NAKATULUGAN na niya ang pag iyak dahil nagising siya sa mahinang yugyog ng katulong.
"Senyorita, gising na po, baba na po kayo ready na po ang dinner ninyo."
She smiled faintly at the maid.
"Salamat."
Pagtingin niya sa wristwatch ay alas otso na pala ng gabi. Ganoon siya kahabang nakatulog? Kanina ng ihatid siya ni David sa silid niya ay ala una pa lang ng hapon!
Dali dali siyang naghilamos at nagpalit ng damit. She opted for a maong mini skirt showing her long flawless legs and midriff blouse na bahagyang kita ang pusod at three inches wedge sandals. Hindi naman sa nagpapaseksi siya kaya ganoon ang isinuot niya. Naiinis lang siya kay David at sa sinabi nito kanina na ayaw nitong nandito siya. At nasasaktan siya dahil sa mukhang hindi siya nito tanggap bilang kapamilya nito! Na napilitan lang ito dahil sa papa niya. At ito ang way niya ng paghihimagsik sa binata.
Pagbaba niya ay siya nalang ang hinihintay. Nasa kabisera ang papa niya na agad siyang nginitian ng makita siya. Sa kanan nito ay ang stepmother niyang palaging may nang uuyam na tingin sa kanya. Sa tabi ng ginang ay si Spence na nginitian din siya. Sa kaliwa ng papa niya ay si David na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Seryoso ang mukha. May isang bakanteng upuan sa tabi nito, bago ang upuan kung saan naroon si Xian na napasipol pa ng makita siya. At mukhang kahit hindi tatanungin ay alam na niya kung saan ang puwesto niya.
"Seat beside David hija" muwestra ng papa niya.
Tumango naman siya at sa gilid ng mata niya ay kita niya na wala man lang karea reaksyon si David. Ano ba ito? Ni fake na ngiti ay hindi magawa ng lalaking ito! Ganoon ba kalaki ang galit nito sa kanya? Ano bang kasalanan niya dito?
Hindi na lang niya pinansin ang binata para hindi sumama ang loob niya. Pero ng mapatingin naman siya sa harap niya at ang nakairap na tingin sa kanya ng stepmother ang nakita niya ay lihim siyang napangiti. Feeling niya tuloy ay bida siya sa isang pelikula kung saan kaharap niya ang wicked stepmother niya at nasa tabi niya ang prince charming niya, pero unlike sa movies, ang prince charming niya dito kahit na napakaguwapo ay masungit naman!
Nagulat pa siya ng lagyan siya sa plato ni Xian ng steak.
"Eat up" bulong nito sa kanya at pilyo siyang kinindatan.
"Thanks" malapad ang ngiting sabi niya. At least may mga tao naman dito na gusto siya, ang papa niya, si Spence at si Xian. Three versus two, si David at ang mama nito. Though may kirot na hatid sa dibdib niya ang maisip na ayaw sa kanya ng binata.
Sa durasyon ng dinner ay nagkukuwento ang papa niya at nakikisali siya gayundin sina Spence at Xian. Si David at ang mama lang nito ang tahimik. Ano pa nga ba ang aasahan niya?
PAGKATAPOS ng dinner ay nagyaya pa sina Spence at Xian na magkape daw sila sa may lanai. Si David ay hindi niya alam kung nasaan, baka umakyat na sa silid niya. Masayang kasama ang dalawa. Para siyang nakakita ng mga bagong kapatid na lalake. Namiss niya tuloy ang mga kapatid niya.
Si Spence ay kasing edad niya, twenty one na din ito at si Xian ay twenty five. Nacurious tuloy siya kung ilang taon na ba ang kuya ng mga ito.
"Si David? Ilang taon na?" hindi niya napigilang itanong.
"Uyy curious kay kuya! Crush mo si kuya no?" nanunuksong sabi ni Spence.
"Hindi ah! Naitanong ko lang" defensive niyang sabi.
"Thirty one na yun kaya masungit!" pilyong sabi ni Spence.
"Oh no wonder! Kaya pala parang matandang binata! Ang sungit nga!" ang napangiting sabi niya. Sabay pa silang nagtawanan ni Spence.
BINABASA MO ANG
Vienna, Take Me Back Into Your Heart
RomanceKathleen was surprised when she found out that she is an heiress of the wealthy Don Menandro Zapanta. Mula sa barong barong sa Maynila ay natira siya sa malapalasyong mansyon sa Vienna Austria. But claiming her inheritance wasn't that easy. Duda...