Chapter Fourteen

64 2 0
                                    

SHE woke up at a hospital bed. Pero hindi na siya nagulat dahil alam niya nagdilim ang tingin niya, iyon ang huling natatandaan niya. At si Levin yata ang nakasalo sa kanya kundi ay baka sa sahig siya bumagsak. Pero ang lalaking ito na nakaupo sa isang monobloc at nakasubsob ang ulo sa gilid ng kama na natutulog ay hindi si Levin! With his familiar wide back, his brown hair na medyo magulo, his big hands, and his natural clean male scent na kabisado niya ay si..David!

Bigla ang pagsikdo ng dibdib niya. Anong ginagawa nito dito? Bakit ito ang kasama niya? Yes he announced to the world last night na ito ang ama ng dinadala niya. At pareho silang pinalayas at itinakwil ng papa niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito ang nagbabantay sa kanya. Hindi ba dapat ay galit ito sa kanya ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit itinakwil din ito ng papa niya? At dahil sa ginawa nito malamang ay hindi na matuloy ang kasal nito sa babaeng mahal nito.

PInigilan niya ito kagabi, ng nagsusumamong tumingin siya dito na huwag nitong ituloy, pero itinuloy pa rin nito. But why? Nakunsensiya ba ito at naawa sa kanilang mag ina? Iyon nga marahil ang dahilan. Pero kahit iyon lang ang dahilan ay may tuwa at ligayang hatid iyon sa puso niya, because somehow somewhere kahit paano, he cares for her and her baby, na nagawa nitong akuin na ito ang ama ng dinadala niya sa harap ng lahat and somehow that's enough for her.

And he risked his wedding na malamang ngayon ay hindi na matutuloy. At nasasaktan siya para dito, alam niyang mahal nito si Sophie, she was his first love since he was seventeen at siya sino lang ba siya, dalawang taon pa lang siya nitong nakikilala. He must be hurting now..now that his wedding to the woman he loves was ruined. At nasasaktan siya dahil itinakwil ito ng papa niya ng dahil sa kanya. Yes, mariretain ang pamamahala nito sa kumpanya tulad ng sabi ng papa niya, ganoon din siya, pero alam niya, masakit sa loob nitong itakwil ng itinuring na totoong ama at palayasin sa kinalakhang tahanan.

Nang gumalaw ito at umangat ng tingin sa kanya ay natatarantang hindi alam ni Kathleen kung saan ibabaling ang tingin. Ang puso niya ay kaybilis ng tibok na tila siya galing sa pagtakbo.

Nahiya siya bigla na tumingin dito. Kagabi kasi ay sinabi niya sa papa niya na narinig ng lahat na mahal niya ito at hindi siya nito pinilit kaya may nangyari sa kanila.

Umayos ito ng upo at may pag aalalang tiningnan siya at napaigtad siya ng hawakan nito ang kamay niya. "I'm glad you're awake. You've got me worried Kathleen! Wala bang masakit sayo? Anong nararamdaman mo? Masakit ba ang tiyan mo? Nasusuka ka ba? Nahihilo o naduduwal?" tanong nito na tila doktor na hindi niya napigilang mapangiti.

"Oh thank God you're smiling now!" tila nakahinga ito ng maluwag at napangiti na rin. And her heart did a sommersault sa ngiting iyon. Why, it was one of those rare moments na nginingitian siya nito. And it made him even more good looking!

"I-im fine.."tipid niyang sagot. Naiilang kasi siya. Gusto niyang tanungin kung bakit ito lang ang kasama niya pero nahihiya siya. At iniisip niya kung saan siya uuwi pagkatapos nito. Well she could check in at a hotel first, pero magastos iyon kapag tumagal kaya kailangan niyang makahanap kaagad ng apartment. Magpapatulong na lang siguro siya kay Levin na maghanap ng matutuluyan.

Kapagkuwan ay napatingin siya dito, ito kaya saan uuwi? Malamang ay maghotel din muna ito o kaya ay sa penthouse nito sa Zapanta Towers. Pero ang alam niya ay may condo unit ito sa city though hindi pa niya iyon napupuntahan. Mabuti na lang at may mauuwian ito, napanatag naman siya dahil doon. At least siya lang ang mamomroblema ng matitirhan. At kaya na niya iyon.

"It's nice to hear that, ang sabi ng doktor, nastress ka masyado kaya ka nawalan ng malay, at kulang ka daw ng vitamins you and the baby. And the doctor advised you a couple of weeks rest kaya huwag ka munang papasok ng opisina ng mga ilang linggo, ako ng bahala kay Spence at sa trabaho mo sa opisina and please do take the vitamins na nirereseta ng doktor mo, huwag mong pababayaan ang sarili mo at ang baby natin" sabi nito na tila siya batang nilelecturan nito.

Vienna, Take Me Back Into Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon