A week passed na tila ba iniiwasan ako ni Kali. I see him rarely at kapag naman nakikita ko siya sa rehearsals ay mabilis siyang umaalis pag tapos na. Ever since that night ay mas lalong lumayo ang loob niya sa'kin and I can't blame him, inamin ko sa kaniyang mahal ko siya and maybe that scared him away.
Pagod akong ngumiti sa camer dahil katatapos lang ng ground breaking para sa Gallego Real Estates. Kasama ko ngayon si Nathan at ang aking buong pamilya, my mom and my dad was so enthusiastic dahil maraming possible investors ang dumalo.
"Totoo bang engaged na kayo?" tanong ng ate.
Nangunot naman ang noo ko nang sulyapan si Nathan na kausap ang iilang mga kliyente. "Hindi, wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa." sagot ko.
"Ikaw.. pero siya kaya? Malamang wala kang mararamdaman kasi may mahal kang iba, eh siya naman kaya? Six years na kayong nakatira sa iisang bubong at halos naka-dedicate na sa'yo lahat ng plano niyan sa buhay." she chuckled, "And his new charity is also named Liberty foster home.. ganyan ka ba talaga ka-manhid?" she asked.
Hindi naman ako kumibo. I never saw Nathan like that and maybe deep down pakiramdam ko ay hindi rin ganoon ang tingin niya sa'kin. "I know him, mapapansin ko kaagad kung meron pero wala talaga. Besides.. I think he will meet someone who deserves him." sagot ko.
"Kung makapagsalita ka naman parang may babalikan ka. Paalala ko lang sa'yo na naka-move on na 'yung tao, baka panahon na para palayain mo siya." she sipped on her drink before clearing her throat, "pati ang sarili mo."
Tahimik kong tinuloy ang pag kain para hindi na masagot pa ang ate. I thought about Kali at naradaman ko kaagad na hindi ko siya kayang pakawalan, o hindi ko pa siya kayang pakawalan. Not when I haven't told him everything, hangga't hindi ko pa nagagawa ang lahat para bumalik siya sa'kin ay hindi ko siya titigilan.
"Kailan daw ba ang balik ni Emilia?" she asked, "Masyadong broken hearted at isang buwan talaga ang kinuha." she laughed.
"Parang hindi mo naman naranasan mag-soul searching nung mga panahong broken ka ah." pang-aasar ko sa kaniya.
"Well.. two weeks lang naman ang kaya ng schedule ko."
Marahan kong sinilip ang puwesto ni Nathan. He was smiling while talking to the elders, masyado siyang poised at malinis tingnan. He's very serious and stoic, disiplinado sa bawat galaw not to mention very smart kaya naman noon bago ko makilala si Kali ay nahumaling ako sa isang 'to. Isa siya sa mga taong nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang mayroon ako at pagsikapan ang gusto ko pang makamit.
When I heard about his ideals for GI, I know he was eligible to help in the company. Isa siyang abogado at malaki ang sinakripisyo niya para sundin ang daddy nang lumipat kami sa New York, nang dahil sa'kin, kasama ang mga plano niyang gumuho and yet he started to rise back up on his own. Nawala ako sa dreamland ko nang lumapat ang kaniyang tingin sa akin. I smiled at him, "Kain na.." I mouthed.
Ngumiti naman siya at pa-simpleng itinaas ang baso ng brandy, "Maybe later." he mouthed back.
Nang sumapit ang hapon ay bumalik na ako sa Rythm para i-orient sila about sa mangyayaring concert next week sa Thailand. Unang beses rin nila akong makakasama sa concert nila sa ibang bansa kaya naman gusto kong panatagin ang kanilang loob. Nasa opisina ako habang hinihintay sila, inaayos ang mga papeles ng GI nang biglang bumukas ang pintuan. In came Kali, gulo-gulo ang buhok nito at pasalampak na umupo sa sofa.
Pa-simple ko namang sinulyapan ang pintuan nang mapansing walang taong papasok ay tila bigla akong nahirapang huminga. He slouched and immediately opened his phone na parang wala ako rito, ngumunguya pa sa kaniyang bubble gum.
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomanceLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...