ANIM NA TAON. Six years ko ng tinitimbang ang sarili ko. They say time heals all wounds ngunit para sa akin ay hindi dahil sa loob ng anim na taon na 'yun ang binigay lang sa'kin ng panahon ay matabunan ang ala-ala na kapag uungkatin ay masakit parin. Sa loob rin ng walong taon na yun ay wala na akong narinig pa mula kay Kali at pinili ko na ring hindi alamin pa.
Ngunit tila naglalaro ang tadhana dahil madals silang magkaroon ng concert rito na sinasakto ko na lang na magbabakasyon ako o ano. In the end, it's all worth it. Sikat na sikat na ang Cosmic Void, kahilera na nila ang mga sikat na banda or they're even bigger, they had a new member named Sevi. Sa loob rin ng anim na taon ay marami akong naiwan sa Pilipinas, mga pagkukulang. I wasn't there when ate and Saint graduated from medschool. Wala ako nang mga panahong kinaharap ni Ezra ang pinaka malaking dagok ng buhay niya.
New York felt bland. I graduated top of my class, I work at ganoon rin naman si Nathan. We live in the same house ngunit pa-minsan minsan lang siya umuuwi, maayos naming napatakbo ang kumpanya at kahit ilang beses kaming i-pressure na magpakasal ay pinapatagal lalo namin ito. We rarely see each other because of work kasama na rin ang paglabas namin ng magkaiba gabi-gabi.
Pinili kong lunurin amg sarili ko sa trabaho at alak dahil sa tuwing nagkakaroon ako ng oras para isipin ang lahat, sobrang sakit parin na parang kahapon lang.
"Hey."
I woke up fron my reverie nang makita si Nathan sa tapat ng aking opisina. May hawak siyang isang itim na envelope na may seal pa na PACT.
"Hey. Nadaan ko na pala sa opisina mo 'yung mga kontrata. I'll seen Mr. Lee para ma-check ang site." ngiti ko sa kaniya, "upo ka." turo ko sa upuan sa harap ko.
"You have an invitation from Ezra.."
Natigilan ako sa tinitipa. Hindi na bago ang mga ganito ni Ezra na hindi ko naman rin sinisipot.
"I'll send a representative--"
"And there's no need to send Mr. Lee to the Philippines dahil pinapauwi na tayo nila Tita Carissa to check the site ourselves."
Pagak akong tumawa at tinuloy na ang pagtitipa ko. What a big joke and no I won't go back.. Para saan pa?
"Then check it. Hindi naman kailangan na kasama ako." magalang kong sagot.
Sumimsim ako sa aking kape nang taasan niya ako ng kilay. Pagod nipyang inilapag ang envelope sa harap ng aking lamesa.
"Whatever. I'll book you a ticket and besides. Now more than ever, Ezra Palmero needs you. Tumawag si Saint Alejandre sa opisina ng sekretarya mo, you might want to check that." masungit niyang sagot at lumisan na.
Tinitigan ko ang itim na envelope ang marahang umiling. Nang dumaan ang maghapon na iyon ay inabala ko ang sarili ko sa trabaho para mamayang gabi ay makalabas akong muli. These nightmares are coming back.. Ang buhay ko sa Pilipinas and the only time that I forget about them is when I'm busy, asleep, or drunk.
Pagod kong tinitigan ang tila clip ng interview ng Cosmic Void sa naglalakihang screen ng New York time square. Ang suwerte ko talaga kahit kailan. I sighed and looked away bago muling bumalik sa aking sasakyan matapos kunin ang aking order.
Umuwi muna ako saglit sa bahay bago dumiretso sa bar where Nathan had to pick me up again sa sobrang kalasingan ay hindi ko na naman maiuwi ang sarili ko. The next day was like that.. And the next day.. And the next day.. Ganoon parin not until I got a call after one drunken morning.
"Hello..?" I massaged my head as I went to the kitchen kung saan nakapaghanda na ng almusal si Nathan.
He raised his brow at me bago itinuro ang hapag.

BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomantikLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...