KABANATA 11

56 5 0
                                    

"That is an important meeting Liberty at lumiban ka! Pinahiya mo 'ko! Ang sabi ko ay pupunta ang bunso kong anak!"

Marahan kong isinara ang aking libro at magalang na hinarap ang daddy, "Nagkasakit po ako dad kaya nawala sa loob--"

"Huwag mo kong gawing tanga Liberty. I know what classes you skipped yesterday!"

Nanlaki ang mata ko ng bahagya. Does he know too? That I.. I sighed and turned to the reports that I was reading. "I was sick dad."

"And where were you!? Sige nga!"

There's really no point in hiding it. Wala na akong kinakatakot. "I was with Kali po."

I saw the dismay and disgust in his eyes. Naningkit ito at tila hinuhusgahan na ako mula ulo hanggang paa na lahat ng kamalian sa mundo ay nagawa ko na. Nathan remained silent though as if ang report na kaniyang binabasa lamang ang kaniyang nakikita at wala ng iba pa senses.

"Ayan! Sa'yo na rin lumabas ang katotohanan na nakikipagkita ka na naman sa batang 'yon! Why am I not surprised!?"

I breathed heavily gusto kong sumagit ngunit gusto kong salain ang bawat salita. I don't want him to feel disrespected dahil hindi naman aabot sa ganoon ang punto ko kahit pa anong sabihin niya sa'kin.

"He took care of me dad. Muntik na 'kong mahimatay sa klase."

"Bullshit! Talagang hindi ka parin nadadala!? Puwes sinagad monna ang pasensya ko Liberty! I-drop mo na ang lahat ng subjects mo! Uuwi ka ng New York next week!"

Shit. Para akong na-estatwa sa narinig. N-no he can't be serious! Hindi puwede!

"Dad!"

"No buts! You're too stubborn! The engagement will be publicly announced soon after you graduate! Duon ka na titira kasama si Nathan!"

"Tito." ang matigas na boses ni Nathan ang nagpalingon sa aming dalawa, "We can't force Liberty into something she won't like."

I'm on the verge of losing it. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko kaya naman mabilis akong napakapit sa lamesa ngunit mabilis naman akong dinaluhan ni Nathan.

"Wala akong pakialam! The company needs this merge Liberty! And I will strip off that boy wity every bit of his career tingnan ko na lang kung saan kayo pupulutin kapag hindi ka tumuloy ng New York!"

My tears instantly fell. Punong-puno na 'ko! Binitiwan ko kaagad ang lamesa ta mabilis na ibinato ang lahat nga papeles sa kaniya.

"Ayan na dad! Pagod na pagod na'ko! I don't know why you want to push on with the merging, ang akala ko ay may tiwala ka sa'kin na kaya ko ang kumpanya'ng ito but you're using me as a pawn! Anak mo 'ko dad! Hindi ako isang business proposal itatapon niyo ng ganito, ganyan na ba kayo kawalang puso!?"

Nanlaki ang kaniyang mata at kaagad na itinaas ang kaniyang kamay kaya naman mabilis akong napapikit at humukbi.

"How dare you--"

Hinintay ko na lamang na dumapo ang kaniyang kamay sa akin ngunit nang buksan ko ang luhaan kong mata ay nakaharang na si Nathan sa harap ko.

"Tito this is your daughter." magalang niyang sagot, "I will be the one to talk to her po."

Inis na suminghal ang daddy at mula sa likuran ni Nathan ay sinilip niya ako.

"I'll give you your one week ultimatum Liberty. New York or that boy and his band will end up with nothing, mark my words." banta niya at umalis na.

Duon ay tuluyan na akong nahulog sa sahig. My shoulders shook weakly. Ang hagulgol ko lamang ang narinig sa buong opisina at hindi nagtagal ay naramdaman ko na si umupo si Nathan sa aking harapan bago marahang inabot ang aking katauhan para sa isang yakap.

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon