Chapter 16

13.1K 288 1
                                    

dedicated to @jodemata


Tahimik lang siya habang nagmamaneho ang binata. Kainis lang talaga, ayaw niya pa sanang iwan ang kababata kong hindi lang dahil sa pagiging OA nito. Ganito pala pag may karelasyon dinaig pa ang Lola Soling niya sa pagiging protective nito. Sa inis ay hindi na tuloy niya namalayan ang pagtitig niya sa nobyo.

"Hey!hey! Babe, are you mad at me.? I am sorry for forcing you to come with me.Ayaw ko kasing umalis doon knowing na nandoon lang din sa paligid mo ang mokong na yon" paliwanag nito sa kanya." Actually gasgas na gasgas na sa kanya ang paliwanag niyang yon kanina pa kasi niya ito paulit-ulit na sinabi.

"Kahit naman nandoon siya hinding- hindi ko papansinin ang gunggong na yon." Nakasimangot niyang saad dito. "Pakiramdam ko lang kasi wala kang tiwala sa akin" mahina ang boses na dagdag niya.Binaling niya ang mukha niya sa labas ng sasakyan.Hayyy salamat nakahinga siya ng malalim sa wakas naisatinig niya rin ang bagay na kanina pa ipinag puputok ng butse niya.

" No Babe. Its not like that!!"Hininto ng binata ang kotse nito sa tabi ng kalsada. HAbang pilit na hinarap ang mukha niya sa direksyon nito. "Babe please! Look at me directly to my eyes" nasa tinig dito ang senseridad. Lihim naman siyang kinilig sa ginawa nito. Nilingon niya naman ito at...Ayun to the max sa pagkabog ang puso niya, Ay sus pagkagwapong nilalang.

" Babe i love you so much, at sobrang taas ng tiwala ko sayo, but I can help myself I am fcking jealous with that guy at base sa tingin niya sayo kanina kayang kaya ka nya gawan ng masama" marahan lang ang pagkasabi nito pero may diin ang paraan ng pagkasabi nito.

Muli niyang binawi ang tingin mula rito. Ano pa nga bang magagawa niya. Pero sa kabilang parte ay nagdiwang ang kanyang puso.

" Babe do you understand na why I dont want you to stay there?" tanong nito ulit sa kanya.

" Oo na sige na... Ibaba mo nalang ako pagkadating natin sa labas ng subdivision niyo at maglalakad nalang ako papunta sa bahay para walang makahalata." Suko na siya, at pagod na siya gusto na rin niyang matulog.

" No I wont take you there" saad nito habang muling pina andar ang sasakyan.

" What? At saan mo ako dadalhin" napatingin siya sa cellphone nito na tumutunog. Tinikom niya naman ang bibig ng makita niyang sinagot ng binata ang tumatawag. At parang sinadya talaga nitong e-loud speaker ang cellphone.

Lalake ang tumatawag at niyaya nito si Jared na mag disco sa isang bar na hindi niya alam kong saan. At uminit lang ang ulo niya ng marinig niyang sinabi nito na Shayra is with us Dude remember her ? Your ex-girlfriend? Tinapunan niya ito ng masamang tingin at hindi naman ito nakaligtas sa binata. Nainis siyang lalo ng marinig niyang susunod daw ito doon. Pagkatapos magpa alaman ng dalawa ay muling ibinulsa ang cellphone nito.

" Since nagpa alam ka na kay Mommy na tommorow ang balik mo, doon ka nalang muna sa condo ko para makapag pahinga ka ng maayos at hindi ka gigising ng pagka aga- aga bukas para magluto. Wag kang mag alala hindi tayo magsusolo doon lalabas kami ng mga friends ko babalikan nalang kita bukas" matigas ang boses na saad nito.

Nagwala na naman ang puso ko sa narinig. Gago ba itong hayop na to, iiwan ako sa condo mag isa at sasama para makipagkita ng Shayra na yon. Gusto niyang sigawan ito at sabihan ibalik nalang sa bahay ng kababata niya pero tila manhid na talaga ang utak niya at baka lalo lang mainis sa kaartehan niya ang nobyo.

Agad bumaba ang binata at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan, pagkatapos ay ibinigay sa guard ang susi ng sasakyan at inutusan na i- park ng maayos ang kotse niya. Inakbayan siya nito habang papasok sila ng building. Nasa penthouse ang lugar nito at lihim siyang namangha sa napasukan niya.

Napakaganda ng ambiance. Napatingin siya sa binata.

" Pag mamay-ari ng pamilya namin ang building na ito kaya wag ka mag alala, dito ako laging umuuwi pero mula noong napadpad ka sa bahay namin ay minsan nalang ako nakakapunta dito. Dahil ginusto ko na makita ka lagi Babe" sabi nito na nagpalingon sa akin.

"Ilang babae na ba ang nadala mo rito bukod sa akin" wala sa sariling tanong niya. Nagulat din talaga siya sa nalaman niya,nag mamay-ari rin pala ng ganitong building ang pamilya ng nobyo niya. Mas lalo tuloy siyang nanliit sa sarili.

" Ikaw pa lang ang babaeng nakapunta dito Babe, maliban kay Mommy at mga sisters ko, ikaw palang, believe me" Napalingon siya sa binata na nasa likuran na niya pala.

Pakiramdam niya ay yayakapin at hahalikan siya nito pero nadismaya siya ng muli itong magsalita. "3 ang kwarto nito pili ka nalang kong saan mo gusto ,magbibihis lang ako." Paalam nito. At deri-deritso na ito pagpasok na sa malaman ay siyang kwarto nito.

Napa upo siya sa sofa na naroon. Gusto niyang maiyak. Kainis ka Jared, Pagkatapos mo akong pilitin na sumama sayo iiwan mo lang ako dito sa condo mo mag- isa. Napatingin siya sa pintong pinasukan ng nobyo, nandyan siya sa loob nagbibihis para makipagkita sa Shayra na yon.Inis at selos, Oo selos ang naramdaman niya at dahil doon ay dumapa siya sa sofa at ibinaon ang mukha roon. Maya- maya ay naramdan niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

" Babe bakit dyan ka pumuwesto?" Nasa boses nito ang pag aalala.

Nagsasalita ito pero hindi siya nag angat ng tingin. Naiiyak kasi siya sa isipin aalis ito at makikipagkita kay Shayra.

" Babe dont tell me your already sleeping" tanong nito marami na kasi itonh sinasabi pero hindi niya ito sinasagot.

" No im not, sige na umalis ka na makipagkita ka na doon sa mga kaibigan mo at sa Shayra na yon" sagot niya rito.

Narinig niya ang pagtawa nito. "Bumangon ka nga dyan" itinayo siya nito sa pagkakadapa at nagulat siya sa nakita niya. Hindi kasi ito nakabihis ng pang alis bagkos ay naka pantulog ito.

" Akala ko kasi aalis ka, akala ko iiwan mo ako dito" naiiyak niyang sabi.

"Ofcourse not Babe, ill never do that to you,. Napaka walang kwenta ko naman kong gagawin ko yon sayo" masuyong sagot nito. "Halika ka na, hatid na kita sa magiging tulugan mo at ikukuha kita ng damit para bihisan mo"

Inalalayan siya nitong tumayo sa pagkaka upo sa sofa pero iwan ba niya ng maramdaman niya kasi ang mainit na palad nito sa kamay niya ay parang nanghina siya dahilan para ma out balance siya. Nahila niya si Jared na nabigla rin at yon sabay silang bumagsak ulit sa sofa. Si Jared nakadagan sa kanya.

" Nice move Babe" pilyong ngiti nito habang titig na titig sa mukha niya. Pilit niyang tinutulak ang binata pero sinadya na yata nitong magpabigat sa kanya.

Dahan- dahan ang pagbaba ng mukha nito sa mukha niya. Ang init ng mga labi ni Jared na pakiramdam niya tumutupok sa bawat katinuan niya. Napapikit siya ng mariin. Naku! ito na nga ba. Ito na yon isusuko ba niya? Pero dalang-dala na siya. Dalang- dala sa halik at kuryenteng hatid ni Jared sa kanya.

" I love you Babe" bulong ni Jared sa pamamagitan ng paghalik nito.

" I---I love you too Jared" nauutal na sagot niya.


Dear Readers next chapter is for adults only.. Adults only ha.. Abangan..

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon