Chapter 10

14.1K 333 2
                                    

JARED POV

Matamis ang ngiti. Nasa mukha ang sayang nararamdaman. Pagdating ng opisina niya ay tinawagan niya ang bunsong kapatid, natatawa siya sa sarili pakiramdam niya ay para siyang teenager.

" Yes Kuya, napatawag ka?" masiglang sagot ni Janine sa kabilang linya.

" Hello my beloved little sister, where are you at this very moment?" tanong niya sa kapatid.

" At Moms botique.Why" nagtataka tuloy ang bunso niyang kapatid bakit bigla ang ganda ng mood nito ngayon, samantalang kakakwento lang ng Mommy nila ang tupak nito kanina.

" Guess what little sister" masayang boses nito.

Naintriga naman si Janine kaya lumayo siya sa Mommy niya. " what is it Kuya it sounds interesting huh?"

" sinagot na ako ng nililigawan ko"

" huh! may nililigawan ka Kuya? and who' s that girl kuya? Kelan mo ako ipapakilala sa kanya? sunod- sunod na tanong nito

" Promis Janine, magugustuhan mo rin siya, papakilala ko rin siya sayo in perfect time.Bye Little Sister" hindi pa nakasagot ang kapatid ay mabilis na pinidot ang end call. At pagkatapos ay maganang ginawa ang mga dapat tapusin na paper works na naroon. Mayat- maya ang tingin niya sa relo pakiramdam niya ay ang bagal ng takbo ng oras gusto na niyang umuwi at makita na ang girlfriend. Hindi siya nakatiis dinampot ang telepono at tumawag sa bahay nila. Pagkatapos ng ilang sandali ay may sumagot na sa telepono sa kabilang linya, si Tepang.

" Hi Tepang. Pwede kay Hukky" tirada niya agad .

" Hala.. Na miss mo agad si Hukky noh. Sige wait lang" narinig pa niya ang boses ni Tepang na tinatawag ang nobya. Ilang saglit ulit ay boses na ng nobya ang narinig niya, para sa kanya ay napakasarap pakinggan ang boses nito sa telepono.

" Oh, bakit ka napatawag" nagtatakang tanong nito.

" Na miss kasi kita eh." Sadyang nilambingan niya ang boses.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito " loko ka talaga, ayan tuloy inaasar ako ni Tepang" himig sumbong nito.

" Para hindi na ako tatawag sa landline. Can i get your mobile no?"

" Naku Jared sorry ka, wala akong cellphone, wala naman kasi akong paggagamitan, wala akong ettext o kaya ay tatawagan kaya hindi ako nagcecelphone. Oh sige na babye na masusunog na ang niluluto ko. Ingat sa pag- uwi." pagkatapos ay binaba na ng dalaga ang kabilang linya.

Napailing siya may pagkamaldita din talaga ang nobya niya binaba ang telepono ng hindi man lang nag I love you sa kanya.Pero napangiti siya sa paalala nito "ingat sa pag- uwi." Pagkatapos ayusin ang sarili at tapusin ang lahat ng dapat tapusin ngayon araw na ito ay nagmamadaling umalis ang binata. Bibili siya ng cellphone para sa nobya.

Hukky POV

Pagkatapos niyang magluto ay pumasok siya sa quarter nila may kalahating oras pa siya para magpahinga. Umupo siya sa kama at napangiti siya, biglang may nangatok sa pinto. Napa iling siya kahit kelan talaga ay loka- loka itong si Tepang, hindi naman nakapad lock ang pinto ay may nalalaman pang pakatok- katok.Hindi pa man siya nakakalapit sa pinto ay bumukas na ang pinto.

" Hi babe can I come in? Sabi kasi ni Tepang nandito ka kaya dumeretso na ako dito" si Jared, Ang gwapo talaga nito. Hindi pa man siya sumasagot ay pumasok na ito. Tama na rin yon at baka biglang dumating ang isa sa mga amo nila at baka makita pa sila. Binuksan ng dalaga ang electricfan na naroon at hinarap sa binata. Napatingin siya sa kahon na inabot nito sa kanya.

" ano yan" tanong niya sa binata

" For you Babe, I guess you need that for our communication, hindi ako pwede basta- basta lumapit sayo pag nandito sila mom at dad. Paliwanag nito.

" No Jared hindi ko matatanggap yan" tanggi niya sa nobyo. Inilang hakbang lang ng binata ang pagitan namin. Napa atras ako ng maramdaman kong palapit na siya ng palapit sa akin. Hanggang sa napasandal ako sa pinto na nakasara.

" Ok babe bayaran mo nalang ako kong gusto mo" hinawakan nito ang mukha ko at napahawak naman ako sa mga kamay niya na nakahawak ngayon sa mukha ko. Ang lapit na naman ng mukha nito sa mukha ko at amoy na amoy ko na naman ang mabangong hininga niya.

" Magkano ba yun" ang hina ng boses ko, napapikit ako nahihilo na naman kasi ako sa kuryenteng hatid ng pagkakalapit ng mga labi namin.

" Mura lang para sayo Babe, I love you so much" paanas na wika nito. Tinawid na ng binata ang maliit na pagitan ng mga mukha namin. Ang sarap ng dulot ng halik na yun. Hindi katulad kanina na saglit lang, ngayon ay matagal bago nito pinakawalan ang labi ko.Pareho kaming naghabol ng hininga at sabay na nag smile sa isat- isa.Napalundag siya sa gulat ng marinig ang malakas na katok sa pintong kinasasandalan niya.

" Hukky.... Sir Jared lumabas na kayo dyan, papasok na sa gate ang kotse ni Sir Noah." Boses ni Tepang. Pagkarinig nun ay mabilis niyang tinulak si Jared palabas ng quarter, pagkatapos itago sa aparador ang cellphone ay nagmamadali siyang nagtungo sa kusina.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon