'Youre Just No One" nasa Wattpad na po...Salamat sa inyong lahat......
Hukky POV
Lahat ng mga nangyayari ngayon ay perpekto at tama, para sa pag-ibig ko kay Jared na akala ko hanggang pangarap na lang. Mahal na mahal ko siya, mahal na mahal ko ang ama ng batang dinadala ko. At aaminin ko kulang na kulang ako noong mga araw na hindi ko siya pinapansin, pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang sakit sa mga pagtitikis ko sa kanya. Ngunit magkagayunpaman ay hindi siya nagsawa sa akin sa pag intindi, hindi siya napikon at pinaramdam niya sa akin kong gaano ako kaimportante sa kanya. Noong gabing nagpropose sa akin si Jared ay nagkausap kami ng Mommy niya, niyakap niya ako at sinabing tanggap na tanggap nila ako bilang asawa ng anak niya at nanay ng magiging apo nila. Pina-iyak ako sa sobrang saya at agad-agad nakalimutan ko ang mga masasakit na pinagdaanan ko sa kanya. Nalaman ko rin na sa kanya pala galing ang ibang mga maternity dress na bigay ni Janine. Para sa akin wala na akong mahihiling pa, dahil nalaman ko hindi lang pala si Jared at Janine ang mabait sa pamilyang ito, pati rin pala ang mga magulang at si Ate Jessica.
"Mahal ko anong iniisip mo" malambing na tanong ni Jared sa akin. Nakahiga ako sa kama habang hinihimas niya ang tiyan ko, hinihintay ang muling pagsipa ng aming angel sa loob ng tiyan ko.
"Wala lang" sagot ko at pinisil ko ang tungki ng ilong niya.
"Arayy ko naman" namumulang saad niya marahil nasaktan sa panggigil kong iyon. "Baby gustong-gusto na kitang makita, excited na si Daddy na masilayan ka, at syempre excited na rin si Daddy na muling makita ang lalabasan mo" nakangising sabi nito habang titig na titig sa akin.
Natawa ako sa sinabi niyang yon. "Sira ka talaga" alam kong gigil na gigil na siya sa akin at alam ko rin na matindi ang pagtitimpi niya. Hindi ko kasi feel ang mga bagay na yon, ngayong ganito kalaki ang tiyan ko. At ngayon ko rin lubusang naintindihan kong bakit nagkulong siya sa cr noong gabing may muntikan ng mangyari sa amin noon.
"Nagsasawa na kasi ako sa palad ko Mahal ko" reklamo nito
"Mmm wag ka mag alala pagkapanganak ko another 3 months ulit antayin mo" pang aasar ko sa kanya.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan niya. " Okey lang yon Mahal ko, importante nandito ka ngayon malaya ko kayong nahahawakan, nilalambing mo na ako, nakikita ko na ang matatamis na ngiti mo para sa akin, at higit sa lahat naririnig ko na rin ang mga I love you mo. Mahal na mahal kita tandaan mo yan." madamdamin saad nito.
"Mmmm baka maya dyan maghanap ka ng sesy kasi butete na ako"
"Hindi mangyayari yon Babe, napakaganda mong butete sa paningin ko."
Kinilig naman ako sa tinuran niya. At sumiksik ako sa katawan niya. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang matinding antok.
Jared POV
Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing naiisip ko ang hitsura ni Hukky kapag sumisipa na ang baby sa tiyan niya, ang anak namin halatang excited na rin na makita kami. Sila Mommy at Ate Jessica ay 3 beses sa isang Lingo kong dumalaw sa bahay. Nakikihimas sa tiyan ni Hukky. At para rin naman nakaka intindi ang anak ko, she always gave us a hard kick sa tuwing hinihiling namin. Nakikita ko naman ang pagsinghap ni Hukky sa tuwing ginagawa yon ng baby pero hindi nawawala ang ningning sa mga mata niya. Napag usapan na namin ang pangalan ng baby namin at talagang kinuha talaga ni Hukky yon sa kumbinasyon namin dalawa. Jackky Guzman. JA for Jared and KKY for Hukky.
Pinapa ubaya ko kay Janine ang mga out of town bussiness, maging ang abroad. Na labis naman naintindihan nito. At syempre pa ang pinangako kong kotse ay binigay ko na rin sa kanya. At ngayon nagpasabi siya na dadaan sa bahay para ibigay kay Hukky ang mga damit na nabili daw niya abroad para sa baby.
BINABASA MO ANG
My Bossing is my Lover
Romance"Wala ka talagang ka ide-ideya kong gaano kita kamahal.Sa kabila ng lahat na ginawa ko para sayo ito ka at pilit na lumalayo sa akin.Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong paki-alam sa estado ng buhay natin.Langit man ako para sayo pero pini...