Chapter 19

12.2K 286 0
                                    

to @beigeilou...Thank You so much for reading my story chapter by chapter. Enjoy reading mga "KABISYO"....


Nakaramdam siya ng matinding lungkot pagka alis ni Tepang. Day-off kasi nito.Namiss na rin niya ang boyfriend na isang linggo ng hindi nakikita. Nasa London kasi ito para sa kanilang negosyo. Magdamag niyang hinintay ang tawag at text nito pero nakatulog nalang siya kagabi ng wala man lang Jared na nagparamdam. Nakalimutan na yata nitong 3rd Monthsary nila kahapon. Nakaramdam siya ng matinding kaba. First time na hindi siya nabati ng nobyo kahit sa text man lang.

"Hi Ate, you look so sad? Bakit?" napalingon siya kay Janine, nasa gilid siya ng pool naka upo habang tulalang nakatitig sa kawalan. Araw ng Linggo ngayon kaya walang pasok ang dalaga sa school. Hindi din niya kelangan magluto ng tanghalian at hapunan ngayong araw kasi may mga pinuntahan ang mag asawang amo, na kong saan man yon ay hindi niya alam.

Pilit siyang ngumiti para itago ang lungkot na naramdaman. "Hindi naman, ka boring walang ginagawa. Ikaw bakit hindi ka pa umalis? Akala ko ba may bibilhin ka sa book store?" tanong ko sa kanya. Labis siyang nagpasalamat kay Janine dahil sa kabaitang pinapakita nito sa kanya.

" What if samahan mo nalang ako Ate, wala ka naman gagawin dito, at ipina alam na rin kita kay Mommy at Daddy kanina" may paglalambing ang boses nito.

Napangiti naman ako sa sinabi nito. "Ano? Bakit naman ako ang naisipan mo,? Yayain mo kayang boyfriend mo para may kasama ka" biro ko sa kanya.

"Wala pa akong bf ate, wala pang nagkakamali" nakanguso ito

"Sa ganda mong yan walang nanliligaw sayo" medyo nagulat naman ako sa sinabi niya.

" Wala pa nga.kaya sige na magbihis ka na at samahan mo ako, at pag ayaw mo magtatampo ako sayo" parang batang banta nito.

Matatanggihan ba naman niya ang bunsong kapatid ng lalakeng labis niyang minahal. Ang kaisa-isang kapamilya nito na nakaka intindi sa relasyon nila. "Sige na nga, saglit lang tayo ha"

"Yeheyyyy" parang batang nagpalundag lundag pa ito, " But wait Ate. May gusto akong damit na ipasuot sayo at alam kong babagay sayo yon, wait lang at kukunin ko sa room ko" sabi nito at bago pa man ako nakapag react ay tumakbo na ito palayo sa kanya. Napangiti nalang siya. Parehong pareho kasi ang ugali ni Jared at Janine, pero kong gaano kabait ang dalawa ay siya naman pagka maldita ni Jessica ang panganay ng mga ito.

"Wow Ate. Bagay na bagay nga sayo yan" palatak ni Janine. Jumpsuit na kulay pink na lagpas tuhod ang haba. "You look fresh and pretty and Im sure mapapalingon ang mga boys sayo" proud na proud ang boses nito.

"Parang ayaw mo sa akin para sa kuya mo ah, binubuyo mo ako sa ibang boys" himig tampo niya rito

" Ofcourse not Ate, I am sure naman na hindi mo ipagpapalit si Kuya." Kumpyansang saad nito.

Napangiti na lang siya sa sagot nito. "And Thank You so much sa damit na ito, without you Little Sissy I cant wear expensive clothes like this." seryoso ang mukhang saad niya rito.

"Your very much welcome Ate, and I like that endearment, I think thats really suits me" namilog ang mga mata nito.

" Talaga? Ok.. Your now my Little Sissy, pero pag tayo lang ha," nakangiti niyang saad

Pina andar na nito ang sasakyan niya. Tahimik lang siya hanggang sa makarating sila ng SM. Bumaba sila agad ng sasKyan at dumeretso ng Book store. Hindi ko alam kong anong bibilhin niya kaya sumusunod lang ako sa kanya kong saan man siya pumunta. Narinig kong tumunog ang cp niya at may kina usap roon, maya maya lang ay ibinalik ulit sa sling bag nito ang cp at lumapit sa kanya.

"I think I dont need to buy those books" napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi nito.

"Ha? bakit? nagtatakang tanong ko, akala ko ba importante yon kaya ako niyaya nito dito.

" Nakita ko kasi na may ganon mga books si Kuya sa penthouse niya, yon nalang hiramin ko" at pagkasabi noon ay bigla na siyang hinila nito palabas ng store na yon. " Tara ate, kunin natin doon, may keys ako kaya makakapasok tayo roon."

Ano pa nga bang magagawa niya kundi ang sumunod. Habang nasa sasakyan sila ay muli niyang tiningnan ang cp, Nalungkot siya ng makitang wala man lang text galing kay Jared at kahit sa kababata. Napansin naman ito ni Janine.

"Bakit ang sad mo? tanong nito sa kanya. " Mmmm alam ko na" napalingon ako kay Janine.

" Anong alam mo?" Kunway pabiro niyang tanong rito at pinilit na ngumiti kahit mabigat ang loob.

" Namiss mo si Kuya... Mmmm aminin" paniniguro nito.

Humarap siya rito, maglilihim pa ba siya sa dalaga. "2 days na kasi siyang hindi tumatawag sa akin, kahit text wala, at saka unang pagkakataon na hindi niya ako nabati ng Monthsary" malungkot niyang turan.

"Naku pagpasensyahan mo na si Kuya, baka bukas narito na yon, Im sure babawi sayo yon" paniniguro nito sa kanya.

Napatango nalang siya sa dalaga. Oo nga pati ngayong birthday ko, nakalimutan akong batiin. Hindi niya nalang sinabi ang laman ng isip niya. Kinakabahan siya, paano kong may nakita ng iba si Jared sa ibang bansa at baka hanggang doon nalang ang kwento ng love story nila, kakayanin kaya niya?. Sigurado naman talaga siyang along the way maraming nakakasalamuhang magagandang babae si Jared. Mga mayayaman na katulad nito. Nagulat siya ng bigla siyang tapikin ni Janine sa balikat.

"Ate nandito na tayo, Ayyy ang lalim ng iniisip nito" untag nito sa naglalakbay na diwa niya.

"Sorry Little Sissy" namumula ang mukhang saad niya,

"Mmm if I know si Kuya ang iniisip mo, dont worry pagkabalik noon babawi sayo yon, Tara samahan mo ako" aya nito

"Hindi ba pwedeng dito nalang ako, saglit ka lang naman doon diba?"

" Ate naman eh," pamimilit nito.

"Okey sige tara na" bumaba na rin siya ng sasakyan.

Ewan ba niya, pero kinakabahan siya, para kasing may something na mangyayari today. Pagkarating nila sa harap ng pinto ng penthouse ni Jared ay mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Janine inserted the key at itinulak na nito ang pinto pa bukas. At ganon nalang ang pagkabigla niya ng makitang may mga tao pala sa loob ng unit ng binata. Agad na nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata niya ng tuluyan na silang makapasok sa loob.


Hello mga "KABISYO" pasensya na rush ang pagkasulat nito, may importante lang kasing ginagawa pero I tried my best para makapag update... Please comments po kayo kong anong gusto niyong mangyari sa susunod, and your votes are highly appreciated.. Thanks for reading.....

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon