KABANATA 22

77 5 2
                                    

TWO months na ang nakalipas na hindi ko nakita si Kali dahil sa kanilang concert. He may be gone but it feels like he never left dahil makulit parin! Tawag ng tawag, kailangan ko pang bumili ng isang cellphone dahil lagi kong pinapatay ang aking cellphone. Padala rin ng padala ng kung ano-ano! Syempre 'no! Manligaw muna siya. Sa tuwing kinikilig kasi ako bigla kong naalala ang mga babaeng nakasalamuha niya, lalo na ang mga nalilink sa kaniya sa balita.

Naging busy rin ako dahil isa ako sa mga kasamang nag-plano ng bagong launch na perfumesl ng G A I L L E B O W, ang beauty and wellness company na hawak ng pamilya namin. Isa pa, pinilit ako ng mommy na mag-modelo roon! Nakailang tanggi na'ko sa kaniya ngunit nang mahila niya si ate ay wala na rin akong nagawa kundi ang pumayag.

"Ma'am Liberty may bagong padala na naman po sa inyo si.. Uh.. Mister Castellano." sambit ng aking sekretarya.

Nilingon ko naman ang orasan. Tanghali na pala at walang palya nga naman ito sa pagpapadala ng kung ano-ano.

"Ano? Pagkain ulit?" I asked habang marahan na binubuklat ang mga papeles para hanapin ang aking cellphone, "Kung isang catering na naman ipadala mo sa conference room tapos magpakain tayo."

Nang makuha ko na ang cellphone ko ay sinimulan ko ng i-dial ang ate para magkita na kami mamaya sa shoot ng perfume collection ng GB.

"Hindi po pagkain e. Bulaklak po." she said.

Nangunot naman ang noo ko, "Alright send it in." I said.

Nang bumukas ang pintuan ay halos magsisi ako nang isa-isang pumasok ang iilang mga tao na may dala-dalang paso ng mga bulaklak! Ang ilan ay naka-bouquet, ang ilan ay naka-arrange, ang ilan ay naka-vase pa! What the hell!?

"Karol ano 'to!?" tanong ko.

"B-bulaklak po ma'am." she said shyly.

Halos sumabog sa init ang ulo ko nang sunod-sunod parin ang pagpasok at unti-unti na'kong nawawalan ng espasyo para sa sarili ko! Ano na namang trip ng Castellano na yon!?

"Eh bakit raw ang dami!?" tanong ko kaagad at hinimas ang sentido ko, saan ko naman dadalhin ang mga ito.

"Walang sinabi ma'am e. Pero k-kasi isang truck pa po 'yan sa baba."

"Isang truck!?" histeryang tanong ko.

Dahil sa bagyong dala ni Kali ay hindi ko na natawagan pa ang ate. Maaga rin akong umalis sa opisina para sa shoot dahil halos hindi na ako mag-kasya roon at kinailangan pang dalhin sa condo ko ang lahat ng iyon at ang kalahati naman ay pinadala ko sa mansyon nila mommy.

Nang makarating ako sa shoot ay naroon rin ang ate at sinisimulan ng ayusan. Then mother's exaggerating voice came into the picture, "Liberty's here!"

The collection consists of seasons dahil ang launching nito ay Internationally, so sa'kin napunta ang summer, autumn, sa ate naman ang winter at spring.

"Mom your voice is too loud.." I caressed her arm.

"Where's the make up artist!?" inis na niyang tawag.

I rolled my eyes lightly bago sinalubong ang aligagang make up artist, "It's fine.." I smiled at her bago na siya hinila palayo kaysa ma-sermunan pa ng mommy at mabuti naman ay sumama siya kaagad.

Ipinakita sa'kin gamit ang isang iPad ang mga isusuot ko especially the bikini that Mr. Gaille Howran designed herself. The hue of blue and green mixed in the bikini, perfect for the martini themed perfume. "Ang ganda ate, look oh!" I showed it to her.

"Uh-huh, sabi ko nga sa mommy, kunin na si Gaille para sa fashion week." she immediately showed me her dress, "her portfolio impressed me."

Tumango naman ako at nang matapos kaming ayusan ay pinapuwesto na kami para sa shoot. Una kong ginawa ay ang spring inspired perfume where I wore a large blue dress, habang ang likuran ko ay punong-puno ng mga iilang dried leaves.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon