MATAPOS ang nangyari sa marriage booth ay todo iwas na ako kay Kali ngunit mahirap dahil sabay pa kaming nasa silver stallions na team ng ABM! Suot ang aming grey at yellow polo shirt ay nasa field na kami. He looked so dashing habang kinakausap ang aming head, naramdaman ko ang titig ni Ezra kaya naman iniwas ko ang aking tingin.
"Selos ka?" she asked.
"Of course not.."
"I'm your best friend for so many years Liberty, hindi gagana sa'kin 'yan." she reasoned out.
Sinipa-sipa ko na lang ang damo habang nakayuko. Ngayon ang araw ng aming amazing race, twinning pa kami ni Ezra na naka-dutch braids. Pinaghalo-halo nila ang buong ABM, grade eleven at twelve, sa apat na team and unfortunately narito ako ngayon sa Silver Stallions kung saan kasama ko siya.
Kalat na kalat ang nangyari. I'm never known, tahimik lang ako at low-key and what happened took a huge toll! Bentang-benta si Kali sa mga lower at higher year, hinahangaan siya kahit yata saang lupalop. Nakarating pa ito sa College University na pagmamay-ari rin ng may-ari nito, dito lang rin iyon siguro isang drive, kaya nalaman ng ate ko! Kinailangan ko pang patunayan na wala lamang iyon.
"Okay Silver Stallions gather here!" sigaw ng head.
Halos manginig ako nang makita siya sa tabi ko. Inabutan pa niya ako ng dalawang pirasong wristband para sa aming team. Parang nag-rambulan ang mga halimaw sa aking tiyan nang makita ang sing-sing ng marriage booth na suot niya. Liberty.. Kalma. Mahinahon kong hinablot 'yon.
"Are you mad at me?" he asked.
"Hindi.." I answered.
Sinuot ko ang wristband at Inabutan si Ezra ng isa habang nagsimula ng magpaliwanag ang head.
"Congratulations, nag-champion ka sa Chess tournament. I was there." he said.
Nanlaki naman ang mata ko habang nakayuko. Nanood siya!? Buti hindi ko nalaman!
"Hmm oo.. Salamat."
"Title holder ka pala.. Back to back."
"Hindi naman.."
"Humble. Physical sports may sinalihan ka?" he chuckled.
"Wala naman.. Chess at sudoku lang."
"Oh.. Well congratulations. Ang galing mo, I'll probably watch your sudoku as well."
"Wag na.."
"Bakit? Ayaw mo o iniiwasan mo 'ko?" he asked.
"Hindi kit iniiwasan.." I uttered.
He chuckled a bit bago hinablot ang I.D ko. Nanlaki naman ang mata ko lalo nang kalasin niya sa keychain ang sing-sing bago pinadausdos sa daliri ko ang sing-sing. Naramdaman ko ang pa-simpleng kurot ni Ezra sa tagiliran ko. Ang sakit!
"Suot mo. Lucky charm 'yan.." he chuckled.
"Uy.." pang-aasar ng kaniyang pinsan na si Raziel Montreal at humalakhak pa.
"Shut up dweeb.."
Nasulyapan ko ang ngiti sa labi ni Kali ngunit nang pumito ng malakas ang head ay mabilis na siyang tumakbo. Athletic silang magpipinsan kaya malakas ang laban ng aming team ngunit napadpad rin ang iba pa nilang mga pinsan sa kung saang team.
"Ano magpapaiwan ka na naman?" taas ang kilay na tanong ni Ezra sa akin.
Huminga ako ng malalim at nagsimula na ring tumakbo. Natapos ang amazing race at mabilis ko silang tinakasan para makauwi na, wala naman kasi akong ambag sa game na 'yon at nakapirma na ako ng attendance. Mag-re-review na lang ako para sa college entrance exam.
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomanceLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...