"WHY the long face? Did he scold you again?" tanong sa kanya ng sekretarya ni David na si Mrs Madrid, ng umagang iyon pag upo niya sa office chair niya.
Kakalabas lang niya sa private office ni David. And as usual nasabon at nabanlawan na naman siya! Ganoon lagi ang eksena nila sa tuwing may ituturo ito at ipapagawa sa kanya. And that has been six months already, regular na nga siya sa trabaho pero pakiramdam niya ay laging first day niya!
Nakasimangot siyang nangalumbaba. "I don't get him! Does he honestly think I can grasp and learn all that he's teaching me in just one sitting! And not only that, he teaches so fast I could hardly follow, what does he think of me a robot that could absorb all of this shit!"naikuyom niya ang mga kamao niya sa inis. Hindi siya palamura pero nakakamura na kasi ang pagtrato sa kanya ng boss niya.
Napakabilis nitong magturo at kapag hindi niya agad nagegets o naiintindihan ay magagalit agad. Kapag tinatanong naman siya nito kung may question siya at kung hindi siya magtanong ay nagagalit pero kapag magtanong naman siya ay nagagalit pa rin at sasabihin nitong hindi ba niya naiintindihan kaya siya nagtatanong. Nakakahighblood! Hindi na niya tuloy alam kung saan siya lulugar!
Kapag may ipinapagawa naman sa kanya at binigyan siya ng deadline, kung matapos naman niya ay ang dami nitong tanong at butas na nakikita sa ginawa niya. Na kahit ilang beses niya munang chineck at nireview ng mabuti bago ipasa dito ay bakit may nakikita pa rin itong mali? Kapag hindi naman niya natatapos agad dahil pinagbubutihan niyang icheck mabuti ay nagagalit pa rin! Jusko bisyo na ba nito ang pagalitan siya?
And she swear na mabibilang niya ang mga sandaling nakikita niya itong ngumiti. Kapag lang nandoon ang fiancee nito, kapag kausap nito si Mrs Madrid at ang liason officer nilang si Mr Hoffman at kapag kausap nito ang iba pang empleyado maliban sa kanya. And that's it, lahat naman nginingitian nito except her!
Oo alam niyang tinitrain siya nito dahil siya ang hahawak ng isa sa mataas na posisyon sa kumpanya someday. Pero grabe naman ito kung tratuhin siya. Alam niyang hindi siya ganoon katalino, average lang siya kumbaga, sa school nitong ipinagpatuloy niya ang pag aaral ay pumapasa naman siya, hindi man ganoon kataas ang mga grades niya, ay nasa average naman iyon at naipasa niya lahat.
Pero matiyaga siya at eager siyang matuto pero kung si David lang naman ang magtuturo ay talagang mauubusan siya ng pasensya. Tingin niya ay siya na ang pinakapasensiyosang tao pero mauubos ang pisi niya sa lalaking iyon! At pakiramdam niya ay namemersonal ito na kahit anong gawin niya ay laging ang mali lang niya ang nakikita nito.
Pasalamat talaga ito at mahal niya ito naku kung hindi talagang sasabog na siya. Namumuro na ito sa kanya! Sa dami ng pinapagawa at itinuturo nito sa kanya ay wala na siyang time na planuhin ang balak niyang pakikipaglapit dito. Napakasungit at laging paangil o kaya ay galit kung kausapin siya! Kaya paano pa niya ito maaakit? Lalo na ay lagi nitong kasama ang fiancee nito dahil malapit na itong ikasal.
In three months time ay ikakasal na ito. Dagli niyang nakalimutan ang galit niya at ang pumalit naman ay labis na lungkot at kirot sa puso niya. Wala na ba talagang pag asang maging sila? Lalong sumigid ang kirot at hapdi sa puso niya dahil alam niya ang sagot doon. Walang pag asang maging sila. Dahil sa loob ng anim na buwang pagtatrabaho niya dito ay sinikap niyang mapalapit sa binata sa hindi obvious na paraan. At lahat ng iyon ay walang pinatunguhan, puro pagsusuplado, panenermon at galit lang ang napapala niya.
Tuwing umaga kahit trabaho ni Mrs Madrid ay halos siya na ang nagtitimpla ng kape nito. Ang dahilan niya kay Mrs Madrid ay para matulungan niya ito. Noong una ay pinagalitan siya nito kung bakit siya ang gumawa niyon, pero ng matikman nito ang timpla niya ay mukhang nagustuhan naman nito dahil ng mga sumunod na araw ay hindi na siya nito pinagbawalang magtimpla at maghatid ng kape nito. Well dati kasi siyang nagtrabaho bilang part time barista sa isang café kaya marunong siyang magtimpla ng ibat' ibang uri ng masarap na kape.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
Storie d'amoreKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...