ay tinawagan niya si Spence. Sa ikatlong ring ay sumagot naman ito.

"Kathleen!" there was an urgency in Spence's tone na hindi nakaligtas kay Kathleen.

"Spence! Is David with you? I've been trying to call him pero hindi siya sumasagot."

"No hindi ko siya kasama pero pauwi pa lang din ako galing akong opisina. Ang alam ko papunta siyang mansion. Pinatawag siya ni papa, though hindi ko pa alam kung bakit."

"Is there something wrong Spence?"

"I also don't know yet Kathleen, pero maging ako ay pinapauwi din agad ni papa. At nakapagtataka din na biglang ipinatawag ni papa si David e ni ayaw nga itong makita ni papa."

"A ganoon ba sige salamat" aniya na kahit paano ay napanatag siya dahil alam niya kung nasaan ito. Pero hindi mawala wala ang kaba niya dahil bakit ito biglaang ipinatawag ng papa niya? May problema kaya? Hindi siya mapapanatag na narito lang at naghihintay dahil ramdam niya may kinalaman sa kanya kung bakit ito ipinatawag ng papa niya.

Hindi na siya nagdalawang isip na lumabas ng bahay. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mayordomang si Emilia kahit pinipigilan siya nito. Nagbook siya ng grab dahil hindi naman siya puwedeng magmaneho. Ang laki na kasi ng tiyan niya at kabuwanan na niya. Nagkataong wala pa ang butler na si Jim dahil dayoff nito ngayon kaya walang magmamaneho para sa kanya.

Sa taxi ay abot abot ang dasal niya na sana ay wala namang problema. Nang huminto ang taxi sa driveway ng mansion ay nakita niya ang kotse ni David doon. Ayaw man niyang magmadali dahil sa tiyan niya ay napahangos pa din siya papasok ng bahay. Bukas ang maindoor kaya dire diretso siyang nakapasok. Pero napahinto siya dahil mukhang seryosong nag uusap ang mga naabutan niya. Saglit siyang sumandal sa dingding na bahagyang natatabingan ng indoor plants kaya hindi siya kita mula sa kinatatayuan niya. Bahagya siyang sumilip.

Lima katao ang nasa salas. Ang papa niya na nakaupo sa mahabang sofa katabi ang stepmother niyang si Adelfa. Si Spence na nakaupo sa katapat ng mga ito sa pandalawahang sofa. Si David ay nakatayo, bahagyang nakasandig sa malapit na grand piano, nakatagilid ang puwesto mula sa pinto kaya kitang kita niya ang madilim nitong mukha. One look at his handsome face alam ni Kathleen na may hindi magandang nangyayari. Pero napakunot noo siya, may isang may edad na babae doon na hindi niya kilala. Though parang may pamilyar dito na hindi niya matukoy kahit ngayon lang niya ito nakita. Maganda ang babae at may maamong mukha at siguro ay kaedad ng nanay niya. Nakaupo naman ito sa isang single couch. Pero bakit ganoon, tingin niya ay may hawig siya sa babae.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Menandro. Isasama ko na pauwi ng Pilipinas si Karleen"sabi ng babaeng hindi niya kilala. Malumanay itong magsalita pero nandoon ang tatag sa bawat bigkas nito ng salita.

Biglang tumahip ang dibdib niya sa narinig. Karleen? Hindi ba't.. hindi ba't ako yon?

Nanlalaki ang matang muli niyang ibinalik ang tingin sa magandang mukha ng nakatatandang babae. May malabong alaala ng isang babae ang biglang gumitaw sa isip niya, noong siya'y bata pa. Isang magandang babae na lagi na ay pinupupog siya ng halik kapag darating ito mula sa trabaho, habang karga siya ng siguro ay yaya o taga pag alaga niya. And now it makes sense, ang yaya na may hawak sa kanya ay ang nakagisnan niyang ina na si Carmen at ang babaeng ito..ay ang kanyang tunay na ina na si Carmela!

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon