Apat ang kasapi ng pamilya na kanyang pagsisilbihan.Ang mag-asawang amo, 3 ang anak ng mga ito, ang panganay na babae ay may asawa na at tuwing Linggo lang daw ito dumadalaw sa mga magulang kasama ang asawa nito, sumunod ay lalake at babae ang bunsong anak ng mga ito.
6 pm na. Kanya-kanyang dating ang mga ito sakay ng mga magagarang sasakyan, halos sabay na dumating ang mag-asawang amo, sumunod ang bunsong anak na babae na napag alaman niyang kasalukuyan nag- aaral ng kolehiyo.Pinakahuling dumating ang binatang anak ng mga ito. Diretso sa dining table ang binata nakasuot pa ito ng pang opisina.
Pigil ang hininga niya naghihintay ng mga komento galing sa mga among kasalukuyan kumakain. Unang pagkakataon na ipagluto niya ang mga ito at tanging dasal niya na sana ay magustuhan ng mga ito ang luto niya. Kahit nagustuhan ni Manang Lydia ang mga luto niya ay kabadong- kabado pa rin siya.Binabalatan niya ang pinyang panghimagas ng mga ito ng kalabitin siya ni Tepang.
"Ky pinapatawag ka ni Madam Joann, punta ka muna sa dining area at ako na ang magtatapos niyan"
" Sa palagay mo kaya Tep nasarapan sila sa luto ko" kinakabahan niyang tanong sa kasama
" abay iwan,puntahan mo doon at tanungin mo sila" pabirong sagot ni Tepang.Alam kong wala akong makukuhang matinong sagot dito kaya naglakad na siya papunta sa hapag kainan ng mga ito.Nandoon si Manang Lydia nakangiti sa kanya.
" Good evening po" bati ko sa mga kumain.Tumango ang 3 naroon maliban sa binatang patuloy pa rin sa pagkain at parang walang balak na tingnan siya.
"Masarap ka ngang magluto Hukky. Keep up tha good work at tataasan ko ang sahod mo." Sabi ni Madam Joann sa akin sa pamamgitan ng pagnguya.
" Yes Mommy the foods taste good.Ate Hukky next time can you please cook a menudo for me." Tinig paglalambing ng bunsong anak ng mga ito.
" Sure po Mam Janine. Bukas po" sagot ko sa dalaga. Lihim akong natuwa at mukhang magkakasundo kami ng bunsong anak ng mga ito. Napadako ang tingi ko sa binatang naroon at... At totoo ba ito bakit feeling ko titig na titig siya sa akin. Ang gwapo pala nito.Akala ko matanda na ito.Lihim akong kinilig
"Where is the...." hindi matukoy ng binata ang sasabihin
" Where is what Kuya Jared?" Kunot ang noong tanong ng bunsong kapatid.Dumating si Tepang bitbit ang platong may lamang pinya.
" ito na po ang panghimagas" sabay lapag ni Tepang sa plato.
" Oh! Thats what im asking for" nakangiting sabi ng binata.
"Ay sus si Jared walang pagbabago mula pagkabata hanggang ngayon walang kasawaan sa Pinya." Natatawang sabi ng Daddy ng mga ito.
" Ofcourse Dad pampapogi kaya ito" sabay wink sa Daddy nila.
Natawa ang mga magulang nito sa tinuran ng binata maging si Tepang at Manang Lydia ay natawa rin.
Nililigpit ni Hukky ang mga pinagbalatan ng pinya ng maramdaman niyang may tao sa likod niya kaya lumingon siya.Laking gulat niya ng makita niyang si Jared pala ang nandoon.Gosh! Ang gwapo pala nito sa malapitan at parang ang bango pa. "Sir ano pong kelangan niyo?" taranta kong tanong.
" Nothing I just wash my hands." Nakangiti nitong sagot sabay nguso sa sink na nasa harapan ko. Agad naman akong umalis sa harap ng sink. Ang bango niya.Parang ang sarap niyang yakapin at sa tangkad niya 5 flat ay hanggang balikat siya ng binata.
" Thank you Miss Hukky" tapos na pala itong maghugas ng kamay at ang boses nito ang nagpabalik sa kanyang katinuan. Ngumiti ito sa kanya bago tumalikod.Kinilig ako pakiramdam ko namula ng husto ang mukha ko. Hibang ka Hukky Roose.Anak ng amo mo yon kaya wag kang ilusyunada. Kastigo ko sa sarili.
JARED POV
Nakahiga si Jared sa kama. Pinikit- idilat niya ang mga mata.Katulong ba talaga namin yon.Ganda niya at sexy pa.Bakit? Sexy din naman si Samantha ah, sigaw ng isang parte ng isip niya.Yon babaeng yon, iniwan ako pagkatapos ng gabing yon na may nangyari sa amin. Nangibang bansa ng hindi man lang nagpapa alam. Palibhasa ay anak ng mayaman kaya spoilled at lahat ng gusto ay nasusunod. Sabagay nalaman ko hindi ako ang naka una sa kanya.Pero sa kabila ng nalaman niya minahal niya pa rin ito. Hanggang ngayon umaasa siya na sana bigla itong magpakita sa kanya o tumawag man lang.Sa edad na 29 ay iilan na rin ang naka one night stand niya. Ngayon nagugulahan siya kasi kahit san niya ibaling ang tingin ay mukha na ni Hukky ang nakikita niya.
BINABASA MO ANG
My Bossing is my Lover
Romance"Wala ka talagang ka ide-ideya kong gaano kita kamahal.Sa kabila ng lahat na ginawa ko para sayo ito ka at pilit na lumalayo sa akin.Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong paki-alam sa estado ng buhay natin.Langit man ako para sayo pero pini...