SOBRANG SAMA ng loob ko kaya inubos ko na lang ang oras ko kahapon para magbabad sa site at kumain ng ice cream. But then wala rin naman akong karapatan sumama ang loob kaya I shrugged it all away. Umalis na kaagad si Emilia kahapon rin kaya imbis na matulog ako ng maaga ay nagkaroon pa kami ng session ng kaniyang sekretarya tungkol sa mga mangyayari sa loob ng isang buwan na pag-alis ni Emmy.
For the first time, I hated that I am a fast learner dahil alam ko na kaagad kung paano ang takbo ng recording company lalo na ang paghawak sa isang banda kaya naman kinabukasan sa kanilang promo shoot ay kasama na ako.
"Bakit ka ba kasi pumayag?" tanong ni Nathan habang inihahatid ako patungo sa opisina ni Emilia.
"It's for Emmy.. And I want to get close to him, again."
Also I realized na gusto kong muling mapalapit kay Kali. Hearing those words from him, I want to prove him wrong.
"Gusto mong makipagbalikan?" taas ang kilay niyang tanong.
"Kaibigan lang.." maliit na boses kong sagot.
Bigla ay hindi na siya sumagot dahil kararating lang rin pala ng banda na nakita ko kaagad sa lounge ng opisina pagkabukas ko ng pinto.
"Good morning.." nakangiti kong bati sa kanila.
"Wow.. Ang ganda pala ng lahi nila Madame 'no." hirit nung bagong miyembro na hindi ako kilala.
I blushed kaya naman hindi ako nakasagot kaagad at narinig pa namin ang halakhak ni Clement.
"I'll pick you up at six?" tanong ni Nathan na inilapag ang gamit ko sa lamesa. "Seven?" he asked.
"Seven." sagot ko naman.
"Okay." masungit niyang balik sa'kin bago bumeso at tuluyan ng lumabas.
Marahan naman akong umupo sa upuan ni Emilia at inilabas ang mga nakahandang papeles na pinahanda ko kagabi.
"So.. Today's your promo shoot, parating na 'yung van." I browsed the papers some more, "But before that you need to sign these contracts for your new endorsements."
Sinulyapan ko sila at lahat naman ay nakikinig sa'kin maliban sa isa na nagcecellphone at nang sikuhin ni Lucid ay hindi parin natibag. Ibinalik ko na rin ang tingin muli sa binabasa dahil baka isipin pa niya na naiilang akong muli.
"..I also reviewed all of these, kinuha ko na 'yung matataas and we'll have a short recording before we leave. Why don't we take five?" nakangiti kong sagot.
"Sure." si Clement ang sumagot.
Buti na lang may sumagot! If Kali doesn't like me, I also take it that the whole band doesn't like me or baka ako lang 'yon?
"Okay you can sign the contracts now." at inabot ko na sa kanila isa-isa ang mga papeles.
"Grabe ang lumanay naman po ng boses niyo. Marunong po ba kayo sumigaw?" tanong nung bagong miyembro. Sevi yata.
What? Ahm.. Okay Liberty you just need go socialize.
I chuckled lightly, medyo awkward sa tanong niya dahil hindi naman kami close, "A-"
"Let's go. Sayang oras kung makikipagdaldalan pa." masungit na sabi ni Kali.
Sumipol naman ng bahagya si Keeanu bago tuluyan ng lumabas. Nagkatinginan kami nung Sevi bago ako napayuko, "Tara na." ngiti ko sa kaniya.
Marahan naman siyang tumango bago ako sinamahan patungong recording studio nila. Naroon na rin ang iilang tech at pumuwesto na rin ang banda. Nakatingin lang ako sa glass division pero ang totoo niyan ay lumilipad na naman ang aking isipan. Kali.. He's so different. Tila may malaking pader na nakaharang sa kaniya kapag nariyan ako. He hates me that much.
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomanceLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...