KABANATA 4

100 6 1
                                    

SINCE THEN, Kali became part of my personal life, the very few people who are inside my circle. Sa tuwing nakakasalubong ko siya ay sinusubukan niya akong kausapin ngunit tila nauubusan ako ng sasabihin. Medyo nagsisi ako na sa buong school year ng grade eleven ay hindi ko siya pinansin dahil nang humantong ng grade twelve ay tila may kulang, tila hinahanap siya ng aking sistema, kahit noon naman ay sapat na sa akin ang makasalubong at magkaroon kami ng kaunting usapan at kamustahan.

Hindi ko na siya nakikita, balita ko ay pumapasok na sila ng kaniyang mga pinsan sa University kung saan napasok ang ate at Saint. Sa ngayon ay busy rin kami dahil sa aming upcoming defense. Buwan ng Enero, tapos ko na namin ni Ezra at Lea ang hard copy ng aming thesis kahit na nag defense pa naman ay sa Marso.

Gusto ko kasi na review na lamang ang gawin namin kaya pinilit kong maaga tapusin ang lahat. Isa pa, naging busy kami ni Ezra sa pagaasikaso ng papel para sa aming college. Pumasok rin ako ng review center para sa college entrance exam kaya naging busy ako.

Kagaya na lamang ngayon, katatapos ko lang sa review center kaya hinihintay ko si Saint na susundo sa akin dahil hindi ako masusundo ng ate. Katapat lang ng review center na ito ang University na pinapasukan nila ate. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-tipa ng mensahe.

Me:

Saint, san ka na?

Saint:

Library pa, may tinatapos lang. Tapos ka na ba?

Umupo ako sa bench nang makarating ako sa loob ng isang seven eleven at binaba ang binder ko.

Me:

Oo, hintayin na lang kita. Andito ako sa seven eleven.

Saint:

Lib can I ask you for a favor? May inuutos lang sa'kin. Aabot ko 'yung susi ng sasakyan ko, may envelope na nakapatong sa loob ng sasakyan ko, kailangan ko. I'm sorry.

Me:

No problem, bibili akong pagkain, may gusto ka ba? Papapasukin ba ako?

Ilang sandali lang ay bumili ako ng dalawang meal doon dahil gutom na gutom na talaga ako. Pagkatapos i-microwave ay binalot na kaya binayaran ko kaagad.

Saint:

Yeah, pakita mo lang I.D mo nabilin ko na sa guard.

Dala-dala ang aking gamit at pagkain ay ganoon nga ang ginawa ko, pumasok at pinakita ang aking I.D at mabilis naman akong pinapasok. Dumiretso ako sa may harap ng medical building at hinintay si Saint. Nakita ko siyang humahangos at inabot ng mabilis ang susi sa akin.

"Thank you so much Lib! Makikita mo kaagad sasakyan ko sa tapat. I can't be gone long. Text na lang." umalis siya kaagad.

Dumiretso ako sa may parking lot and true enough hindi ako nahirapan na hanapin ang sasakyan niya ngunit natigilan ako nang makita ang iilang lalake'ng nagtatawanan habang nakasandal sa kani-kanilang mga sasakyan. I saw him.. Laughing! Si Kali! He grew taller and lean than he was before, I mean he's perfect before, but he's beyond perfect now.

Napansin ko ang bahagyang pag-lingon ni Clement sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi lumapit sa sasakyan ni Saint na katabi lamang ng kanila. Dumapo ang tingin ni Kali sa akin kaya alanganin kong tinaas ang aking kamay para iwagayway, his eyes widened a fraction nang makalapit ako. Kaagad niyang tinalikuran ang mga pinsan at lumapit sa'kin. Oh please.. No.

"Kali." bati ko.

"What are you doing here Liberty?" he asked.

Shit shit.. Yung gamit ni Saint! Tinuro ko ang sasakyan na katabi ng kanila.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon