KABANATA 13

67 5 0
                                    

"Don't forget to update me kung saan kita susunduin. Text me when you're sober hindi 'yung lasing ka na okay?"

Marahan akong tumango at wala sa sariling inabot ang purse ko mula sa kamay ni Nathan. Katapat ko na ang venue and I instantly wanted to run away. Ang mga multo ng kahapon ay unti-unti akong hinihila. Kagabi lang binalita ang exclusive na guesting ng Cosmic Void para sa event na 'to and I wanted to back out nang malaman ko kung hindi lang dire-diretsong pinapasok ni Nathan ang lahat ng stylist sa kuwarto ko.

"Liberty." tawag niya.

"Ah-- yes yes.. I know. Sober and update. Yes."

He chuckled before unlocking the door, "You'll do great Lib. Go get him."

Bumaba siya ng sasakyan upang pagbuksan ako ng pintuan. Duon ay nakita ko na si Saint na nakaabang. Mabilis akong nagpaalam kay Nathan para malapitan na ang kaibigan at mahigpit ko itong niyakap, "I missed you Alejandre!"

They did their man salute bago ako in-escort ni Saint papasok ng venue. Tahimik lang ako dahil sa bawat hakbang ay tila mahihimatay na 'ko sa sobrang tensyon na nararamdaman ko. My heart is overwhelmed by emotions I didn't know were possible to feel at once.

"Liberty ayos ka lang ba?" tanong ni Saint.

"Uhm.. Oo. Ikaw ba?" wala sa sarili kong tanong sa kaniya.

"Hmm kabado. Looks like we'll have to look out for Ezra's back." sagot niya sa akin.

Tumango-tango naman ako at ilang sandali pa bago ko na-proseso ang kaniyang sinabi at naguluhan pa, "Ha? Bakit?"

He sighed as the doors opened for us. Sari-saring flash ng camera ang aming tinanggap and to my dismay ay wala pa si Ezra dito! Mas lalo tuloy akong kinabahan. Bumigat ang ulo ko sa dami ng mga tao at sa paranoia na baka narito siya.

"Excuse us.." magalang na sway ni Saint sa daan.

Hinatid niya ako malapit sa presidential table at halos manlumo ako nang nakitang aalis siya.

"Sandali Saint wag--"

"Look. Santi's going to propose to Lacy. I need to get to Ezra before she knows."

Nanlaki naman ang mata ko at hinang-hina na napatango. The whole time I was silent, wala akong kinakausap dahil na rin sa katotohanang wala naman akong mga kakilala rito. I didn't look around, scared that I might see a familiar pair of orbs.

Sa di kalayuang table ay nakita ko si Santi at ang katabi nitong dalaga. She must be Lacy. I felt bad for missing it all, sobrang sakit para kay Ezra and I was away hurting too. Ang tagal naman ni Saint.. Napanguso ako at napukaw ng peach tarts ang atensyon ko sa bandang buffet. Oh my..

Marahan naman akong tumayo at nagtungo na palapit sa mga tarts. I grabbed three pieces, just enough for me, at pasubo na sana nang matanawan ko ang magulang ko na kararating lamang. Mommy eyed me quickly and I guess old habits die hard lalo na nang ibaba ko ang platito. Ano ba yan..

Sa likod nila ay ang pinsan kong si Emilia at ang ate Justice. Nang magtama ang tingin namin ay lumuwa kaagad ang mata nila at mabilis na sumugod patungo sa akin.

"Liberty!" sigaw ng ate.

I immediately hugged them both habang tanaw ang paglapit ng aming magulang sa amin. "Kamusta ka na.." ate whispered but it didn't sounded like a question dahil nanginig ang boses niya.

"Okay naman.. Ma! Dad!" sunod na niyakap ko ang aking mga magulang na parang wala lang.

"Bayaan mo na sila.. Baka pagod." pag-aalo ni Emilia sa'kin ngunit hilaw lang akong ngumiti, sanay na.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon