Chapter 8

13.9K 360 2
                                    

JARED  POV

Napabuntong hininga ang binata. Binitiwan niya ang hawak  na ballpen at hinilot- hilot ang sentido niya. Simula nang dumating siya sa opisina niya ay hindi nawala sa isip ang mukha ni Hukky, ang pag tulo ng luha nito ay dumudurog sa sistema niya. Pinipilit niyang iwasan ang dalaga kahit gustong- gusto niyang ipagpatuloy ang panliligaw rito. Mainit kasi talaga ang ulo niya kanina nagkaproblema kasi ang isang branch ng Foots Wear nila. Isang sapatosan ang negosyo nila na nagawang palaguin ng mga magulang niya. May mga branches sila sa ibat- ibang lugar ng bansa at maging sa Malaysia ay meron sila. Dapat ay panatag siya ngayon kasi na settle ito agad ng Daddy niya, pero heto siya at gulong- gulo ang utak sa kaiisip kay Hukky. Ilang beses na rin siyang nagtangkang tumawag sa bahay nila para makahingi ng sorry sa pagsigaw niya kanina sa dalaga ngunit hindi pa man niya na didial ang numero ng telepono ay naibabalik niya sa lagayan ang awditibo ng telepono. Tiningnan niya ang relong pambisig, ala- una pasado ng hapon natitiyak niyang ang dalawang kasambahay lang ang naiwan ngayon sa bahay nila. Tumayo siya, uuwi siya para personal na humingi ng paumanhin sa dalaga.

Hukky    POV

Bago umalis ang babaeng amo niya ay kina usap siya, sinabihan siyang mag iingat sa susunod at sinabing Ok lang daw yon kasi hindi naman daw natuloy ang meeting ng binata. Save by the Angel ika nga. Kasalukuyan siyang nagpapalit ng mga bed sheet at punda maging ang kumot ng magkakapatid.Tapos na ang kay Janine kaya nasa kwarto na siya ngayon ng binata. Ilang Beses na siyang nakapasok sa kwarto nito pero hindi niya talaga maiwasan langhapin ang amoy ng kwarto nito. Amoy panlalaki at mabango yun sa pang amoy niya.Pagkatapos niyang palitan ang kubre- kama nito ay sinunud niya na ang punda ng mga unan nito. Pagkatapos ay wala sa loob na inamoy niya ang mga pundang tinanggal sa unan ng binata, naiwan kasi doon ang amoy ng binatang lihim na iniibig " i love you Jared" bulong niya habang niyayakap na niya ang pundang yon. Dahil nakatalikod sa pinto ay hindi niya napansin ang Binata,  kanina pa siya pinagmamasdan nito. Nagulat ito sa una pero napangiti ng makita niya ang ginawa ng dalaga.

" Ahemm..." pagpaparamdam nito. Parang nabibingi si Hukky sa mahinang tikhim na yon ng binata, awtomatikong napaharap siya rito at nanlaki ang mga mata ng makita ang binata sa mismong pinto ng kwarto nito.  Agad ibinaba sa kama ang punda na kanina lang ay yakap- yakap niya.

" I just drop by to say sorry sa inasal ko kanina" nakangiti ito, nasa pinto pa rin ang binata at titig na titig sa kanya.

Hindi niya alam kong ano ang hitsura nya ngayon, kung namumula ba siya o namumutla ng mga oras na yun. "Its my fault Sir, alam ko po na hindi mo pa naisusuot yon at Sorry po talaga sa katangahan ko" nakayuko ang ulong sagot niya rito. Hindi niya kayang lumaban ng titigan sa binata. At lalong hindi niya alam kung nakita ba nito ang pagyakap niya sa punda kanina. Mabilis niyang pinagdadampot ang pinagtatanggal na bed sheet at punda para maka alis na sa kwartong yon, pero hindi siya makadaan nakaharang kasi ang binata sa pinto.

" Padaan po" nakayuko pa rin siya. Pero sa halip na  bigyan siya ng daan ay kinuha sa kanya ang mga bitbit niya. At hinagis sa laundry basket na nasa labas ng pinto. Hinawakan ang mukha ko at pilit na hinuhuli ang mga tingin ko.

" Look at me directly to my eyes, Please Huk. Pinilit kong umiwas sayo but God knows how much I Love You, Yes Huk I love you at yong nakita ko kanina it means you love me too,.. di ba? paniniyak nito sa kanya.

Hindi siya makasagot. Ano nga ba ang sasabihin niya? Huling- huli na siya nito sa akto. Ang alam lang niya ay naiiyak na naman siya.

" Please Babe dont cry... , just tell me that you love me too.." himig sumamo nito, pinunasan nito ang mga luhang nag uumpisa na naman pumatak.

" Natatakot kasi ako"

" Afraid of what'' sagot ng binata, this time ay dalawang kamay na niya ang hawak nito. Mahigpit ang pagkakahawak nito na para bang pakiramdam nito mawawala siya pag binitiwan siya nito.

" Sa sitwasyon natin, "

Muli ay hinawakan nito ang mukha niya.Malapit na malapit na ang mukha nito sa mukha niya. Naamoy niya ang mabangong hininga nito.  Dahan- dahan palapit ng palapit ang mga labi nito sa mga labi ko, Unang halik galing sa unang lalakeng kanyang unang iniibig. Napapikit siya at para sa kanya ay huminto ang pag- ikot ng mundo niya, ang takot at pangamba ay parang bulang naglaho sa puso at isip niya.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon