KABANATA 25

80 5 2
                                    

R-18

NAGISING akong mabilis at malalim ang hininga. Tila nakabangon ako mula sa isang bagay na nakadagan sa akin, pawis na pawis ako at rinig na rinig amg sariling paghinga kaya naman napabalikwas ako ng bangon. Nanunuyo ang lalamunan ko habang unti-unting lumilinaw ang aking paningin sa kung nasaan ako.

"Hey.." I heard Kali's hoarse voice, "You're awake."

I turned to my side immediately only to see a Kian Naphtali Castellano in his jammies, mukhang bagong gising pa habang marahang lumalapit sa'kin. Umupo siya sa harap ko at maingat na maingat na dinampian ako ng halik sa aking noo.

"Kamusta.."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang kausapin o sagutin manlang. I breathed deeply at ngayon ko lang unti-unting naalala, lahat ng nangyari.. How I almost died and how Kali was the last person I've seen before I dozed off.

"Are you thirsty or hungry?" marahan niyang hinaplos ang buhok ko, "Talk to me please.."

How long have I been out? Tanong ko sa aking isipan. Judging from the stuffs in here, nang libutin ko ng tingin ang paligid ay hindi ako bago lang rito. From the clothes, flowers, and fruits.

"You've been out for two days. The doctor said it's normal.." he whispered, "May masakit ba sa'yo?" marahan niyang hinaplos ang mga pisngi ko bago bumaba para hawakan ang kamay ko.

Tinitigan ko si Kali, his eyes held my soul in proper place. With everything that happened, pakiramdam ko ay hindi pa akong handa bigyang kasagutan ang lahat ng tanong sa aking isipan. I just want to properly rest, mula sa kaniyang pagkakahawak sa aking kamay ay marahan kong hinigit 'yun at bumalik na ako sa pagkakahiga.

I heard him sigh, "Okay.." he whispered softly, "Andito lang ako.." I then felt his hands caressing my back hanggang sa makatulog akong muli.

Kinabukasna ay na-discharge na rin ako. It was all so stressing, with every question, lahat, it just felt tiring. I didn't want to know about Justine, afraid na ibigay nila ang sagot na kinatatakutan ko. He's still my brother and my love for him won't be shaken, dahil sa mundong ito, ako na lang naman ang mayroon siya.

Marahang binuksan ni Kali ang pintuan ng kaniyang malaking penthouse. He took me home in Cebu because he wanted to take me out of the limelight, wala namang nakapalag sa kaniya, lalo na ako na masyadong pre-occupied pa sa lahat ng ito. We never talked, inasikaso lang niya ako and it felt like Liberty and Kali, six years ago. Kapag talaga usapang maintindihin, I wouldn't win over Kali, he would always win, hands down. He never questioned me at naghihintay lang siyang ako mismo ang magsalita sa amin.

"I'll just open the air-conditioning in your room." he then put the car keys on the coffee table. "Pahinga ka muna." he smiled then blurred out from my vision.

Nilibot ko naman ang paligid habang wala pa siya. In the kitchen is a small wine cellar kung saan nakakuha ako ng isang wine at tila isang ipis na nahuli dahil pagharap ko ay kitang-kita ako ni Kali habang hawak ang mamahaling wine glass. Marahan ko naman itong winagayway.

"Sorry uh--"

"No it's okay." he smiled, "Wine glass' over the cabinet." bago marahang tinuro ang di kalayuan na cabinet, "I'll be back. May bibilhin lang ako sa baba. You can go over the room."

Marahan akong tumango bago lumapit na sa cabinet at kahit hiyang-hiya ay kinuha ang isang wine glass bago bumuntong hininga nang marinig ang pag-click ng pintuan. Pagod akong umakyat sa aking kuwarto, ito ang unang beses kong napag-isa. I needed this.. Even just maybe a few minutes to think. Humarap ako sa tukador bago marahang inipit ang buhok then I went to the bathroom to prepare a warm bubble bath.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon