Chapter 2

20.1K 428 0
                                    

"Manang Lydia saan si Madam Joann?" bungad ni Tepang sa babaeng nagbukas ng gate ng pinindot ni Tepang ang doorbell.

"Nasa taas pa nagbibihis, dumiretso na kayo sa loob ng maipakilala mo na kay Madam yang kasama mo at ako'y may gagawin pa sa gilid ng pool" pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis.

"Baka madapa ka ha" bulong sa kanya ni Tepang.Lingon dito lingon doon kasi siya pagkapasok nila sa malaking bahay.Pagpasok pa lang kasi nila sa gate ay manghang-mangha na siya sa malaking bahay na nabungaran niya. Ang ganda at halatang mamahalin o baka pa nga nanggaling sa ibang bansa ang lahat ng gamit na naroon. Simula sa painting na nakasabit sa dingding,upuan at maging sa mga ilaw na nandoon ay ang gaganda talaga.Ngayon lang ako nakapasuk sa ganito kagarang bahay.Isang may edad na babae ang bumaba sa hagdan. Nakapustura ito at kahit na may edad na ay halatang maganda ito noong kabataan pa nito.

"Magandang umaga po Madam, siya po si Hukky Roose Namias ang sinasabi ko po sa inyong pwede maging kusinera natin" pagpapakilala ni Tepang. Bahagya akong yumukod dito bilang pagbibigay galang sa aking magiging amo.Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ilang taon ka na Iha?" Pormal ang mukhang tanong sa akin.

"20 years old po Madam" kiming sagot ko, kinakabahan ako mataray kasi ang tingin ko rito.

"Kaano-ano mo ba siya Tepang" baling nito kay Tepang.

"Madam yung kababata po niya na si Shirly ay asawa po ng may ari ng talyer na pinapasukan ng kapatid kong lalake.Kapit-bahay din po namin yan Madam" pakenkoy na sagot ni Tepang sa amo. Lihim akong natawa kahit saan talaga ito si Tepang nakakatawa ang kilos kahit sersoyoso ay mukha pa rin nagbibiro.

"Marunong ka ba talagang magluto" tanong ni Madam Joann sa akin.

"Opo Madam masarap po siyang magluto, nun natikman ko nga ang luto niya kahapon ay saglit kong nakalimutan ang pangalan ko eh." Sagot ni Tepang sa tanong na dapat ako ang sumagot.

"Madali naman po akong matuto kung may iba po kayong gustong ipaluto sa akin kayang kaya ko pong gayahin ang mga nasa recipe" sabi ko sa amo ko.

"Ok.4500 ang entrance mo dito at willing akong taasan yun pag nasarapan ako lalo na ang mga anak ko sa luto mo.Cook ka lang dito, si Tepang ang tagalinis at may hardinero at tagalaba at plantsa na pumupunta dito tuwing weekend."pagkatapus magbigay ng mga instructions nito ay nagmamadali na itong umalis ng bahay sakay ng magarang sasakyan. Sila naman ay dumeretso sa quarters area na nasa gawin likod ng bahay. Malaki ang kwarto nilang mga katulong, may 3 kama sa loob nito, isang electricfan at isang malaking aparador para lagyan ng mga gamit nila.Share nalang daw sila ni Tepang sa aparador.Pagkatapus nila ilagay ang dalang bag ay lumabas sila sa servants quarter at pumunta sa kusina kakain daw muna sila kasi gutom na si Tepang.

Pagdating nila sa kusina ay nandoon na ang matandang babae na nagbukas ng gate kanina.Kasalukuyan itong naghuhugas ng plato.Si Manang Lydia ang papalitan niya sa pagiging kusinera.Pagkatapos ng 10 taon na paninilbihan nito sa pamilyang Guzman ay hihinto na ito, nakatapos na daw kasi ang 3 nitong anak sa kolehiyo at pinapahinto na siya ng mga ito sa trabaho.Pagkatapos nilang kumain ay niyaya ako ni Manang Lydia na magpahangin sa tabi ng pool.Si Tepang naman ay naglinis muna ng bahay gawa ng hindi ito nakapaglinis kahapun kasi day-0ff nito at kanina lang ito bumalik kasama siya.

"Kapag ganitong oras wala kang gagawin, basta pag dating ng 4pm ay maghanda ka na ng hapunan nila. Mababait ang pamilya Guzman basta maging masipag ka lang.Ang ganda mo anak bakit ka nangatulong? Biglang tanong nito.

"Hindi po kasi ako nakatapos ng pag aaral at ulila na po ako Manang." Hinagud ng matanda ang ulo ko.

"Wag kang mag alala anak balang araw suswertehin ka rin, mukha ka naman mabait at magalang."

" Magdilang anghel po sana kayo" nakangiti kong sagot.

Hindi naman si Manang Lydia lang ang nagsasabing maganda siya. Mahaba ang maiitim niyang buhok, matangos din ang ilong niyang binagayan ng malalalim na dimples na litaw na litaw tuwing ngumingiti siya.Kahit laking probinsiya siya ay makinis at maputi ang balat niya. Marami din ang nagsasabing sexy siya.Isa lang ang kelangan niya ang makatapos ng pag-aaral.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon