dedicated to @Fiona032307
Malayo pa lang ang sasakyan nila ay tanaw na niya ang kaibigan na halatang naghihintay sa kanila sa labas ng tindahan nito. Dumaan muna sila sa Goldilocks para bumili ng cake para sa kababata,nakipag unahan pa siya sa pagbayad sa nobyo pero talagang mapilit ito at wala siyang nagawa kundi ang pumayag nalang.
Pagkahinto ng kotse ay agad siyang bumaba para batiin at yakapin ang kaibigang alam niyang kanina pa siya hinihintay.Habang si Jared ay inaayos muna pag park ang sasakyan.
"Best Happy Birthday.I love you" bati niya sabay yakap dito.
Gumanti naman ng yakap si Shirly. "Ikaw nalang ang kulang Best, akala ko kay Jared mo nalang ikaw nakipagdate" nagpasabi na kasi siya sa kababata na isasama niya ang lalake.
"Sus!!! Ito naman. Syempre naman noh. Makakarating ako sa kaarawan mo"
" In fairness Best blomming ka ngayon at mas lalong gumanda. Parang kelan lang umuwi ka rito umiiyak ka sa pangbabasted mo dyan sa amo mo. So, kayo na ba?" Nagniningning ang mga mata na halos alam na rin kong ano ang isasagot niya.
" Hi Shirly.Happy Birthday" bati ng binata sa kababata ng nobya. Palibhasa ay bukang-bibig na ito ni Hukky sa sasakyan habang papunta sila rito ay halos kilala na rin niya ito.
Bitbit ng binata ang cake na binili nila.
Napangiti naman si Shirly sa binata. " Thank You"
" Doon sa tanong mo kanina, Oo kami na ng kababata mo" sabi ng binata sabay hapit ng isang kamay nito sa baywang ng dalaga.
Nanlaki naman ang mga mata ni Shirly sa nakikita niya at dahan- dahan sumilay sa labi ang ngiti ng makitang namumula ang mukha ng kaibigan. "Wow ha! Basta Jared wag na wag mong sasaktan si Hukky. First love ka kaya nyan" kunwari ay pabulong pa niya itong sinabi sa binata.
" Yes Shirly. Dont worry mahal na mahal ko ang kaibigan mo at hinding hindi ko siya sasaktan" sabi nito habang ang mga mata ay nakatingin sa nobya. "So Babe totoo ba yon?" Malokong tanong nito sa girlfriend na ngayon ay pulang-pula na sa paningin niya.
" Ang alin?" nagtatakang tanong nito.
" That your crying last time you rejected me?"
" Ewan ko dyan kaya Shirly, wala kasi akong maalala eh" pinandilatan pa niya ang kaibigan na ngayon ay napapahagikhik na. "Tara na nga sa loob, gutom na ako eh" aya niya sa mga ito. Kanina pa kasi siya nahihiya sa pagiging vocal ng binata. At yon lang ang tangi niyang paraan para maka iwas sa iba pang mga tanong ng kaibigan.
" OH Denying again! And shes always like that" sabi nito kay Shirly habang mabilis na hinawakan ng mahigpit ang kamay ng nobya. Tumawa naman ng malakas si Shirly at naunana ng maglakad papasok ng bahay.
Pagkatapos mailapag ng binata ang cake ay pina upo ito ng dalaga sa upuan kaharap sa electricfan. Mainit kasi at nakikita ng nobya na butil-butil ang pawis nito palibhasa ay sanay ito sa aircon.
"Pasensya ka na Babe ha, wala kasi kaming aircon dito." Sabi nito habang pinupunasan ang noo ng dalang panyo ang nobyo.
Matamis namang ngumiti ang binata at kitang kita na naman ang kagwapuhan nito. " Its ok Babe, being with you is heaven to me" bulong nito sa kanya.
Kinilig naman siya sa sinabi nito "Kukuha lang kita ng foods" hindi na niya hinintay pa ang nobyo na sumagot. Naglakad na siya palapit sa mesa.
Ngunit hindi pa man siya nakarating sa mesa ay biglang sumulpot sa kong saan si Aldren. Bunsong kapatid ng asawa ni Shirly.Pagkakita kasi nito noon sa kanya ay agad siya nitong niligawan pero kahit nakikita naman niyang gwapo ito ay hindi pa rin niyang nakuhang sagutin ang lalake.
" Wow Hukky, your here at mas lalo kang gumanda" bati nito sa kanya at tinitigan siya nito na puno ng pagnanasa.
" Tumigil ka na Aldren taken na yan kababata ko" saway ni Shirly sa bayaw.
" Kaya pala hindi mo man lang ako kinaka usap tuwing tumatawag ako kay Tepang,may iba ka na palang manliligaw" lumingon ito saglit sa kina uupuan ni Jared.Tapos muling ibinalik ang tingin sa kanya at lumapit ito ng mas malapit sa kanya at naamoy niya ang alak dito.
Nakaramdam siya ng kaba ng makita niya si Jared na madilim ang mukha habang nakatingin sa kanila. "Hindi ko lang siya basta boyfriend lang Aldren boyfriend ko na siya" walang gatol na sabi niya sa pagmumukha ng lasing na taong kaharap niya.
" Talaga,? kaya pala gusto mo palang mayaman.Mayaman din naman kami Huk ah, hindi nga lang kasing yaman ng lalakeng yan" hinawakan nito ang mukha niya.
"Ano ba ti--- " hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Take your hands off to my girlfriend Bro"Si Jared nakalapit na pala ito sa kanila,mahinang tinulak si Aldren palayo sa kanya. At niyakap si Hukky "Please lang Bro wag mo naman hinaharass ang girlfriend ko" mahinahon pa nitong paki usap. Naramdaman ni Hukky ang matinding pagtitimpi nito.
Lumabas naman agad galing sa kusina ang asawa ni Shirly para patigilin ang kapatid. Humingi ito ng pasensya sa kanilang dalawa. Lasing daw kasi ito kaya wala sa katinuan at hinatid ang kapatid sa bahay ng mga magulang nito na katabi lang ng bahay nila Shirly.
Ang dapat sana na pagpapapa iwan niya sa boyfriend sa bahay nila Shirly at kinabukasan na uuwi ay hindi natuloy. Hindi kasi pumayag si Jared at baka daw anong gawin sa kanya nong kolokoy na Aldren at mapatay lang daw niya. Lihim lang naman siyang kinilig sa inasal ng nobyo. Halata kasi dito ang matinding pagseselos kanina.
Nagkasarilinan na rin sila ni Shirly at inaasar siya nito sa pagiging OA ng boyfriend niya.
" Wag na wag mong isuko ang bataan ha., pero kong hindi mo na carry ay siya ibigay mo na agad" pilyang saad nito.
" Sira!! Kaw talaga puro ka kalokohan" piningot niya ang ilong nito. " Ano na wala pa rin bang laman yan" sabay himas sa tyan ng kababata.
Agad naman rumehestro ang kalungkutan sa mukha nito. "Oo nga eh, naiinip na si Husband ko, hindi ko na alam kong sinong ba-og sa amin."
" Pacheck-up na kasi kayo" nag alalang sabi niya rito.
" Oo wag ka mag alala, baka maunahan mo ako ha" nakangiti na naman ito.
" Naku Best tigilan mo nga ako" namumulang sabi niya rito.
Pass 7 ng lisanin nila ang bahay ng kaibigan. Sumama nalang talaga siya kay Jared dahil ayaw niyang mag isip ito ng masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Bossing is my Lover
Romansa"Wala ka talagang ka ide-ideya kong gaano kita kamahal.Sa kabila ng lahat na ginawa ko para sayo ito ka at pilit na lumalayo sa akin.Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong paki-alam sa estado ng buhay natin.Langit man ako para sayo pero pini...