KATATAPOS lang ng aming dinner at nasa kuwarto na ako. Inayos ko ang aking mga papel sa study table para masimulan na ang pag-re-review. I glanced at my watch, alas nuwebe pa lang naman, mga alas onse na ako matutulog. Biglang nag-beep ang aking cellphone ko naman kinuha ko iyon.
Kali:
I just finished dinner. You?
Shit. Uh? Ano ba dapat sabihin ko? Yes of course yes, kumain na nga ako ng dinner di'ba?
Me:
Yeah tapos na :)
Umupo na ako sa harap ng aking mga papel nang biglang nag-beep na naman ang aking cellphone.
Kali:
What are you doing? :))
Me:
Review, exams, defense, and college entrance exam. You?
Para akong inasinan sa kilig. Pinatong ko ang aking cellphone sa study table at hinayaan iyon roon at binuksan ang aking lamp nang biglang mag-beep na naman iyon kaya mabilis kong kinuha.
Kali:
Sorry, it's a bad time to text pala. Can I face time you instead? Just mute the mic. You don't have to talk to me, papanoorin lang kitang mag-review.
Fuck!? Mabilis akong tumayo at nagpalit ng t-shirt. Hinarap ko namab ang salamin at sinuklay ang aking buhok. Should I put lip gloss? No! Baka sabihin matutulog na lang. Naglagay ako ng pulbo bago bumalik sa aking study table at sinuot ang aking salamin muli.
Me:
Are you sure? Baka busy ka.
Kali:
Hindi. I'll call now. :)
Halos mabato ko ang aking cellphone nang mag-ring ito. I heaved a sigh bago ito nilagay sa phone stand at binuksan ang camera. Damn.. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at nakatagilid siya habang may yakap na unan, but I am able to have a glimpse of his clavicle.
"Hi." he said in a manly voice.
"Uy." I smiled.
Mahihimatay na yata ako nang makita ang kaniyang ngiti.
"You can mute the mic now. Your room looks nice." he said.
Nilingon ko naman ang aking cream colored room bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Salamat.." I said bago iminute ang mic.
Conscious na conscious ako habang nag-re-review. Sa tuwing itatapon ko ang tingin sa kaniya ay nakatingin lang siya sa akin with heavy and droopy eyes at nang lingunin ko ang orasan ay alas diyes y media na pala. I un muted my mic.
"Tulog ka na Kali." I said.
"It's alright Liberty. I just look sleepy but trust me, I'm not. Matutulog ako kapag tutulog ka na. Are you not distracted?" he asked.
"Hindi naman.. Masyado.." I answered.
Medyo nasanay na rin kasi ako kaya naman hindi ko na napapansin lagi na nakatanaw nga pala siya. Minsan lang kapag sinusulyapan ko siya.
"Well.. Can I call every time you review? I'll behave."
Napasinghap ako. I was curling my fingers in my pajama because of so much foreign feelings.
"Ikaw bahala.."
"Okay.. That's how it'll work." he said.
Ganoon na nga ang naging set up sa mga sumunod na buwan. He would call me every night, text me everyday, at unti-unti na nga'ng nilulukob ng kung anong pakiramdam ang aking dibdib. I don't see him often but I was contented talking to him.. I felt that he was sincere kaya nang makapasok at pasado ang marka ko sa college entrance exam ay mas kinabahan ako. For sure, I'll be seeing more of him now.. Since nasa iisang building at halos magkalapit ang aming course.
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
Любовные романыLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...