Looking back, our story happens in real life. May mga hadlang talaga sa pagmamahalan ng dalawang tao, pagkakataon, rason, at kung ano-ano pa. Sa tingin ko lagi ay depende na lang 'yun kung paano natin hahawakan ang sitwasyon, kasi sa buhay na ito wala naman talagang madali para sa taong nagmamahalan. Kung mahal mo talaga, ipaglalaban mo o pakakawalan mo.
Kung nakabalik lang ako sa dating ako, lagi kong ipapaalala kay Kali kung gaano niya binigyan ng kulay ang buhay kong masyadong magulo. Marahan niyang hinigit ang kamay ko papasok sa isang museum, it's a Saturday, dahil ayoko ang ideya niyang mag-cu-cutting kami para makapag-date well hindi rin naman maganda ang plano kong tumakas pero sige na.. Ngayon lang naman.
"Kali nakakahiya.." sabat ko kahit andito naman ako ngayon sa tapat niya at kinukuhaan siya ng picture.
Sa gilid ng aking mga mata ay narinig ko ang iilang kababaihan na bumubulong at tila inasinan sa pagkakakilig. I rolled my eyes.
"Oh ikaw naman!" he chuckled, nanlak naman ang mata ko lalo na nang maglabas siya ng polaroid at hindi cellphone!
"Hindi.. Okay na ikaw na la--"
"Lika na! Ang ganda-ganda kaya ng girlfriend ko. Liberty!? Girlfriend ko 'to!"
Nanlaki naman kaagad ang mata ko dahil nag-echo pa ang kaniyang boses na nakakahiya talaga! I immediately looked everywhere buti na lamang ay kaunti lang ang tao! Hinigit naman ako ng hudyo marahan sa may bandang railings.
"Smile silly!" he chuckled and positioned the camera in front of me, I breathed deeply bago marahang itinungkod ang aking siko sa mga barandilya at ngumiti, "Oh pak! Ang ganda oh! Girlfriend ko 'yan!"
Dahil sa kaniyang mga sinabi ang ngiti ko ay unti-unting naging tawa, buwisit talaga! At ilang sandali lamang ay kumuha na naman siya ng litrato na candid talaga! Umalis tuloy ako duon at mabilis na inagaw ang litrato dahil baka mukha akong shit. Nang hablutin ko 'yun ay nakaabang agad siya sa gilid ko.
"Ang ganda mo Lib.." he whispered behind my ear nang lingunin ko siya ay mabilis naman niyang inagaw ang polaroid.
I rolled my eyes bago marahan naming nilibot ang museum. Parang tour guide naman ang isang ito, ang daming nasasabing kung ano-ano, puwede ng paltan 'yung mga taong dito nagta-trabaho. "Dami mo namang alam.." pang-asar ko sa kaniya.
"Siyempre, nagpapaimpress ako, gumagana ba?" he winked at me.
"Pa-cute ka." inis ko siyang tinulak ngunit ang kaniyang braso ay umakbay naman sa akin.
First time ko ngayong makapunta ng museum at ang itinerary namin ngayong araw ay ginawa ng isang 'to, dahil unti-unti raw naming gagawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon.
"There oh!" ang conyo nakakainis! "Pa-picture tayo.." turo niya sa spolarium.
Namula naman ako nang bigla siyang nakisuyo sa isang chinese tourist na kuhaan kami ng litrato! Nakakahiya talaga!
"Kali nakakahiya ka talaga--"
"Ngiti na.." he chuckled bago umakbay sa'kin.
"One.. Two.. Three!" his smile was wide giving us a view of his gums. Ang cute!
"Xiexie!" nag-bow pa ang hudyong si Kali!
Ngumiti naman ang matanda sa amin bago kami iniwan. Nilibot pa namin ang museum, minsa'y umuupo para makinig ng music. Kali is so wild and carefree tila isang malayang ibon na walang destinasyon and it makes me feel good, being this free with him.
I looked at him, suddenly his smiles became so slow, parang bumagal ang buong paligid for me to appreciate it more. He snapped his fingers right in front of me, "Crush mo ko 'no? titig ka pa diyan ha.."
![](https://img.wattpad.com/cover/237863770-288-k982853.jpg)
BINABASA MO ANG
When The Heart Breaks [COMPLETED]
RomansaLiberty Aster Gallego is the perfect daughter, prim and proper, an achiever, siya ang inaasahan na magmamana ng kanilang kumpanya and she knows that. Hindi kailanman niya binago ang paningin, she had a straight path to walk to, at wala siyang balak...