Chapter 4

16.3K 359 3
                                    

Pagkaraan ng 2 Linggo ay umalis na si Manang Lydia. Napa iyak sila ni Tepang.Kahit sa ikli ng panahon na magkasama sila ay napalapit siya rito bukod sa mabait ito ay nabuhay ang Lola Soling niya sa pagkatao nito.

Gamay na rin niya ang mga gawain niya. 5am ay gising na siya para ipaghanda ng agahan ang mga amo. 7am aalis ang 3 mag ama para pumasuk sa opisina at sa school naman ang bunso.Pagka alis ng mga ito ay liligpitin niya ang pinagkainan ng mga ito.Nagprisinta na rin siyang maglinis ng kwarto ni Jared at Janine ang pangalan ng bunso ng mga ito. Pagdating ng 9am ay magluluto siya ng tanghalian, 11am ay dadalhin ni Madam Joann ang mga niluluto niya sa opisina para tanghalian ng mag ama niya.Hindi daw kasi mabuti sa katawan ang mga pagkain sa food chain kaya mas gusto ng mga ito ang lutong bahay.Maselan ang buong pamilya sa pagkain kaya ingat na ingat siya pag nasa kusina siya. Sinisiguro niya na malinis palagi ang kusina at masasarap ang mga luto niya. Hindi niya hahayaan na may masabing hindi maganda ang pamilya sa serbisyo niya lalong lalo na si Madam Joann na mataray ang dating nito sa kanya.

Quaker Oats daw ang gustung agahan ng mga ito. Pero nagluto pa rin siya ng Sardinas na may itlog. Try lang naman niya kong magustuhan ng mga ito masarap din naman itong palaman sa tinapay.Nang makita ng mga ito ang niluto niyang sardinas ay nag alangan pa ito pero nasarapan ito ng matikman.

" Mmm ang sarap mo talagang magluto ate Hukky" puri ni Janine.

" its Hukky's experiment" sabi ng daddy ng mga ito.

" hindi po experiment yan Sir, yan po ang lagi namin pagkain sa probinsiya. Paborito po naming mga mahihirap yan" birong may katotohan ni Hukky. Nagpatango- tango lang ang mga nasa hapag.

" but it taste good and yummy ate, luto ka po ulit nito bukas ha." Hiling ni Janine.

" sure Janine" Napatingin ako kay Jared na tumayo na at nagpa alam sa kapatid at sa daddy nila.Kapag ganitong oras ay tulog pa si Madam Joann.9 na kasi ang gising nito.

" Hukky pahatid naman sa sasakyan nun mga folder na nasa kwarto ko" malambing ang boses nito. Kinuha ko agad ang mga inutos nito sa kwarto niya.Nasa drivers seat na ito at pinapaandar na ang sasakyan. Agad naman itong bumaba sa sasakyan ng makitang paparating na siya at kinuha ang mga folders sa kanya.Titig na titig na naman ito sa kanya.

"Thank you Hukky" para akong napapaso sa mga titig nito sa akin.

" Your Welcome Sir" sagot niya sabay talikod sa binata.

" Hukky" tawag ng binata sa akin, kaya humarap ako ulit

" Yes Sir may iuutos pa po ba kayo" tanong ko.Pero ang sumunod na mga tanong ay parang nagpapabingi sa sistema ko.

" May boyfriend ka na ba" nagulat ako ng husto sa tanong nya.

"PO!!! Ano po???" Nauutal kong baliktanong sa kanya

"Ang ganda mo sana kaya lang bingi ka pala.tama nga pala talaga yong kasabihan na nobody's perfect. At saka pwede ba dont call me Sir. At next time linisin mo yang tainga mo para marinig mo naman lahat ng sasabihin ko sayo." Yun lang at sumakay na ito ng sasakyan at umalis ng walang sabi-sabi.Naiwan akong tulala hindi maka get over sa mga pinagsasabi ng binatang amo.

JARED POV

Paano kaya ako manligaw sa dalaga ng hindi nito iniisip na niloloko ko siya o kayay sinasamantala ko ang sitwasyon namin sa bahay. Ayaw kong isipin niya na porket amo ako ay binobola ko siya.. Shit Jared! Baka naman may boyfriend na yun. Sabagay eversince wala pa naman nangbabasted sa akin.Ipinilig niya ang ulo, pero ang isang ito aminin man nya o hindi... Natotorpe siya.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon