Chapter 7

14.3K 339 3
                                    

Pagkababa niya sa kotse ay mabilis siyang sumakay ng jeep. Napaluha siya hindi yun ang gusto niyang sabihin sa binata. At alam niyang nasaktan niya ito. Pagdating niya sa bahay ng kababata ay tuluyan na siyang napa iyak.

" Anong nangyari sayo?" Natatarantang tanong ng kaibigan. " hoy ano ba Hukky Roose kinakabahan na ako sayo ha."

Sa pamamagitan ng paghikbi ay sinabi niya ang lahat sa kababata mula sa pagpapahiwatig nito hanggang sa pagtatapat nito kanina.

" ay sus bestfriend, akala ko naman kung napa ano ka na, ikaw na nga itong nang basted ikaw pa itong umiiyak ngayon. Bakit hindi mo nalang kasi sinagot kung iiyak- iyak ka pala dyan." sa halip na paga anin ang loob ay mas lalo pa atang dadagdagan ang bigat ng loob ko.

" Natatakot kasi ako Best eh. Mayaman kasi siya"

" at mahirap ka lang.ganun! Ay sus... paano mo malalaman kung hindi mo susubukan"  putol ni Shirly sa mga sinasabi ko. " Best pag magtapat siya uli sayo sagutin mo na basta wag mo lang isuko ang bandera mo, para kung hindi man mag work ang relation niyo hindi ka pa rin talo.

Hindi na tuloy sila umalis nun araw na yun nawalan na kasi siya ng gana. Natulog nalang siya buong mag hapon at bumalik uli sa bahay ng mga amo ng malapit ng mag dilim.

Ilang linggo na ang lumipas buhat noon nag day- off siya. Kasalukuyan niyang inaabutan ng tubig si Jessica dito kasi nag dinner ang mag asawa. 3 taon na daw iyong kasal pero wala pa rin itong anak hanggang ngayon. Masama kasi ang ugali kaya ba-og laging sinasabi ni Tepang pag naiinis ito sa panganay na anak ng mga amo.

" Do you still remember Ellah, ha Jared?" maarteng tanong nito kay Jared.

" That Bitch Ellah..malandi, " si Janine ang sumagot.

" Yes I still remember her..Why?"  Si Jared

" She still love you Jared, in fact she is inviting you for a dinner date." Si Jessica

" Oh really! But i dont like her. I dont love her.. Thats the reality. So i will be glad if you tell her that."  Walang gatol na sabi nito.Napatawa naman ang Daddy at Mommy ng mga ito

" Thats my Kuya Jared. I dont like that Ellah girl shes malandi." Inirapan nito ang Ate Jessica nito. Narinig nila ni Tepang ang pag uusap ng mga ito. At lihim siyang natuwa. Hard to get din pala si Jared. Ang lalakeng lihim niyang iniibig.

Hindi na lumalapit sa kanya ang binata. Halatang nag iiwasan sila pareho. Tumakbo siya paakyat sa hagdan ng marinig niyang tinatawag siya ni Madam Joann.

" Yes Madam" humihingal siya naroon si Jared halatang mainit ang ulo, nakatapis lang ng tuwalya. God ang macho nito.

" Bakit kasi hindi nasali ni Aling Ana ito pagplantsa kahapon.Ito yong dapat kong isuot sa meeting ko eh, kaya nga binili ko yan para maisuot ko ngayong araw na ito" nakakunot ang noo nito.

" Bakit nga ba hindi nasali yan Hukky" tanong ni Madam Joann sa akin hawak- hawak nito ang kulay mint- green na long sleeve.

" Basa pa po kasi yan kahapon  Madam eh." sagot ko sa tanong nito

" Pwede paplantsa nalang nito,  yan kasi required doon sa pupuntahan ni Jared eh" inabut sa akin ang long sleeve na yun.  Inabot naman ito agad ng dalaga at mabilis na pumunta sa laundry area.  " Make it fast malalate na ako." Narinig pa niyang sigaw ni Jared. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin na naka full pala ang Iron na yon. At ng pasadahan na niya ng plantsa ito, dumikit sa damit at.... Naku nasunog ang long sleeve. Napanganga siya. Ang tanga- tanga ko.. Ano ang gagawin ko. ?

" Huk ano ba bilisan mo dyan at hinihintay na ni Sir Jared yan." Napatingin ito sa damit na hawak niya at tulad niya napanganga din ito. Tumakbo siya papunta sa kwarto ng binata. Nanginginig siya sa kaba.

" Sir Jared" nanginginig ang boses niya.

" What! Nasan na yun pinapasuyo ko sayo"  pakiramdam niya ay sinisigawan na siya ng binata kahit hindi naman talaga.

" Sir nasunog po. So....Sorry po talaga" nakayuko ang ulo niya, gusto na niyang maglaho sa paningin nito o kaya sana ay lamunin na siya ng lupang kinatatayuan niya ngayon.

" what have you done Hukky.  Bakit ngayon ka pa pumalpak. Not now Hukky" Not now..." Naihampas nito ang nasunog na long sleeve sa kama. Nagulat ako sa nakitang nagagalit na binata. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Natigilan ang binata ng makitang tahimik na lumuluha ang dalaga sa harap ng pinto. Agad lumambot ang mukha nito at halatang nadudurog ang puso sa nakikitang pagpatak ng mga luha ng dalagang minamahal.

" whats happening here?" Narinig kong tanong sa paparating na si Madam Joann.

" Sorry po talaga Sir. Sorry po.."  Yun lang at mabilis siyang tumakbo palayo sa binata. Dumiretso siya sa quater nila ni Tepang.  Hindi na narinig ni Hukky ang ibinalita ni Madam Joann na hindi na matutuloy ang meeting ng binata kasi na settle na ito ng Daddy nila.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon