Chapter 36

17.1K 373 8
                                    

"Congratulation Little Sissy" bati niya rito. Pina andar na nito ang sasakyan niya.

"Thank you Pretty Ate" matamis ang ngiting sagot nito.

"No gifts for you, pero ipagluluto kita ng favorite mo na menudo"

"Wow.. I cant wait to taste again your yummy menudo" tuwang-tuwa nitong saad.

"Marami ba kayong bisita?" Halata sa mukha ang pag aalala niya.

"I think so" maikling sagot nito. "Why?."tanong nito.

"Wala lang.. Hindi naman kasi talaga akong sanay sa ganitong mga party eh" pagdadahilan niya. Pero ang totoo natatakot siya sa maaaring mararamdaman niya pag nakita niyang may ibang babaeng lalandiin si Jared doon. Hirap na hirap na rin kasi siyang magpigil sa nararamdaman niya para sa ama ng batang nasa sinapupunan niya. Pakiramdam niya ay nasasaktan siya ngayon sa mga inaasta niya para sa binata, pero ayaw nayang ibaba ang pride niya alam naman kasi niyang kaya siya pinagtatyagaan ng mga ito dahil sa kalagayan niya. Pride na nga lang ang meron siya..Isusuko pa ba niya? No way...

May mga ilang bisita na rin silang nadatnan pagdating nila. Maganda ang ayos sa labas ng mansion ng mga ito ngayon..Palibhasa ay malawak ang harapan ng mansion ng mga ito kaya maraming mesa rin ang mga nakalagay roon. Maayos ang pagkaka arrange noon at halatang pinaghandaan talaga. May mga naka uniform na sa pagkaka alam ay waitress ang mga iyon.Pagkababa nila ng sasakyan ay nagulat siya ng salubungin sila ng mga tao at sa tingin niya ay yong mga nagbabalita sa tv. Nakita niya kasi ang iba roon sa tv na nagbabalita. Bongga talaga ang mga ito.. Sabi niya sa sarili.

"Congratulation Miss Guzman!" bati ng isa sa mga ito kay Janine

Nakita ko ang tipid na ngiti ni Janine. Sanay na sanay sa pagharap sa mga taong kagaya ngayon. Inalalayan ako ni Janine sa paglalakad habang ang mga ito ay sumasabay pa rin sa paglalakad namin. "Miss Janine totoo po ba ang balung-bulungan na ang kapatid mo na si Mr.Jared Guzman ay magpopropose kay Miss Samantha Ferrer sa pangalawang pagkakataon?" tanong ng isang babae kay Janine habang may isang bagay ito na pinipilit itapat sa bibig ni Janine. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Janine sa braso ko pero hindi ako lumingon sa kanya parang may kong mainit na bagay kasi ang nagbabadyang tumulo sa mata ko.

"I dont have the rights to answer that question. Im sorry. Can you please leave us alone" sabi ni Janine habang pilit na ngumingiti sa mga kaharap.

Maya maya lang ay biglang nawala ang attention nila sa amin ni Janine at ng tingnan ko kong sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito, nakita ko si Jared na matamis na nakangiti habang sinasagot ang mga tanong nila.

"Ate are you okay" nag-aalalang tanong nito sa akin.

Marahang tango lang sinagot ko sa kanya.

"Dont mined them, ganyan talaga ang mga media laging nangunguna sa balita" pagkatapos ay marahan itong tumawa. "So Ate, pwede ba kitang iwan muna saglit, magreretouch lang ako" paalam nito.

"Take your time little kitty" sagot niya at naglakad siya sa mga table na naroon. Nagulat siya sa nakita niya. Naroon sa isang table sina Shirly at ang asawa nito, pati sina Nanay Lydia at Lohan..

" Hukky Roose" halos sabay-sabay na tili ni Shirly at Lohan.

Naiiyak naman halos takbuhin niya palapit sa mga ito. At ng tuluyan makalapit ay agad yumakap kay Nanay Lydia.

"Nanay namis ko po kayo" tuwang- tuwa na turan niya.

"Kami din anak" hinimas nito ang tyan niya. "Ang laki na niya"

"Opo nga eh".

"Hiyang ka sa kalinga ni Jared.. Look at you ang ganda-ganda mo" puri ni Lohan sa akin.

My Bossing is my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon