Chapter Twenty

82 4 2
                                    

KAKAUPO pa lang ni David sa swivel chair niya ng biglang pabalandrang bumukas ang pinto ng private office niya. Humahangos na nilapitan siya ni Spence na tila humihingal hingal pa.

"What happened to you? Tumakbo ka ba at bakit ka humahangos?"kunot noong tanong niya sa kapatid.

Nag inhale exhale muna ito to catch his breath. "I ran here the moment I learn.."

"Learn what?" kunot noong tanong niya.

"Narito daw si Kathleen kanina pinuntahan ka niya, nagkita ba kayo?"

Napatayo siya sa sinabi nito. "What?! Hindi, hindi naman niya ako pinuntahan. Are you sure? Kung pumunta siya dito bakit hindi siya nagpakita sa akin?"aniya na may pag aalalang umahon sa dibdib niya. Lord sinong kasama nitong nagpunta? Did she drive herself? He has to call at home.

"Someone said that she saw you and Sophie nung buhat buhat mo ito mula sa elevator hanggang sa isakay mo ito sa kotse, some say that she was crying while she saw you carrying Sophie lalo na ng yakapin at halikan mo ito."

"Oh God! Spence, cover up for me sa meeting ko with the board this afternoon! I have to go home!" he hastily grabbed his carkeys and wallet. Halos mataranta siya sa pagmamaneho. Hindi siya magugulat kung matiketan siya ng overspeeding sa bilis ng pagmamaneho niya. He turned on his Bluetooth speaker and called at home. Hindi muna niya tinawagan ang cellphone ng dalaga dahil sigurado niya kundi man nakaturn off iyon ay hindi nito iyon sasagutin kapag nakitang siya ang tumatawag. Ang butler na si Jim ang nakasagot.

"Jim! Put Kathleen on the line please!"awtorisadong utos niya sa butler.

"Sir..about that..Miss Kathleen she was crying when we went there, I don't know why she's crying like that..and then.."tila natatakot ang butler na sabihin ang kasunod na sasabihin.

"And then what?!" impatient niyang sabi. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag na malaman na sinamahan pala ito ng butler niya sa pagpunta sa office niya. Akala niya ay solo itong nagdrive, goodness she was five months pregnant at hindi na dapat pang magdrive!

"Jim, what is it? And where is Kathleen? I told you to put her on the line now!" galit na niyang hiyaw sa butler.

"Sir..Emilia and I, we tried to stop her.." bitin na sabi ng butler na nasigawan na ito ni David sa sobrang pag aalala.

"Stop her from what?!"singhal ni David na biglang sumabog sa galit. "Jim, I'm warning you! I said where is Kathleen, put her on the line now!" dumadagundong sa galit niyang sabi.

"She left..he booked a grab and left about an hour ago.."mahinang sabi ng butler pero tila iyon bumingi kay David.

Pakiramdam ni David ay nanlaki ang ulo niya. Ang puso niya ay tila may humahampas sa sunod sunod na kaba at pag aalalang naramdaman niya. She's five months pregnant at malaki na ang tiyan. Paano kung mapaano ito sa daan?

Oh God please keep her and my twins safe... Kasalanan ko ang lahat ng ito! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mag iina ko! Kathleen where are you? Bakit ka umalis babe?

Agad niyang tinanggal ang headset sa tainga at inapakan ang silinyador, wala na siyang pakialam kahit overspeeding na siya!

Dalawang oras ang pauwi sa bahay niya pero sa bilis niyang magmaneho ay baka abutin lang iyon ng wala pang isa at kalahating oras. Kailangan niyang magmadali para mahanap ito, pero saan siya maghahanap? Sa laki ng Vienna saan niya ito hahanapin? Alam niyang hindi ito pupunta kay Levin dahil alam niyang matutunton niya ito.

Pero hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakikita. Kahit halughugin pa niya ang buong siyudad ay hindi siya uuwi hanggat hindi niya ito nahahanap! He felt like bastard! Kasalanan niya ang lahat kung bakit naglayas na si Kathleen at iniwan na siya.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon