KABANATA 14

70 5 1
                                    

ALAS DOS na yata nang sunduin ako ni Nathan sa Bistro na tinatambayan namin noong college. Hindi ko napigilang mag-lasing kasi ewan ko ba.. Sobrang sakit pala kapag lahat ng multo ng kahapon kaharap mo na. Sabi ko na nga ba.. Sabi ko na hindi dapat ako umuwi. Maybe it's better to bury all of this rather than letting them resurface and haunt me like this.

Dahil na rin sa sobrang kalasingan ay tinanghali ako ng gising kinabukasan. Puwede na ba akong umuwi ng N.Y? Tapos naman na ang launch ng PACT. Pagkababa ko ay naroon na si Nathan at nakahanda na ng pagkain.

"You woke up late.. Again."

My other eye is still half shut kaya naman it took me a while to focus on his face.

"Uwi na tayo.." ungot ko, "Ayoko na dito." I said.

Pinagsalin naman niya ako ng isnag baso ng juice bago umupo sa harap ko, "Maligo ka na. Ihahatid kita sa Rythm may kailangan raw si Emilia sa'yo bago tayo didiretso sa site. Pinagamit ko 'yung sasakyan mo para sa lunch ng mga trabahador."

Parang sinilihan ang mata ko sa pagkakadilat nang mapagtanto ang sinabi ni Nathan, "Anong-- anong sa Rythm!?"

"Tumawag si Emilia sa'kin kanina. She said that she needs you."

Ayoko! Kung sa Rythm ako pupunta isa lang ang ibig sabihin noon! Nandun rin si Kali at hindi ko kayang makita siya muli. Last night was hell and well.. Ayoko na!

"But Nathan.." inikot ko ang tinidor ko at tila minurmurder na ang scrambled egg, "I have so much to do.. Wala na 'kong panahon para mag sight seeing sa Rythm tsaka alam mo naman eh.." I tried to make my voice smaller at tila naglalambing baka sakaling gumana.

Hindi naman niya ako pinansin at tinuloy na ang pagbabasa ng kung ano sa kaniyang cellphone. Napanguso ako habang iniisip kung ano ang kailangan ni Emilia sa akin. Bakit naman niya ako pinapapunta roon? Well I can't blame her I mean.. Wala naman siyang alam.

Kulang na lang ay i-untog ko ang ulo ko sa shower at talagang napakabagal ko ngunit ganoon parin. Nathan was so patient that even if I dressed up late ay prente parin siyang naghihintay sa may living area.

"Tara na nga.." mahinahon kong saad.

Sinilip naman niya ang kaniyang relo bago tumayo na. I can't help but to be nervous lalo na nang binabagtas na namin ang daan patungong Rythm. Eleven am na and for sure malapit na silang mag-lunch break saktong-sakto at masosolo ko si Emilia.

Everything is going according to plan ngunit tila lahat ay gumuho nang makita ko na ang pamilyar na building ng Rythm. Ang lahat ng plano, ang lahat ng nakaprograma na sasabihin ay nabura. Parang namanhid ang utak ko.

"Let's go."

Parang tanga ko lang na tinanggal ang aking seat belts at nasa gilid ni Nathan papasok ng Rythm. At the back of my mind, I was Praying na sana ay wala siya roon.. Lunch break o ano man basta sana ay wala siya roon. Iilang mga kilalang singer at artista ang nakasalubong namin bago namin marating ang office of the C.E.O. Sa puntong ito ay confident na 'ko dahil parang lahat ay lunch break na nga maski ang sekretarya ni Emma ay wala roon.

Binuksan kaagad ni Nathan ang pintuan para sa'kin.

"That's none of your business bakit ba ang tsismoso niyong magpinsan--"

Naputol ang sinasabi ni Emilia nang tumambad kami ni Nathan. Shit.. Sabi ko na e. With her are Clement and Kali Castellano. Wrong timing naman. Kali looked so bored as he glanced at Clement bago nawala ang emosyon nang tumama ang tingin sa'kin na mabilis ko namang iniwasan.

"Pasensya na hindi namin alam na may tao babalik na lang kami kapag--"

Oh fuck.

"Hindi Lib.. Okay lang. They need to hear what I'm about to say to you rin." Emilia smiled bago dumako ang tingin kay Nathan, "Thanks Nate sa paghatid kay Lib."

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon