Mabilis ang kilos ko pababa ng entablado para habulin siya. My heart is aching so bad at siya lamang ang nakikita ko nang hawakan ako ng ate sa aking braso, "Liberty--"
"Excuse me please.." at tinabig ko ang kaniyang kamay.
Nakatayo na ang banda pati na rin ang mga kaibigan ko but I couldn't care less, tinakbo ko na patungong labas. I roamed my eyes around and started walking. Right there and then.. I saw my Kali, sitting on the gutter under the dark starry night nakayuko siya, may isang stick ng sigarilyo ang nagbibigay liwanag sa may bandang daliri niya.
I slowly stepped closer to him ngunit natigilan ako nang ang kaniyang balikat ay unti-unting nanginig. My heart stopped beating only to realize that Kian Naphtali Castellano was crying.
"K-Kali.." tawag ko sa kaniya.
Walang tigil ang panginginig ng kaniyang balikat kaya kahit nakadress ako ay mabilis akong lumuhod sa kaniyang harapan at niyakap siya ng mahigpit. Tears streamed down my face as I felt his broad shoulders violently shaking at ilang sandali lamang ay narinig ko ang mga hikbi niya na tumagos sa aking kaluluwa.
"Kali.. Don't cry.." ngunit maski ako ay lumuluha na. Hinimas ko ang kaniyang buhok as I locked him with my embrace, "Please tell me--"
Naputol ang sasabihin ko nang marahna niya akong itinulak at tumayo na siya. His tall frame was slowly zooming out kaya naman tumayo ako at hinawakan ang kaniyang braso. "Kali.." my voice broke, "Kausapin mo 'k-ko.."
Pinitik niya ang kaniyang sigarilyo at frustrated na humarap sa'kin. When his bloodshot eyes met mine ay tila nabuhol ang aking dila, I was not capable of any word or sound and it felt like time stopped. "Why?" tanong niya.
Isang tanong ngunit ang daming ibig sabihin. Isang tanong ngunit ang daming kailangan sagutin. My heart was thudding loud in my chest and I can only imagine if he hears my heart, that fear and sadness would reflect and he'll see how broken I am.
"Why did you leave me?" tila pagod siyang napasabunot sa kaniyang buhok at pagak na tumawa, "Because I don't want to believe in that letter! So you tell me now Liberty.. Dahil namuhay akong naniniwalang iyon ang dahilan kung bakit mo 'ko iniwan! Pero kung yun man.. Tell me right now! In front of my fucking face!" lumapit pa siya sa'kin at rinig na rinig ko ang pagtaas ng kaniyang tono.
"Fucking tell me now!" tears fell from his eyes, ang maitim at nagnining-ning na langit ay nasa likod lamang niya.
I choked on my tears at kahit na anong buka ng bibig ko ay isang salita lamang ang kinaya nito, "Sorry.." I sobbed. "Sorry.. Sorry.." sinubukan ko siyang abutin ngunit iwinaksi niya ang kamay ko. "Sorry.." I chanted.
Nanginig ang kaniyang labi at nangunot ang kaniyang noo. "Hindi ko kailangan ng sorry mo Liberty, ang kailangan ko ay paliwanag mo!" his voice broke, "Kasi.. Nakakatangina e! Hindi ko maisip ano.. Saan.. Anong kulang!"
I bit my lips as I sobbed harder, napayuko ako at kahit hirap na huminga ay ngayon ko lang sasabihin ang buong katotohanan na pinili kong itago sa loob ng ilang taon, isang bagay na hindi ko pinag-usapan kahit kanino dahil sa tuwing nagbabalik tanaw ako ay para akong dinudurog
"Nung c-college tayo.." I sobbed, "Nung malaman nila ang relasyon n-natin.." gulong-gulo ako at hindi alam kung saan magsisimula kaya panandalian akong tumahimik bago marahang pumikit.
"When my parents found out about ate's relationship ay natakot ako na baka ganoon rin ang gawin nila sa'tin." I tried to make my voice strong even if my soul is slowly breaking, "So that's why naging busy ako.. In and out of the country, acing exams, and gaining medals because I want them to be distracted.." I swallowed the huge lump in my throat. "But then when daddy found out.."
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomanceLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...