Chapter Twenty Eight

84 1 0
                                    

HOT tears streamed down her cheeks ng maalala niya ang umagang iyon na umalis na si David. That was almost seven months ago. And she has never been the same since that day. Because she will never forget the pain she felt that morning. And the next mornings that followed na wala na ito pagmulat ng mata niya. Ni hindi man lang kasi ito nagpaalam. Basta na lang ito umalis ng hindi niya alam, ng hindi niya nakikita.

For almost a month, ay nasanay na siya na ang guwapong mukha nito ang namumulatan niya tuwing umaga. Dahil alas otso ang pasok niya, alas singko y medya siya gumigising. At si David naman ay himbing pa sa pagtulog dahil ito ang nagself volunteer na ito ang bahala sa kambal sa gabi at madaling araw. Mula sa pagpapatulog, pagpapadede at pagpapalit ng diaper, ito lahat ang gumagawa. Ayaw nitong siya pa ang mag asikaso sa kambal dahil pagod daw siya sa trabaho. Kaya malaya niyang napagmamasdan ang guwapo nitong mukha tuwing umaga. At naging routine na niya iyon, at hindi niya namamalayan, iyon na palagi ang nagpapangiti sa kanya tuwing umaga.

Lalo na ng makita niya kung paano nitong alagaan ang kambal. Kahit siya ay inaasikaso nito. Magugulat na lang siya paglabas niya ng banyo pagkatapos maligo na gising na pala ito at ipinagluluto pa siya ng almusal at pati kape ay ipinagtitimpla siya. At hindi lang ang pag aalaga sa mga anak nila kundi maging ang paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay at pagogrocery ay ginagawa nito. At sa lahat ng iyon, she couldn't help but smile. Imagine, ang mayaman, guwapo at matagumpay na CEO ng isa sa pinakalamalaking telecom company sa Vienna ay tila yaya na gumagawa ng lahat ng gawain sa kanyang munting bahay.

Nakikita naman niya ang pagpupursige nitong alagaan silang mag iina. Pero alam niya ang gusto nito, ang sumama sila sa Vienna pabalik. Dahil naroon ang buhay nito. Oo hindi na siya galit dito, baka nga napatawad na niya ito, but she can't go back with him in Vienna. Her life is here now. At wala siyang lakas ng loob na sabihin kay David na kung gusto nitong bumalik sila sa buhay nito ay gusto niyang dito sila manirahan. She wants David to stay with them here. But she can't do it. Mahal niya ang binata at ayaw niyang ilayo ito sa buhay nitong kinalakihan, sa yaman na kinasanayan, sa posisyon sa kumpanya na pinaghirapan nito. Ayaw niyang papiliin ito, dahil baka hindi niya kayanin kapag hindi sila ang piliin nito.

This is better, ang itaboy ito, mas kaya niya ang sakit. Pero kaya nga ba niya? E sa loob ng pitong buwan na wala ito ay gasino na siyang sumasaya. Kundi dahil sa mga anak niya ay baka hindi na niya alam kung paano ang ngumiti. At may mga gabing umiiyak pa rin siya, namimiss niya si David, nasasabik siyang makita ito.

At bukas ay birthday na ng kambal. And she was full of anticipation kung ano ang magiging reaksyon ni David kapag nagkita sila. Spence confirmed to her na pauwi nga ang kuya nito para sa first birthday ng kambal. Would he be as persistent? Mag iistay kaya ito ng mas matagal at titira sa bahay niya at aalagaan ang kambal gaya ng dati? Sana..dahil gusto niya itong makasama. At sana'y mahal pa rin siya nito dahil siya wala namang nabago sa damdamin niya dito, natabunan lang iyon ng galit. And this time, she know better what to do. She will never let go of him anymore. Yes, she's ready to be with him. Kung gusto nitong sa Vienna sila, then doon sila. Hindi na niya kayang magmatigas. Actually, she doesn't care anymore kung saan man sila tumira, dito man sa Pilipinas, sa Vienna o kahit saan mang panig ng mundo, basta't kasama nilang mag iina si David.

And tomorrow, kapag nagkausap sila, dasal lang niya sana ay sabihin nitong isasama na sila nito sa Vienna. At hindi ito magdadalawang salita dahil talagang sasama na sila. Dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang mga araw na nalulumbay siya sapagkat hindi niya ito kapiling. Though may agam agam siya dahil ipinagtabuyan niya ito noon at ipinamukha pang may relasyon sila ni Migz. But she will explain everything to him tomorrow. At alam niya mauunawaan siya nito dahil alam niya mahal siya ni David, sila ng mga anak nila. With that ay napanatag na siya.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon