Chapter 6

15.2K 356 4
                                    

Tuwing umaga bago umalis ang binata ay pinupuntahan siya sa kusina to say Ingat kayo dito sa bahay ha at binibiro pa siya minsan na wag kang magpapaligaw. Feeling niya ay close na sila ng binata.Minsan ay nagugulat siya rito,bigla kasi itong pumewesto sa likuran niya habang naghuhugas siya ng plato. Bumulong sa tainga niya.  Ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko at parang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ko.

" Ang sarap ng luto mo Huk, Thank you" bulong nito

" Your very much welcome Sir, bumaba ka lang talaga ulit to say thank you to me huh" nakangiti kong sagot sa kanya.

" Yes because you deserve that"  napatingin ako sa kanya

" Trabaho ko po yan Sir and its my pleassure kung mapataba kita"

" Sana kasamang tumaba pati ang heart ko" napatawa ako ng malakas sa narinig ko

" Ang corny mo Sir, itulog mo na yan at baka makita ka pa ni Madam Joann dito" pagkasabi ko ay tumalikud na ako at dumiritso sa quarters area.

Its my day off day.Sunday ngayon, kahapon ay nagpa alam na ako kay Madam Joann para aware siya na wala ako ngayon.Pinayagan naman ako agad kasi nangako ako sa kanyang hindi ako mag oovernight. Unang sahod niya kaya ilelebre niya ang kababata.Gusto niya sanang bayaran ang perang pinahiram sa kanya pero tumanggi ito.

Naglalakad siya palabas ng subdivision.paglabas ng subdivision ay may sakayan na ng jeep doon papunta sa bahay ng kaibigan niya. Nagulat siya ng may humintong kotse sa tapat niya.

" Sakay na Hukk" binuksan ni Jared ang pinto ng kotse.

" Naku Sir hindi na, malapit nalang ang sakayan ng jeep"  tanggi niya tanaw na kasi niya ang mga jeep na pwede niyang sakyan.

" Huk please! Ipapahiya mo ba ako.?" Paki usap nito sa akin.Paglingon ko ay napansin kong may iilan akong kasabayan naglalakad palabas rin ng subdivision at sa tingin ko mga katulad ko rin na mga kasambahay at siguro ay day off din nilang tulad ko. At sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga guard ng subdivision na napatingin na rin sa amin.Kaya wala akong magawa kundi ang sumakay sa sasakyan nito.Sino ba naman kasi siya para ipahiya ito.

" Salamat" umaliwalas ang mukha nito. " Kape muna tayo"

" Naku Sir ha. May lakad kami ng kababata ko."

" Please Hukk saglit lang to, may importante lang kasi akong sasabihin sayo" pina andar na nito ang kotse

" At ano naman yun? Di ba pwedeng sabihin mo ngayon" tanong niya sa binata. " Sige na ano na naman ba kasi yun" pangungulit niya rito.

Hininto ng binata ang sasakyan sa gilid ng daan.Humarap ito sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

" I love you Hukky..First time i saw you in kitchen, inlove na ako agad sayo." Mahina ang boses nito pero sapat para marinig niya ang pagtatapat nito. "Hukky I love you wag mo sanang mamasamain pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sayo ang nararamdaman ko."

" Sir alam nyo po ba ang sinasabi mo, baka po nakakalimutan niyo na katulong niyo lang ako. " Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin pero ang mga katagang yun ay kusang lumabas sa bibig niya.

" I know Huk but God knows how much i love you, wag mo sanang isipin na sinasamantala ko ang sitwasyun natin sa bahay."

" But thats what i feel Sir. Marami kang kakilala na kasing yaman mo. Bakit ako pa?" Ang lahat ng sinasabi ko ay taliwas sa nararamdaman ko ngayon gusto kong sabihin sa binata na mahal ko rin siya at pareho kami ng nararamdaman pero alam kong hindi yon ang nararapat. At nasa tamang katinuan pa ako.Hindi ako gagawa na ano man hakbang na ikakasira ng buhay ko pagdating ng araw.

" Sir ang taas po ng respeto ko sayo at sana irespeto nyo rin po ako bilang katulong ng pamamahay nyo.Hindi nyo po ako maloloko Sir" Pagkasabi nun ay lumabas na siya ng sasakyan yun.Isa lang ang gusto niyang mangyari ang makalayo sa binata. Kasi alam niya isang hirit pa nito ay bibigay na siya.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon