KABANATA 3

109 6 0
                                    

Alas nuwebe ang nakalagay sa ticket. I was so agitated. Kauuwi ko lang sa bahay at nag-di-dinner kami, alas otso na ng gabi. Kinamusta ng Papa ang aming grades at activities sa school, at syempre sunod-sunod ang naging sagot namin ng ate.

"Liberty, gumising ka ng maaga bukas. Dadalhin kita sa opisina, I'll give you some sample financial reports so that you can review it." mariing utos ni Papa.

"Yes Pa, I reviewed online so may idea na rin po ako."

"Good. Justice how's your practical exam on AnaPhysio?"

"Okay naman po Pa. I aced perfect on my exams." she smiled.

Matapos ang dinner ay nagpapabalik-balik ako sa loob ng kuwarto. Hindi na rational ang mga naiisip ko. Bakit ko ba iniisip na tumakas!? Nilingon ko ang orasan at nakitang alas otso y media na. Malapit na sigurong magsimula iyon. Gusto ko siyang makita.. I want to see him perform for the very first time. Sikat ang banda nila ngunit hindi ko pa siya nakikitang tumutugtog.

Lumabas ako kaagad ng kuwarto at kinatok ang ate ko. She raised her brow because she never really expected to see me kaya naman pumasok na ako ng kuwarto niya.

"May kailangan ka 'no?"

"There's this concert.." humiga ako sa kama niya at tumitig sa orasan.

"Of Cosmic Void? Where Kian Naphtali Castellano plays?" she playfully laid beside me.

"Ate.."

She laughed. Hindi na bago sa kaniya ang pagtakas dahil sa aming dalawa siya ang laging gumagawa nuon. She would sneak out for her night outs dahil istrikto ang mga magulang namin.

"Alright, ano ba 'yon? My baby sister is finally breakung the rules! Hell yeah!"

Tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"Shh.."

Mabilis naman niyang tinabig ang akung kamay at sabay kaming umupo.

"Anong oras ba?" mas mahina na niyang tanong.

"Alas nuwebe Ate."

"Boyfriend mo ba 'yon? Hindi ka naman ganito duon sa crush mong si Nathan Aguirre diba?"

"Wag ka nga'ng maingay!"

She laughed bago tumayo at pumasok sa kaniyang walk in closet at paglabas ay naka-jacket na.

"Bihis ka na. I'll drive you, sa likod ang daan ha? And we'll just stay short. An hour or so."

Ngumiti ako ng malawak bago tumayo sa kama at tumalon para yakapin siya.

"I love you talaga ate!"

"Teka tatawagan ko si Saint, bilisan mo. I'll have a beer or two."

"Ako rin."

"Bawal ka pa!" she hissed.

Tumakbo ako pabalik ng kuwarto para magbihis kaagad bago nag-iwan ng mensahe kay Ezra.

Me:

Pupunta ako, wait for me sa may gate. See you. Ingat sa pagmamaneho Ez.

My heart was racing, tinatantya ko ang aking sarili kung kaya ko ba talaga itong gawin. I lookes ay my outfit isang oversizes t-shirt and jeans, huminga ako ng malalim bago pinatong ang pajama sa pantalon at lumabas na.

Nakasalubong ko pa ang iilang helper na mukhang walang pakialam. Dumiretso ako sa kusina para kunwari ay kukuha ng gatas, nagtagal pa ako ng ilang saglit ngunit nang wala ng tao ay mabilis ko tinapon ang kalahating baso ng gatas sa halamang naroon at iniwa ang baso para lumabas na sa likod-bahay.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon