Chapter 14

13.4K 301 1
                                    

dedicated to you @philgirl83...Thank You for your nice comment and vote.....


Pagkatapos maligo ng binata ay nagmamadali na itong bumaba at dumeretso na sa kusina. Tumawag ang Daddy niya at kelangan niyang pumunta ng opisina to fix some papers.But before anything else makikipaglambingan muna siya sa girlfriend niya.

Dahan dahan siyang lumapit kay Hukky, nakatalikod ito sa kanya. Ang sexy lang ng girlfriend niya, naka short ito at sleeveless. Litaw na litaw ang magagandang hita nito at kurbadang katawan.Good thing at wala pa sa kusina ang Mommy niya at makulit niyang kapatid.Niyakap niya ito mula sa likuran.

" Ang sexy naman ng Babe ko, next time na magkasarilinan tayo ganyan ulit isuot mo ha para makabuo na tayo agad" Bulong niya rito habang hinahalikan niya ito sa balikat.Hindi naman na nagulat ang dalaga sa ginawa niya palibhasa ay sanay na ito sa kanya.

" Manahimik ka nga Jared, umiral na naman yan kalandian mo, lumayo layo ka nga sa akin at baka may makakita pa sa atin dito." Taboy ng dalaga rito.

Mas lalo naman hinigpitan ng binata ang pagkakayakap sa dalaga. "I love you Babe so much" bulong niya ulit sa punong tainga nito.

" And I love you too Mr Jared Guzman, Upo ka na doon ha at ipaghahain na kita" sagot ng dAlaga. "Ito pinagbalat kita ng pinya at alam kong favorite mo ito"dagdag pa nito

"Wow.. But Babe ano nga pala yong napanaginipan mo?" Naalalang tanong ng binata.

" Not now Jared, Please umupo ka na doon at ipaghahain na kita. Anytime bababa na rin dito si Mam Janine at ang Mommy mo, baka makita ka pa nila tayo. Ayaw ko pang mapa alis dito dahil ayaw kong malayo sayo. Kaya please konting ingat tayo." Paki usap ng dalaga sa kasintahan.

Bahagya naman natigilan ang binata ng makita ang kaseryosohan sa kanyang mukha. "Ok Babe, Basta bukas I go with you ha" Sabi nalang nito bago ito pumunta sa dining table.

Nag- umpisa ng kumain ang binata ng sumulpot si Janine sa dinning area

" Good Morning everyone" bati nito. Tiningnan lang ng binata ang bunsong kapatid.

" Good morning din po Mam Janine, ang ganda po ng gising natin ngayon ah.! Upo na po Mam at ipaghahain ko na rin po kayo" Ganting bati ni Hukky. Nanlaki ang mga mata ni Hukky sa ginawa ni Janine. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat niyakap kasi siya nito ng mahigpit. Oo nga at naging mabait sa kanya si Janine pero bakit kaya siya nito niyayakap. Lingid sa kaalam ni Hukky ay pinandilatan ni Jared ng mata ang kapatid.

" Ate from now on dont call me Mam , Ill be happy kung Janine nalang, nakakatanda kasi yon eh and to think na mas matanda ka sa akin." Tinig paglalambing ni Janine.

Isang mabilisang sulyap kay Jared ang ginawa niya na ngayon ay ngiting ngiti sa kina upuan nito. " Ok Janine." Maikling sagot niya.

" Thank you Ate, you look hot dyan sa suot mo ha, no wonder kong may magkakagustong mga tao dyan sa tabi-tabi." marahan sipa sa paa ang inabut ni Janine mula kay Jared.

Nagkulay mansanas naman ang mukha ni Hukky sa tinuran ni Janine. "Naku po Janine wala pang nagkakamali,"

" Naku Ate Hukky malamang natotorpe lang sayo ung mga lalakeng yon" himig pagbibiro nito " Aray ko" biglang pamimilipit nito.

Agad naman lumapit si Hukky dito. "Bakit Janine, anong masakit sayo?" nag alalang tanong ni Hukky sa kanya.

" Nothing.... its just something hit me under the table" hinamas pa ni Janine ang paa niya.

" Ha! Ano ba kasi yon?" Sinilip ni Hukky ang ilalim ng mesa. Hindi na tuloy nya nakita ang panlilisik ni Jared sa kapatid habang nag makeface lang si Janine bilang ganti.

Ilang saglit lang din at nasa dining area na rin si Madam Joann.

" Hukky prepare mo na yon food ni Sir Noah mo at si Jared na ang magdadala niyan" utos nito sa dalaga.

" Ok na po Mam" sagot agad ni Hukky

" Tuloy ang off mo bukas"? Tanong nito sa dalaga.

" Opo Madam eh, and Monday morning na po ako makakabalik kong Okey lang po"

Nagpatango- tango lang ang ang Ginang. Ibig sabihin payag siya.

Its Sunday morning. Pagkatapos magluto ng agahan ay agad nag handa ang dalaga sa sarili. Isang simpleng dress na kulay pink lang ang suot niya. Tinernuhan lang din niya ng doll shoes, at nakalugay ang buhok. Wala naman din talaga siyang kaalam alam sa pananamit,Ni make up nga ay hindi siya marunong. Pero sa kabila ng lahat ay puring puri pa rin si Tepang sa kanya.

" Ang ganda mo Huk para kang barbie, bagay sayo yan kulay na yan at sexy mo Huk" puri nito sa kanya.

Natawa naman siya sa reaksyon ng kasama "Sus si Tepang, isang simpleng dress pang simba lang ito"

" Yon na nga eh, simple pa lang yan sinusuot mo ang pretty mo na. Ano pa kaya kong pabonggahan ka na. Baka nagmukha ka ng artista" hindi talaga maawat si Tepang sa pagpuri sa kanya.

" Sus sinabi mo lang yan kasi kaibigan mo ako" sabay pa silang napalingon ni Tepang sa cellphone niya.

"O ayan ng hinihintay mo nagtext na" tili ni Tepang. Napa iling siya para kasing sa kanilang dalawa ay mukhang na tetense si Tepang kesa sa kanya. " Basta Hukky ha, deretso kanila Ate Shirly baka mamaya kung saan- saan kayo liliko ni Sir Jared" biro nito.

" Psstt bunganga mo baka may makarinig pa sayo"saway ni Hukky. "Sige na alis na muna ako at naiinip na daw siya kaka antay sa akin sa labas nitong subdivision" pagkatapos magpa alam sa kasama ay nagmamadali na siyang umalis sa mansion ng mga Guzman.

Pagkapasok ni Hukky sa sasakyan ng binata ay agad siyang hinalikan nito sa labi. Buti nalang at tinted itong sasakyan kaya hindi sila kita sa labas.

" Your perfect Babe,and look so hot, I hope para sa akin yan pagpaganda mong yan" titig na titig ito sa kanya at nasa mga mata ang paghanga.

" Oo naman noh, Ikaw at ikaw lang. Para sayo lang ang pagpapaganda ko" totoo sa pusong sabi niya. " Babe your my first love and I promise that your also my last"

" Aasahan ko yan Babe" sagot ng binata nasa mga mata pa rin ang matinding paghanga. "So where are we now?" tanong ng binata, pina andar na nito ang makina ng sasakyan.

" Simba muna tayo Babe, gusto ko sanang makapunta ng Quiapo, hindi pa kasi ako nakakapunta roon eh. Malapit lang ba yon? Nag aalangan niyang sabi rito. Sa totoo lang nahihiya siya pero gusto lang din kasi niyang ang boyfriend niya ang kasama sa unang pagtapak niya sa Quiapo Church.

" Sure Mahal ko as you wish. Its a very nice idea Mahal its my honor na ako ang magdadala sayo doon." Masuyong sabi nito. Ipinatong nito ang ulo niya sa balikat ng binata. Kinilig siya sa porma nilang yon. Ang sweet talaga ng boyfriend niya.

At dahil sunday nga kaya wala gaanong traffic. Wala pa isang oras ay nakarating na sila sa simbahan.

Pagkatapos makahanap ng mapag paradahan ng kotse ang binata ay magkahawak kamay na pumasok na sila ng simbahan. Sobrang daming tao pero nakapasok parin sila sa loob at sinuwerteng naka upo sa mga upuan naroon.

" Thank you Babe for bringing me here" bulong niya sa boyfriend niya.

" Your very much welcome Babe, I love you" sagot ng binata.

Lumuhod siya at taimtim na nagdasal. Lord thank you po sa lahat ng biyaya niyo sa akin. Gabayan mo po sana ako sa lahat ng desisyon na aking gagawin. Itong lalake katabi ko ngayon kong siya na ang nakatakda para sa akin ibigay niyo na po siya sa akin, pero kong hindi pa siya wag nyo po akong pabayaan na masaktan. Bigyan niyo po ako ng sign dahil ngayon pa lang ay nakahanda na akong mahalin siya ng buong- buo at pag-alayan ng buong pagkatao ko. Mamasa masa ang mga mata niya pagkatapos magdasal, sinulyapan niya ang nobyo niya nakapikit ito at nagdadasal. Pagkatapos ng misa ay magkahawak kamay uli nilang nilisan ang simbahan yon.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon