Dedicated to chingodiver :)
NANGUNOT ang noo ni David ng pagbalik niya papasok ng bahay ay tila nagkakagulo ang mga kasambahay. Inihatid lang niya si Lynette sa sasakyan nito matapos nilang mag asikaso ng last minute wedding preparations. Bukas ng hapon na ang kasal at gusto niya ay maayos at nakahanda na ang lahat.
"Ano ang pinagkakaguluhan ninyo?" nagulat pa ang mga ito ng bigla siyang magsalita sa likuran ng mga ito.
"Sir David!"halos sabay sabay na sabi ng tatlong kasambahay na middle aged na mga kababaihan. Lahat ay pawang asawa ng mga tauhan ng hacienda.
Namimilog ang mata ng mga ito. At nagsisikuhan na tila nagtuturuan kung sino ang magsasalita. Nang hindi pa rin magsalita ang isa sa mga ito ay pinaningkitan niya ng mata ang mga iyon at sa wakas ay may isang nagkalakas ng loob na magsalita.
"Kasi sir..si Nana Ising..nawawala.."tila kinakabahang sabi nito.
"Nawawala! Ipaliwanag mo ang ibig sabihin ng nawawala"bigla siyang sinagilahan ng takot. Ang matanda ang nag aalaga sa mga anak niya..paano itong nawawala unless..
"At ang kambal din po at si Mam Karleen, nawawala din!" mabilis na sabi nito dahil lalong naningkit ang mga mata niya.
"Damn!"nagmumurang sabi ni David, his face darkened sa galit at pag aalalang sabay na naramdaman, agad siyang napatingin sa taas ng bahay. "Gaano na katagal silang nakakaalis?"lalong natakot ang mga kasambahay sa anyo ni David na mukhang bulkang sasabog sa galit.
Hindi lang siya kay Karleen nagagalit sa basta basta nitong pag alis kasama ng kambal at Nana Ising ng walang paalam sa kanya. Mas nagagalit siya sa sarili niya dahil iniwan niya ito kanina sa silid niya. He should have stayed with her hanggang sa magising ito para magkaroon ng linaw ang lahat sa pagitan nila. Marami siyang gustong sabihin dito. And now she assumed it all wrong. And worst ay nilayasan pa siya nito!
At dahil sa pagnanais niyang maging maayos ang lahat para sa kasal ay kahit ayaw pa niyang iwan ito kanina at gusto niyang magkulong lang silang dalawa sa silid niya maghapon ay napilitan siyang iwan ito saglit. Hoping na pagbalik niya ay makita pa niya itong nakahiga sa kama niya and then he would tell her everything and kiss her again and take her again hanggang sa pareho silang igupo ng mga lakas nila...but she left... may hapding gumuhit sa dibdib niya. Noon ay ipinagtabuyan siya nito, ngayon naman iniwan siya nito...when will she ever want to be at his side?
"Mga tatlong oras na din po" sabi ng kasambahay na lalong napamura si David. Ibig sabihin noong pagkalabas niya ng silid para sa inaasikasong kasal ay nakaalis na si Karleen. Bakit ba kasi iniwan pa niya ito kanina? Dapat ay hinintay niya itong magising para hindi na ito nagkaroon ng pagkakataon na takasan siya. Nagtagis ang mga bagang niya.
Why are you always running away Karleen?
Sa malalaking hakbang ay nakalabas siyang muli ng bahay at mabilis na nakasakay ng kotse niya. Habang sakay ng kotse ay tinatawagan niya ang cellphone ni Karleen pero out of reach iyon. Muntik na niyang maibato ang cellphone niya sa frustration na nadama dahil hindi niya ito makontak. Lalo niyang binilisan ang pagmamaneho uncaring kahit matiketan pa siya ng overspeeding.
NAGULAT si Carmela ng mapagbuksan ang umiiyak na si Karleen habang karga karga nito sa magkabilang braso ang mga apo niya na nagsisi iyakan din. Kasunod nito sa likod ay isang matandang babae na may bitbit na mga gamit ng kambal.
"Mommy!" tila batang hagulgol nito. Siya naman ay natatarantang kinuha ang isa sa kambal para hindi ito mabigatan. Iginiya niya ito upang maupo sa sofa. Napalabas din ang asawa niyang si Agustino at ang anak na si Timmy, kasalukuyan kasi silang nagdidinner at napalabas siya dahil sa walang tigil na pagdodoorbell. Iyon pala ay si Karleen iyon.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
RomanceKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...