KABANATA 8

63 4 0
                                    

Ibinalik ko kaagad ang iilang libro na hiniram ko sa library. Sumilip ako muli sa may bandang front desk at nangiti na lamang nang makitang pilit na kinakausap si Kali ng mga college volunteers. I see him quietly answering then averting his gaze back to me. I smiled at him ngunit nakabusangot na siya. I chuckled. Pinagpag ko ng bahagya ang aking palda na may bandang gusot bago lumapit sa kaniya.

Sinulyapan ko ang mga babae na nakatingin na sa'kin ngayon. I always get that same judgemental look, hindi siguro nila inaakala. Kali looks like the perfect pair of a strong tigress ngunit heto ako mukhang.. Uhm.. Kuting?

"Lunch?" I asked him.

"Finally.. Kala ko iiwan mo 'ko dito." bulong niya sa'kin.

Tumawa naman ako bago ipinakisuyo na ang bag at mga gamit ko na kaagad namang inagaw ni Kali. Nagkibit balikat ako at nagsimula ng maglakad, he sweetly opened the door for me kaya naman nauna na akong lumabas.

"Hindi ka ba nagseselos Lib?" tanong niya at sinulyapan pa ang mga kababaihan.

"Wow ha.." halakhak ko at nilingon nga ang mga babaeng nagbubulungan, "Hindi naman ako selosa." I said.

Kali was such an eye-candy. Unti-unti ng nakikilala ang kanilang banda sa bansa kaya naman nagiging sikat na siya. I heard that today, handled na sila ng Rythm, ang recording company na pagmamay-ari ng pamilya namin, particularly my Tito.

"Bakit?" kuryoso niyang tanong.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. He looked so manly and cute holding my girly things. Minsan hindi parin ako makapaniwala, I mean.. Sino ba 'ko? I'm nowhere near his league and yet here he is, entitled as my boyfriend. "I'm confident that you love me Kali. You give me assurance."

That earned him a mind numbingly smile. Nangiti na rin ako at sinimulan na naming maglakad. He held my hand, his warm one's hovering my frail one's. Habang naglalakad ay ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang isang lalake sa may bandang lobby na bago pa lumingon ay hinigit ko na kaagad ang aking kamay kay Kali.

"Lib?" he asked.

Sa sobrang tuliro ko ay hinigit ko kaagad ang gamit ko sa kaniya na ayaw naman niyang ibigay at kunot pa ang noo.

"Kali.." nagpapanic kong tawag at nang mapansin naman niya iyon ay kaagad na niyang ibinigay ang mga gamit ko sa akin sakto bago pa lumingon ang binata.

Nakakunot ang noo ni Kali and I can't help but to feel so guilty of him ngunit nang makaharap na nang tuluyan ang binata ay bigla akong ngumiti ng pilit.

"Liberty." Aniya sa isang matigas na bigkas.

I breathed heavily and looked at Kali, "Ah.. Tawagan na lang kita para sa group project natin. Bye Kali." nilakihan ko pa ang mata ko ngunit hindi siya natinag roon.

Sa sobrang taranta ko ay bumaba na ako ng tuluyan para salubungin si Nathan na kanina pa nakasulyap sa amin.

"Nathan.. Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko kaagad.

He was wearing hos three-piece suit at pormal na pormal na nakatayo pa sa gitna ng hallway.

"Sino 'yun?" he asked pertaining to Kali.

My heart pounder inside my chest. I smiled to hide my awkwardness. "Classmate ko. Gumawa kaming group project."

I dared not to look at Kali but I can feel his intense piercing stare na pilit kong isinasawalang bahala.

"Better be." aniya sa isang matigas na ingles, "Tito invited me to check the finance department of GI shipping lines three months from now at isasama raw kita. This is the only available sched I have to hand this to you."

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon